FrustratedGirlWriter

462 15 8
                                    

FrustratedGirlWriter sa mundo ng Wattpad

Siyam na buwan simula nang siya'y napadpad

Sinong mag-aakala na sa kanyang murang edad

Makakagawa siya ng kwentong may kaledad

Sa kwentong Wifely Duties natin siya nakilala

Kung saan pinagkasundo ang dal'wang bida

Hindi inasahan ang ibang klaseng koneksyon

Ang tawag pala dito'y sexual tension

Si Agatha ay noon pa may pagtingin

Kaya walang pagtutol sa kasal na planong gawin

Ang tangi lamang niyang hiling

Siya ay matutunan ding mahalin

Si Reeve ay may malungkot na nakaraan

Si Agatha ay balak siyang tulungan

Upang unti-unting makalimutan

Ang masakit na pinagdaanan

Sila ay may matatalik na kaibigan

Na mayroon din palang pinagsamahan

Kung saan sa kanilang murang kaisipan

May mga bagay na kailangan pagdesisyunan

Si Prince Duke at Prinsesa niyang si Trisha

Sa Dear Baby sila ang bida

Dahil sa pait ng nakaraan

Kasalukuyan nila'y naaapektuhan

Sila ay di na umibig na muli

Dahil alam nilang sila parin sa huli

Ang mga bagay na nakalaan

Kailanma'y 'di maiiwasan

Ang pagpapatawad at pang-unawa

Ang magbibigay sa atin ng ginhawa

Pagkatapos ng suliranin

Tagumpay ay makakamtan din

***

Feb. 07, 2014

11:48PM

Siya si C.D. de Guzman o FrustratedGirlWriter.

Di mo aakalain na teenager palang siya. Haha. Daming alam e. ;)

Magaganda mga kwento. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Napadpad sa WattpadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon