Numero Uno

400 21 11
                                    

Ika-pito ng Pebrero

Tayo ang numero uno

Sinong hindi matatawa?

Sa Poetry Stories tayo ang bida

Ang daming purpose ng mga tulang 'to

Isa na dito ang pasasalamat ko

Hindi ako magaling sa ganito

Parang nagra-rap nga lang ako sa kanto

Pagbibigay pugay sa mga manunulat

Mga kwentong sanhi ng kanilang pagpupuyat

At pagbibigay ko ng rekomendasyon

Para tayo'y makapulot ng leksyon

Salamat sa mga bumoto

Nag-follow at nagkomento

Nung una'y kalokohan lang 'to

Di talaga inasahan na magkakaganito

Hindi man ako magaling na makata

Effort ko sana'y inyong makita

Dahil sa simpleng pag-ngiti niyo

Mawawala na ang pagod ko

Kung ito ay aking seseryosohin

Madami pa akong bigas na kakainin

Malalalim na salitang dapat matutunan

Para mas maging maganda ang kalalabasan

***

Feb. 07, 2014

2:52AM

Napadpad sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon