Chapter 2 💞

1 0 0
                                    

Eris Pov.

"Hmm.. " Naalimpungatan ako ng maramdaman kong sobrang higpit ng yakap sa akin ng katabi ko.

"Baby.. " Pabulong na sabi nang katabi ko.

Shet!! Nakakakiliti yung bulong niya

Nang dumilat ako mukha ni Vel ang bumungad sa akin. Ah oo nga pala si Vel ay si Eros diba Eros Vel Shadow Sy ang buong pangalan niya. Vel kase Ang tawag ko sa kanya ayaw niya kase na tinatawag ko siyang Eros pero ako lang naman ang nakakatawag sa kanya ng Vel kase ayaw niya na tinatawag siya ng ibang tao ng ganon.

Tiningnan ko yung poging mukha ni Vel, talagang hindi ka magsasawa sa mukha niya dahil sobrang pogi niya talaga.

Bawat parts ng mukha niya masasabi mo na lahat ay perfect.

Tiningnan ko yung kulay blue niyang mata yung mga pilik mata niya, yung ilong niyang matangos.

At napadako ang mata ko sa labi niya. Kissable lips talaga siya actually parehas lang naman kame.

Shet!! Nag-iinit yata ako.

"Gusto mo bang halikan kita baby?" Naputol ang pagpapantasya ko sa labi niya nang marinig ko siyang magsalita.

"Hindi ah"

"Talaga?!"

"Hindi naman talaga eh" Grabe naman tong taong to. Ramdam ko na namumula na ako sa mga sinasabi niya.

"Gusto mo eh" Shet! Naman talaga itong lalaki na ito.

"Hindi kaya"

"Denial kapa baby" Hindi kaya ako nagdedeny.

Hindi nga ba?? Sa isip-isip ko..

"Hindi ah" Oo na denial na, nahihiya lang naman ako sa kanya kase baka pag-umamin ako na gusto ko baka kung ano pa isipin niya.

"Hahaha!! Namumula kana baby oh" Ouch!! Kinurot pa yung pisngi ko.

Nako! Kama sana lamunin mo na ako.

"Hindi kaya" Tatayo nasana ako dahil sa sobrang kahihiyan ng yakapin niya ako ng sobrang higpit.

"Ouch! Vel masyadong mahigpit naman nung pagkakayakap mo" grabe naman kase itong lalaki na ito.

"Sorry na, nagbibiro lang naman ako eh. Alam mo naman na hinding-hindi ko magagawa yun sayo diba parang kapatid na kaya kita"

Tiningnan kong maigi yung mukha niya.

Parang kumirot yung sa bandang gitna ng dibdib ko sa nakita ko.

"Haha.. Oo nga naman parang kapatid na kaya kita" Pinilit Kong ngumiti sa harap niya baka kase mahalata niya na nasaktan ako sa sinabi niya.

"Ahmm.. Maliligo muna ako" Tinanggal ko na yung pagkakayakap niya at Tumayo na sa pagkakahiga.

Dumiretso ako sa banyo at humarap sa salamin dito sa Cr ng kwarto ko.

Shet! Ang sakit ng makita mo yung ngiti at tuwa sa mga mata niya na banggitin niya na para niya na akong kapatid.

GGrabe sa sobrang tuwa ko sa mga nangyayare sa aming dalawa parang, akong nagisig sa katotohanang , shet! Mag Best friend lang pala kame.

"Hayss!! " Bakit ko ba minahal ang Best friend ko?? , bakit ko ba siya minahal na higit pa sa pagiging magkaibigan.

"Baby, ok kalang ba diyan?? " Rinig Kong sabi ni Vel malapit sa pintuan.

"Ah O-oo o-ok lang a-ako" shet!! Bakit ba ako nauutal.

"Sure ka?? " Pag-sinabi ko bang hindi ako ok may magagawa kaba?
Sa isip-isip ko.

"Ah oo ok lang ako."

"Ah sige, bababa lang ako"

"Sige" nang marinig Kong nagsarado na ang pinto ng kwarto ko ay naligo na ako.

After 123751716 years natapos na akong maligo. Char!! Mabilis lang naman akong maligo , pagkatapos kong maligo nagbihis lang ako ng short at T-shirt nagsulaklay lang ako at nag pulbos.

Pagkatapos nun bumaba na ako, nakita ko si Vel at si mama nag-uusap.

"Anak gising kana pala kumain kana kanina ka pakase tanghali hindi kumakain."

Ay oo ngapala tiningnan ko yung relo ko kung anong oras na. 7:28 napala ng gabi kaya pala kanina pa nagsisigawan ang mga alaga ko sa tiyan.

"Ah sige po ma" Tiningnan ko si Vel na nakatayo lang sa harapan ko na parang inoobserbahan ako.

"May problema ba??" Sabi ko na nga ba magtataka ito eh.

"Wala naman, bakit?" Tinitigan niya ako sa mata, sinisigurado niya kung nagsasabi nga ba talaga ako ng totoo.

"Sure ka?" Hay nako, binaling ko nalang yung mukha ko sa gilid kase hindi talaga ako makatakas ng problema sa kanya.

"Oo, sure na sure ako no.". Binigyan ko siya ng napakalaking ngiti kahit pa hindi ito katotohanan. Pls!! Tumalab ka.

Tinapat niya yung mukha ko sa mukha niya ,gamit yung kanang kamay niya na nakalagay sa baba ko.

Nang linapit niya pa lalo yung mukha niya sa mukha ko ng three inches nalang ay magkakadikit na. Parang mas lalo tuloy akong nailang sa ginawa niya.

"OK, Sige na kumain kana kanina kapa hindi kumakain .Uuwi muna ako bukas nang umaga susunduin kita pupunta tayo sa bahay namin namimiss kana rin kase ni mama. " Ngumiti na siya at  naglakad at nagpaalam na kila mama at kay Rean.

_______________________________________

Hanggang diyan muna guys..

Sana magustuhan niyo itong storya na ito. Sorry sa mga maling type sana mapatawad niyo is me..

Vote and comments naman guys..

I'm In Love with my Bes FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon