Ulan

3 1 0
                                    

Kasabay ng pagbuhos ng ulan
Ang mga luhang tila walang katapusan
Sa bawat pagpatak nito sa aspaltong daan
Unti unting naaalala ang nakaraan

Alam mo ba ang alamat nito
Diwatang umiiyak sapagkat nasasaktan ito
Kanyang sinisinta ay hindi na muling nakita
Sapagkat may nahanap ng ibang makakasama

Anong pighati ng diwata nang siya'y palayain
Tulad na lang ng pag-iibigan natin
Nasasaktan man subalit alam kong hindi ka na akin
Nakahanap ka na ng ibang mamahalin

Sa paglalakad sa ilalim ng ulan
Maanod sana aking nararamdaman
Alaala nating nagdaan
Akin sana'y makalimutan

Kasabay ng pagbuhos ng ulan
Ako sayo na'y magpapaalam

----------
Started: 09/11/2017
Finished: 09/11/2017

Waaaah! Umuulan na naman. Alas otso na. Malelate na ako sa trabaho ko. Dito pa lang ako sa Salitran. Huhu T_T

Just a short poem habang nasa jeep. I'll make one again some other time.

PS. Don't forget to bring your umbrella. Oppa is not always everywhere. Hehe

- E

SolitudeWhere stories live. Discover now