Chapter 1. Broken

20 0 0
                                    

Patuloy lang ang malamyos na musika na maririnig sa bawat sulok ng lugar. Maraming tao ngayon dito at mukhang nagkakasiyahan talaga sila ng husto. Mukhang may celebration na nangyayari. I roamed my eyes to the whole place then stop to the person in front of me. He looked troubled. He sighed deeply.

"I'm sorry Blaire. I only see you as a sister. Nothing more, nothing less. I'm really sorry." He said while looking directly into my eyes with so much sadness in it.

Napayuko nalang ako habang hinahayaan ko na umaagos ang luha galing sa mga mata ko dahil sa sinabi niya. Di naman kasi ako iyakin pero ang sakit lang kasi, kahit alam ko namang sa simula palang ito na ang mangyayari, tinuloy ko parin.

"Don't be sorry. Wala ka namang kasalanan. Hindi mo kasalanang sayo tumibok ang puso ko."  I bravely said habang pinipigilan ang sarili kong huwag pumiyok.

"I'm sorry. "

Patuloy parin siya sa paghingi ng tawad sakin. Habang pilit niyang pinupunasan ang mga luha ko, pero hindi niya kaya. Hindi niya kaya, kasi sa tuwing pinupunasan niya ang mga luha sa mga mata ko, gumagawa na naman ito ng panibagong luha.

"Okay lang ako. Don't worry. I'm fine. Kasalanan ko naman eh. Pinilit ko pa kahit alam ko naman na wala ng pag asa. But atleast I tried right? Atleast wala na akong pagsisisihan dahil ginawa ko na ang lahat". Halos pabulong kong tugon sa kanya.

"Please Blaire. Itigil mo na to. Mahal ko si Rain. I'm sorry. Please!"  Nagmamakaawang tingin na ang iginawad niya sakin.

Napatitig ako sa kanya. Nagmamakaawa siyang itigil ko na ang pagmamahal sa kanya? Para na ring hinihiling niya na sana mamatay nalang ako. But I know it's for the best. Darating rin ang panahon na kaya ko na rin siyang bitawan. Kaya nakapagdesisyon na ako.

"Kuya Tristan can I ask for a favor? Last na to. Promise i-try ko nang pakawalan ka. Please?"

I know wala na akong pag-asa. So I'll just take this risk. For the last time, I want this to be him.

"Sure. Ano yun? Kahit an--". I cut him off right away by kissing him in the lips.

Smack lang ito. And I don't know when it lasted. I was just too drowned by the emotions I'm feeling right now.

When we parted. I just gave him a weak smile.

"Thanks Kuya Tristan. I'm sorry and saranghae." I said and immediately walked away.

Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at walang lingon na naglakad papalayo. Umalis na ako sa Pureness, ang restaurant na lagi naming pinupuntahan ni Kuya Tristan.

Si Kuya Tristan. Kung sino siya? His Tristan Jace Monte. My puppy love, first love and my .. first hearbreak.

Simula bata palang ako gusto ko na siya. Alam ng lahat iyon, ng mga kaibigan ko at ng kabarkada niya. Pero mismo siya, hindi niya alam. Kanina lang. Kanina lang nagtapat na ako sa kanya. Kahit alam kong sobrang risky ng gagawin ko, sinubukan ko parin. Kaya ngayon wala na akong magagawa sa naging desisyon niya. All I can do is to respect his decision.

Kaya heto ako ngayon wala sa sariling naglalakad sa daan. Kung may makakakita lang sakin ngayon sigurado ako na mapapagkamalan akong baliw. Habang iniisip ko ang nangyari kanina, naguunahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko.

Lakad lang ako ng lakad nang hindi alam kung saan papunta. Hanggang sa nakarinig ako ng isang malakas na pagbusina.

"Shit! Naman oh!"

Akala ko katapusan ko na dahil muntik na akong masagasaan. Kung hindi lang tumigil ang sasakyan, baka hindi na ako nakakaramdam ng sakit ngayon.

"Miss okay ka lang? Muntik na kitang masagasaan!" - sabi ng tinig na hindi ko kilala.

