Mechanic Lady

580 18 7
                                    

Siya ang manunulat na si Mechanic Lady

Parang girl scout na always ready

Okay lang sa kanya matulog ng late

Para sa atin, agad siyang may update

Sana Akin Ka Na Lang una ko siyang nakilala

Pag-iibigan ni Steph at Dominic siya ang may likha

Maraming pagsubok ang kanilang pinagdaanan

Si Nic kasi ay sa iba nakalaan

Madaming kontra sa pagmamahalan nila

Kahit ang tadhana'y walang nagawa

Dahil talagang walang makakapigil

Sa mga damdaming gigil na gigil

Dito tayo sa susunod na kwento

One Day, Someday ang pamagat nito

Tungkol ito sa bidang si Jerina

Na nagmahal sa kanyang kababata

Lagi silang magkasamang dalawa

Daig pa ang mga saging na naka-pajama

Hanggang sa nainlove si Riel sa iba

Nagluksa tuloy ang puso ni Jerina

Dito tayo sa pangatlong kwento

Kung saan si Rome ay walang trabaho

Nagkataon naman na ang lalaking sinungitan

Boss pala ng kumpanyang gustong pasukan

Si Zach at Rome ay muling pinagtagpo

Ngunit di talaga sila magkasundo

Nang dahil sa halikan na nakita ng media

Pekeng kasal ang napagkasunduan nila

Ang Forgotten Memories ang talagang nagclick

Sa dami ba naman ng tumatangkilik

Kung saan si Alex ay parang antagonist

Ugali niya'y di mo matitiis

Pero dahil kay Gin na gustong maging abogado

Pamilya niya'y gustong siyang maging pulitiko

Tinulungan siya ng gwapong binata

At minahal siya ng lubos at dakila

Nang may matuklasan tungkol sa nakaraan

Paghihiwalay nila'y di na pinag-isipan

Pagpapatawad ay kailangang matutunan

Sa Forgotten Memories Two natin sila abangan

***

02-06-14

Wala akong masabi kay mechanic_lady.

Bukod sa maganda ang mga kwento, mahahaba pa. Drama kung drama. Hihi. :)

Hello! :)

Napadpad sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon