CHAPTER 6: THE RETURN OF THE COMEBACK

80 7 9
                                    

MATT'S POV

Pagmulat ko ng aking mga mata, nandito na ako sa Mars. Specifically sa palasyo ni Ramiel, sa Aiden City. Astig parang nagteleport lang kami. Mula sa jologs na suot ni Regulus, ito na naman ang roba at gold breastplate niya.

"Ang jologs mo kanina , tol." Kantiyaw ko sa kanya.

"Anghel po ako at maliban sa kakayanang  taglay namin may kapangyarihan rin po kami." Mahinanong nyang sabi sa akin.

"Ok po, wala na po akong comento.." natakot kasi ako at baka bukas paggising ko uod na  ako.

"Welcome back, Matt." Si Ramiel iyon.

"Hello po, Sir este Ginoo este Pinuno, kamusta?", hindi ko malaman kong anu ang sasabihin kong titulo sa kanya. Nakakalito, not to mention nakakamangha, ang makaharap ang isang archangel.

"Just Ramiel, Matt, hindi naman tayo magkakalayo ng edad eh este ng mukha" and he chuckles. First time kong makakita ng heavenly bodies, archangel to that, na tumatawa.

"Anyway, I perceived that tapos na ang mission mo. Natapos mo na ang laro, well not totally kasi technically, hindi mo pa napatay ang panganay naming si Micahel. Pero hindi na dapat tayo matuloy don. Ngayon magsisimula na ang inyong paglalakbay."

 

"Nyo po?"putol ko "may kasama ako?"

 

"Gusto mo ikaw lang? Gusto mo bang mamatay agad?," balik na tanong nito sa akin, "Sa tingin ko, aura palang ng makakalaban mo, abo ka na."

 

Napalunok na lang ako ng laway sa sinabi nya.  OK, so dapat may kasama ako sa misyong ito. I wonder if they are people. But I guess not. Nasampal ko ang noo oh, panu ba ako sa nasuot sa sitwasyong ito.

 

"Ikaw ang magiging utak ng operasyong ito. Ikaw ang gagabay sa mga kasamahan mo para patayin ang halimaw na nagpapalaganap ng lagim dito sa Mercury. Ang unang anak ni Lucifer, si Ragious, the rage. Alam mo ba ang kwento nito?"

"HIndi po." sagot ko

"Bueno, makinig ka Matt at ikwekwento ko sa iyo."

====================================================================================

AUTHOR'S POV

So habang ngkwekwentuhan sina Matt at Ramiel ay ako na lang kwekwento sa inyo. :-P.

Flashback

Matapos maparusahan ang sinumpang planeta at sa pakikipagsabwatan nito sa kay Lucifer, pinalaya ni Lucifer ang pito(7) sa mga anak niya. At si Ragious ay isa don. He is the Rage, the Anger that consumes your very soul. Like a volatile acid, madali itong magalit at nabubuhay ito sa galit.

Hangga't may galit sa mundo, babalik at babalik si Ragious para maghasik ng lagim. Dahil sa galit, nabubuo ang digmaan at pagpatay. At dahil sa pagpatay, panibagong galit ang mabubuo at ito ay paghihiganti.  Sa katawan ni Ragious, tumubo ang isa pang pagkatao at ito ay si Vengious, the vengeance. Isang katawan, dalawang katauhan, doble ang lakas. Masyado silang nakakatakot. At napili nilang sakupin ang planetang ito, ang Mercury.

Antroxiac: The Rages of MercuryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon