Alaala Ng Kahapon

386 19 7
                                    

Ang sarap-sarap balikan

Ang alaala ng nakaraan

Tara na't lakbayin

Kunwari totoo ang time machine

Ang paglipas ng panahon

May alaala ng kahapon

Sabay-sabay natin sariwain

Ang pagtanda'y 'wag damdamin

Naalala mo pa ba?

Ang larong Patintero't Langit-lupa

Pati paper dolls, jolens at yoyo

Isama mo na ang matulis na pako ng trumpo

Sabay natin isigaw ang '1 2 3 VIVA'

At ang Taym Pers pag ika'y pagod na

Nectar ng santan ay ating sipsipin

Sa likod ng bahay ay may hardin

Ang paglalaro ng elesi

Gamit ang isa nating daliri

Ang pakikinig sa walkman

Spice Girls at Westlife ang kantang laman

Pagsapit ng umaga

Si B1 at B2 ang kasama

Si Cedie ang Munting Prinsepe

Mga rap na ginawa ni Andrew E.

Ang Dragon Balls Z at Zenki

Pati Sineskwela't Hirayamanawari

Minsan ko na ngang inasam

Maging katulad ni Detective Conan

Ang bubble gum na Bazooka

Pati Tarzan, Yakee at Pintoora

Pag-papak ng Milo

Habang naglalaro ng Tumbang Preso

Flames at Hope ang ating gagawin

Mga pangalan ay pagsasama-samahin

Pag nanuod ng Titanic

Kumakain naman sa tabi ng Mikmik

Ang larong chinese garter at ten-twenty

Pati na ang alagang tamagochi

Ako ay isang batang 90's

Umuuwing pawis at madungis

3310 ang aking cellphone

Trying hard magcompose ng ringtone

Nagkabeke pa ako noon

Kakalaro ng plastik balloon

Ang bag na madaming bulsa

Doon ko ilalagay ang aking crayola

Magic ink ay bibili ako

Ipapantakot ko sa aking kalaro

May Holen, Teks, at Pogs pang kasama

Pambili ay hinihingi pa kay Mama

Si Mario ang aking paborito

Gamit ang Family Computer na bago

Ilan lang yan sa mga alaala

Yung iba kasi nalimutan ko na

Ang sarap bumalik sa pagkabata

Kung saan tayo'y masaya at malaya

***

Feb. 07, 2014

11:54AM

Madami pa akong hindi naisama. Paglalaro ng Beyblade at Lets Go.

Dr. Kwak Kwak. :)

Ung mga manika ko pa dati laging nakatago kaya baril-barilan ang nalalaro ko. Yung kisses na dumadami. Doraemon, Mojacko, Ghost Fighter, Slamdunk, Knockout. Brick Game, Oka Tokat, G words. Ung sasakyan na style para sa VHS. Yung pagsigaw ng 'Di kita kabati'

Pag kanta ng 1 2 3 Asawa ni Marie. Panunuod ng Ang TV. Haay. Buti pa dati. Di kumplikado ang buhay. Haha. :)

Napadpad sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon