Day 11: Information

0 0 0
                                    

Jaxton's Point Of View

I swallowed as I saw the information of Glenn on my table. Birth Certificate, health information, job information, report card mula elementary hanggang college, mga certificate galing school, at iba pang BIO data about sakaniya. Pati sa magulang niya pinakuha ko.

Isa-isa ko itong binasa. Nothing strange, walang adaptation—

Sht. Ang alam ko'y orphan si Adele. So, kung si Glenn ay hindi isang orphan... Iyon ang tunay niyang magulang.

Agad kong tinawagan si Irene. "Get the DNA test of Glenn and with her parents. Ngayon na, Irene."

Binaba ko agad ang tawag, at sumandal sa swivel char. I took a deep breath. Minasahe ko ang pagitan ng mga mata ko.

Malalaman ko, kung sino ka talaga Glenn. Gagawin ko lahat, para maconfirm ang hinala ko na ikaw si Adele. At malaman kung anong ginawa sa'yo.

Bumukas ang pinto at nagpakita si Callen. Binati niya ako bago umupo.

"Boss, stress? Gusto mo ng maiinom?" Alok niya.

"I'm not drinking alcohol, Callen." Tinatamad kong sagot.

"Hindi naman talaga iniinom ang alcohol, boss. Mamamatay ka. Tsaka hindi naman porket maiinom, alak agad." Halatang nagbibiro siya.

"Bigyan mo na lang kaya ako ng juice?" I sarcastically told.

"Aye aye, boss alcohol!" Sumaludo pa siya bago lumabas ng opisina ko.

Napailing ako sa kakulitan ni Callen. Crazy.

I don't drink alcohol at all, kahit manigarilyo. Pinapangalagaan ko ang katawan ko, mahirap na kapag magkasakit. Tsaka, isa 'yan sa mga pinangako ko kay Adele, na hindi ako magkakaroon ng bisyo.

Pagdating ni Callen ay may dala na siyang Delmonte drinks. Inabot niya sakin ang isa at ininom ito.

"Say Jax, anong meron kay Glenn bakit ganun ko gusto kunin ang informations na 'to?" Tanong ni Callen.

"Huwag mo nang alamin." Sagot ko bago uminom.

He shrugged bago ubusin ang laman ng Delmonte niya. "Pero aminin mo, maganda siya—."

"She is gorgeous from sole to crown. And beautiful from the bottom of her heart, Callen." Sabi ko bago sumulyap sakaniya at ngumisi ako.

"Ay patay tayo dito, inlove na ang presidente!" Sigaw niya.

"Crazy, tulungan mo na lang si Irene sa pagkuha ng DNA." Utos ko.

"Aye aye president!" Sabi niya bago lumabas ng opisina.

I bit my lower lip. Bakit? Talaga namang maganda si Glenn, tsaka mabait.

Inubos ko na ang Delmonte bago itapon sa basurahan. Binasa ko ulit ang mga BIO data.

Pero, nakaramdaman ako ng pagkatamad. Napasulyap ako sa cellphone ko.

Siguro naman, pwedeng—

Kinuha ko ang cellphone ko. Pero naisip ko na baka busy siya. Kaya nilapag ko na lang ulit. Tinignan ko ulit ang cellphone ko at tinignan ang oras.

Alas nuwebe pa lang sa umaga. Maya-maya pa ang lunch break niya. Pero baka naman siguro wala siyang pasyente.

Kukunin ko sana ang cellphone ko, nang pigilan ko ang sarili ko. Ikinuyom ko ang kamay ko at inipit ang pareho kong kamay sa hita ko.

Sequel Of Pasko: NotebookWhere stories live. Discover now