Chapter 1: Genesis, First Arc

156 5 6
                                    


Chapter 1

"Pa! Aalis na ako!" sigaw ni Cara mula sa salas.

 Palabas na siya papuntang eskuwelahan at hawak-hawak na niya ang door knob ng pinto palabas ng bahay nila. Hinihintay lamang niya na may sumagot kahit sino man sa loob ng bahay nila. Nang makalipas ang ilang minuto, bumuntong-hininga siya at pinihit ang door knob saka tuluyang lumabas sa dalawang palapag na bahay nila na minana pa ng kanyang ama mula sa lolo nito. Hindi sa nagrereklamo siya ngunit talagang medyo matanda na rin ang bahay nila. Kapag umuulan nga ay may mga tumatagas mula sa mga nagkalat na butas sa kanilang bubong.

Hindi niya pinansin ang pinsan niya na nakatira sa kabilang bahay na katabi lang ng sa kanila. Magka-away pa rin kasi sila dahil lamang sa isang pares na sapatos na hiniram ng kanyang malditang pinsan. Nasira kasi iyon dahil narin sa tagal ng panahon na hindi nito pagbalik.

"Gab!"

Dumungaw siya sa bintana ng best friend niya. Cara rolled her eyes. Tama nga siya, hindi pa handa si Gabriella. Ngumisi lamang ang huli sa kanya habang isunusuot ang kanyang medyas.

"Wait lang, ha? Magsusuklay pa ako," sabi nito at pumanhik sa kanilang hagdan.

 Wala na siyang ibang nagawa kundi panoorin ang kanyang kabigan habang isinasagawa na nito ang kanyang morning routine. Kaya kami nale-late nito eh. Hindi naman ganoon si Gab noon. Sa katotohanan, ito pa nga ang sumusundo sa kanya sa bahay nila noon. Ngunit nagbago ito after maging sila ng chinitong dyowa nito ngayon. But it was a good change kung tutuusin. Gabriella wasn't as bitchy as she was before. Dati-rati umagang-umaga pa lamang ay katarayan na ang binibigay nito, kabastusan sa recess break at pagpapahiya tuwing uwian. Hindi masyadong tinuturing ni Cara na kaibigan si Gabriella noon. Ang kanilang pagkakaibigan para sa kanya ay dahil sa wala silang ibang choice. Hindi nila piniling maging magkaibigan sila. Naging magkaklase sila mula seventh grade at eksakto ay magka-barangay pa sila. They were stuck with each other. Pero ngayon, things were getting better and better. Parang sumasang-ayon sa kanya ang universe.

"Gabriella Corpuz, Diyos ko naman babae ka! Nandiyan na si Cara, ilang taon pa ba ang kailangan mo para mag-ayos?" sita ng ina ni Gabriella na si tita Mercy.

"Isa't kalahating taon pa, Ma. Makapaghihintay naman si Cara, sanay naman iyan."

Cara sighs. Expected na sa kanya iyon. Ang alam ng lahat okay lang sa kanya. Ngunit hindi. Hindi lang siya nagrereklamo. Who was she to dare complain? Isa lamang siyang mababang uri ng tao. She doesn't have the privilege to complain about such matters. Ni pambili nga ng bagong laptop hindi nga niya afford. Ang magreklamo pa kaya?

Luminga-linga muna siya sa paligid. Pinagmasdan niya ang araw na unti-unting sumisikat. Maga-alas siyete na. Alam niya iyon kahit hindi siya tumingin sa orasan. Kahit pa mas gugustuhin niyang i-check na lamang sa relo ang oras ay hindi niya magawa. Paano naman ay wala siyang relo. Hindi nga niya 'afford'. 

Ayaw man niyang aminin ngunit mahirap lang sila. Spoiled nga lang siya sa tita niyang nasa abroad kaya't kahit paminsan-minsan ay nakakatikim naman siya ng mga imported na chocolates at branded na mga damit at kung siya ay mag-dala ay hindi halatang magsasaka lamang ang kanyang ina at ama. Hanggang sa makakaya niya ay ayaw niyang magmukhang dukha.

 It's her pride at alam niya iyon. Iyon na lamang ay mayroon sa kanya and she didn't want to lose that.

Sinilip niyang muli si Gab ngunit talagang matagal itong mag-bihis at mag-ayos. Kung oorasan ay kalahating oras itong maliligo, isang taon kung maghanap ng maisusuot at isang dekada para maghanda. Nagbibilang pa ata ito ng one-two one-two.

Loving The Gamer KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon