Chapter 3: Sudden turn

21 0 0
                                    

It's Saturday. Kakagaling ko lang sa piano lessons ko at nandito ako ngayon sa Starbucks.

Plano ko ngayon na mag-enjoy sana dahil sobrang stressed ko talaga buong linggo. Not just physically stressed but also emotionally stressed. Kung bakit? Well, let's just say na nasasaktan parin akong nakikitang magkasama silang dalawa, pero sa tingin ko naman walang nakakahalata kasi I always have this smile plastered on my face everytime I'm with them.

A smile I use just to hide all the pain and tears. A smile I show to them so that no one will know that I'm nearly dying inside.

Agad ko ding pinunasan ang mga luha ko na tumulo. Ghad! Hindi ba ako napapagod na umiyak? Let go nga Sky diba? Bakit parang wala paring nagbago? Bakit halos araw araw ka paring umiiyak? Hays! Baliw na siguro ako at kinakausap ko ang inner self ko. Ghad! Dapat talaga hindi ako magiging malungkot ngayon. It's my rest day today. Dapat rin sanang magpahinga na muna ako sa pagiyak.

Hay! Tumingin tingin nalang ako sa paligid habang iniisip kung anong pwedeng gawin ngayon. Nang biglang bumukas ang glass door sa entrance at may pumasok. Lahat nakatingin sa kanila, hindi dahil ang gaganda at gwapo nila, kundi dahil ang sweet nilang dalawa tingnan. Magkaakbay na, magkahawak kamay pa habang nagtatawanan silang dalawa.

And right then, I felt a little stab on my right chest part. Yung tipong sinaksak ang puso mo ng ilang milyong kutsilyo? Ganun kasakit.

Akala ko pinakamasakit na binasted niya ako, pero may mas lalala pa pala. Ngayon, I realized that the most painful thing of loving someone, is watching that person love someone else .

Habang naglalakad silang dalawa na parang sa kanila ang mundo, napatingin sakin si Kuya Tristan, ngumiti siya at kumaway sakin. Akala ko didiretso na sila para maghanap ng mauupuan kaso nabigla ako ng magtungo sila papunta sakin.

Pagdating nila sa pwesto ko, niready ko na agad ang pinakamaganda kong ngiti. Yung pinakahindi- halatang peke. At pinaalala ko sarili ko ang mga katagang 'Just Let go'.

"Hi Blaire. Pwede umupo?" - tanong ni Kuya Tristan sakin.

"Sure thing. No problem" - nakangiti kong tugon sa kanila.

"Thanks."

Bago sila umupo, pinaghilahan muna ni Kuya Tristan si Rain ng upuan. Tapos nagngitian silang dalawa. Wow. Ang sweet lang nilang tignan. Mapait nalang akong napangiti.

"Oorder muna ako Babe. Sige Xy" - paalam niya tapos umalis na at nag order.

Kami nalang ni Rain ang naiwan sa table namin. And one word~ 'Awkward'.

Dahil sa sitwasyon pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ng inorder ko na Black forest cake kanina. Tahimik lang kami, walang nagsasalita. Hindi rin naman kasi kami close para magchikahan. Pero dahil pinanganak akong super friendly at mabait (char lang), I'll initiate a talk.

"Ah ano. Rain--" - I was supposed to ask something but she cut me off.

"Blaire I'm sorry." - sabi niya in an appologetic tone.

Nagtataka at nabigla naman akong napatingin sa kanya. Why is she appologizing? May ginawa ba siya sakin? But for the record, hindi naman kami close. So bakit siya nagsosorry?

"Huh? Sorry? For what?"

"I'm sorry kasi inagaw ko siya sayo. I'm sorry kasi nagawa kong saktan ka by means of having him. I'm sorry kasi ako ang dahilan ng malulungkot mong mga mata. I'm sorry kasi nahihirapan ka. I'm sorry because I'm sorry." - sabi niya habang paulit -ulit na nagbo-bow.

Habang paulit-ulit siyang nagso-sorry sakin dahil nasaktan raw niya ako, I'm just staring at her face the whole time. Thinking that how come somebody would be as great as her. Wondering na may tao pa palang kagaya niya, a person having a pure soul.

Foolish HeartWhere stories live. Discover now