Day 01: Shape Of You

3 0 0
                                    

Jaxton's Point Of View

INILAPAG ko ang isang bouquet ng rosas sa puntod ni Adele, bago ako nagdasal. Nang matapos ako magdasal ay umupo ako.

"Hi love, I bought you some flowers. Kahit gusto kitang bigyan ng chocolates and teddy bear. Baka naman kasi magtaka ang mga tao dito, or may kumuha. Umahon ka na kasi dyan." Bulong ko. I smiled. "Just kidding, rest love. I have to go, I love you, happy valentines."

Tumayo na ako at sumakay sa kotse ko at bumalik sa bahay nina tita Marie at tito Ian.

Bumusina ako para malaman nila na andito na ako. Agad ko namang nakita si Chanelle. Bumaba na ako ng sasakyan at kinuha ang mga pasalabong ko, bago ako dumaan kay Adele.

"Kuya Ston!" Sigaw niya at yumakap sa binti ko, aaminin kong matangkad ako.

Tinatawag niya akong 'Ston', hindi ko alam kung bakit, pero iyon ata ang unang narinig niya.

Binuhat ko siya at inabot sakaniya ang pasalubong ko. "Here, donuts."

"You know na talaga kuya Ston! Thank you." Sabi niya at kinuha pasalubong.

Nagpatulong ako sa mga katulong sa pagpasok sa mga pasalubong. Mga regalo at pagkain.

"Happy Valentine's day, tita't tito. Asan po sina mama?" Tanong ko.

"Ahh, hindi pa sila nakakarating. Anak, ang dami naman nito. Parang may fiesta." Nakangiti sabi ni tita Marie.

"Hindi naman ho. Andun po ang mga regalo, ako na hong bahala rito." Pagpri-prinsinta ko.

Tumango siya bago dumiretso sa sala. Nagatuloy naman ako sa paglalagay ng pagkain sa mga plato.

After few minutes, ay nakarating na sina mama, papa at Jen. Jen was a highschool student nowadays. Malaki na ang pinagbago niya sa pisikal na anyo. She is physically fit, syempre she is beautiful lady. Matalino din siya, pero kagaya noon, ay saksakan ng kulit.

"Happy valentines everybody!" Salubong niya. Napangisi naman ako.

"Ate Jen, kailan ba magkakagirlfriend si kuya Ston?" Narinig kong tanong ni Chanelle.

Napangisi ako at napailing, nagpatuloy ako sa paglatag.

"Uhh... Nako, Chanelle. Hayaan mo na 'yan si kuya. Siguro, may hinihintay." Sagot ni Jen.

Hinihintay. Napailing ulit ako.

Kung may hinihintay ako, sino iyon? Siya lang, siya lang naman ang gusto kong makasama, hindi ko siya hinihintay. Gusto kong kasama siya ngayon. At araw-araw. O talagang may hinihintay ako?

Kumain na kami. Nagtatanong nanaman si Chanelle. Naalala ko, kahit sobrang tagal na. Naiisip ko na ito ang scene namin, nung masa Palawan ako. Tinatanong ako kung may nobya naba ako, tapos ang sagot ko ay wala.

Gusto kong mangyari iyon muli. Kahit sa panaginip lang. Maibalik ang nakaraan, ang una naming pagkikita. Gusto ko siyang makapalit ng regalo. Makachat. At makaskype. Kahit alam ko nang, hind iyon mangyayari pang muli.

"Bakit ayaw mo mag girlfriend kuya?" Tanong ulit ni Chanelle.

Napatingin sila lahat saakin. Iyong tipong nag aalala. Napangiti ako ng malungkot.

"Chanelle, anak. Stop na asking, kuya Ston. Kumain ka na." Sabi ni tita Marie. Tumingin ako sakaniya, nagkatama ang mata namin at nginitian niya ako.

Nang matapos kaming kumain, ay nag paalam muna ako na mag gagala-gala dala ang sasakyan.

Hindi ito ang unang beses ako na tinanong ni Chanelle ng mga ganung bagay. Minsan ay hindi ko pinapansin at nakikipaglaro na lang ako, at minsa'y sinasabi ko ang kung anu-anong bagay.

Sequel Of Pasko: NotebookWhere stories live. Discover now