Nung tiningnan ko, nakita ko ang isang lalaking nakatingin ng matiim sa akin. Tinanguhan ko nalang siya at umalis na sa may kalsada.

Dahil kanina pa ako naglalakad, hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa isang park. Ang park na dinadalhan sakin ni Kuya Tristan nung mga bata pa kami.

Umupo na muna ako sa isang bench dito. Tumingin ako sa paligid, dumidilim na pala hindi ko man lang namalayan.

Habang patuloy na sinasayaw ng hangin ang buhok ko, naalala ko na naman ang nangyari kanina.

"I'm sorry Blaire, I only see you as a sister. Nothing more, nothing less. I'm really sorry."

Napatingala nalang ako sa langit dahil naiiyak na naman ako. Ghad! Ang sakit lang. Ang sakit sakit lang. I'm inlove with him since I can remember tapos ..Ugh! Shit lang.

Iyak lang ako ng iyak, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Great. Mukhang nakikisabay ang langit sa nararamdaman ko ngayon."

Pagkatapos ng ilang sandaling nakatingin lang ako sa kawalan habang basang-basa na sa ulan, naramdaman ko na lang na hindi na pumapatak ang ulan sa balat ko.

Kaya napatingala ako at nakita ko na may lalaking nakahawak ng payong ang nakatayo na malapit sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim.

Hindi ko nalang sana siya papansinin, nang biglang magsalita siya.

"Miss, sobra naman yata ang pagpaparusa mo sa sarili mo. Kanina muntik ka nang masagasaan, tapos ngayon nagpapaulan ka? Yung totoo gusto mo na bang mamatay?"

"Mabuti sana kung ganun nalang. Mabuti sanang mamatay nalang ako. Baka sakaling matigil na itong sakit na nararamdaman ko ngayon"  Naiiyak na sambit ko sa kanya habang nakatingin lang sa kawalan.

"Hindi solusyon ang pagpapakamatay Miss. Alam mo bang ang daming gustong mabuhay? Tapos ikaw gusto mong mamatay, dahil lang sa nasasaktan ka? Ang dami pa kayang magagandang rason para mabuhay. Hindi lang yang gagong lalaking nagpapaiyak sayo ngayon". Mariin na sabi niya sakin.

"Hindi siya gago. Ako lang talaga ang tanga. Alam ko naman na sa simula pa, iba na ang mahal niya, pero ipinipilit ko parin ang sarili ko sa kanya. Kaya ngayon ito, nasasaktan ako."

Tumutulo ang mga luha ko habang sinasagot siya. Hindi ko alam kung bakit kinakausap ko pa siya, eh hindi ko naman siya kilala.

"Stop crying. His not worth your tears." - seryoso niyang sabi sakin.

"Paano ko na naman ititigil ang pag iyak, kung ito nalang ang tanging paraan para mabawasan man lang ang sakit na nararamdaman ko?". Marahan na sabi ko at tiningnan siya sa mata.

Parang nabigla pa siya at napatigil nang magtama ang mga mata namin. Ilang segundo pa ang tinagal ng pagtititigan namin nang magpasiya siyang umiwas na ng tingin.

"Ah. Basta! Tumigil ka na sa pag-iyak. Baka mapagkamalan pa na ako ang nagpaiyak sayo. Sige na tahan na." Pilit pa niya akong inaalo, pero hindi siya nakatingin sakin.

Anong problema nito? Bakit ayaw niya atang tumingin sakin? Baka natakot sakin? Ay ewan!

Habang nagda-drama ako, naramdaman ko nalang ang ihip ng hangin kasabay ng paglakas lalo ng ulan. Grr! Ang lamig yata?

"Miss! Tara na. Mukhang may bagyo!"

Hindi ko na siya pinansin dahil parang umiikot na yata ang paningin ko at parang mas lalong lumamig ang hangin na dumadampi sa balat ko. Hanggang sa ..

"Missss!"

That's the last thing I heard. Wala na akong naramdaman at tanging nakikita ko lang ay ang mas lalong pagdilim nang paligid.

Foolish HeartWhere stories live. Discover now