Sapagkat

4 0 0
                                    

Gaano katagal na naman bang lumuha kanina?

Masakit ang ulo at mugto na namang mga mata

Hindi pa ba nananawa sa sakit na nadarama?

Kailan pa ba matatanggap na talagang tapos na lahat?

Kailan pa makakalimutan pag-ibig na pinagsaluhan?


Hindi na maibabalik pa ang lahat ng mga nakalipas

Hindi na maaayos pa ang pagmamahalang nagwakas

Masakit man isipin  pero dapat ng humakbang palayo

Dahil oras ng magsimula muling bumuo ng panibago

Sapagkat  nasa huling pahina na ito ng ating kwento


-----

A short phrase for a while.. I know it's lame. Wala kasing inspirasyon eh..

Bawi na lang sa susunod na post.

- E



SolitudeWhere stories live. Discover now