Chapter 3 💞

1 0 0
                                    

Eros Pov.

Nagtataka talaga ako kung bakit palagi nalang ganon ang inaasta niya kapag binabanggit ko na para ko na siyang kapatid.

Actually tinuturing ko na talaga siya na kapatid ko dahil isa lang ang kapatid ko at parehas pa kameng lalaki kaya tinuring ko na rin siyang kapatid dahil gusto ko rin na magkaroon na kapatid na babae.

Pero Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya kapag kasama ko siya.

Feeling ko na Hindi ko kayang mabuhay kapag wala siya sa tabi ko. Gustong-gusto ko kase palagi na nasa tabi niya.

Kaya nga nung nasa state ako gustong-gusto ko na agad siyang makita. Isang linggo pangalang ako dun miss na miss ko na siya kaya nga tinatry ko na tawagan siya araw-araw ang kaso ayaw naman niyang sagutin.

Hindi ko alam kung bakit hinahanap-hanap ko siya sa mga oras na hindi ko siya kasama.

Hindi ko rin alam kung bakit gustong-gusto ko rin alagaan siya.

Gusto ko na ako lang ang lalaki na lalapit sa kanya. Ayaw ko kase na may kahati sa mga oras niya, gusto ko ako lang ang gumagamit o nakakagamit ng mga oras niya.

Gusto ko rin pinoprotektahan siya. Naiisip ko palang kase na mapapahamak siya hindi ko na kaya.

Gusto ko na palagi siyang safe.

Safe na nasa piling ko.

Ewan ko ba, parang weird talaga.

Siguro dahil nga parang kapatid kona siya Kaya ayaw kong napapahamak siya, kaya gusto ko ako lang ang kasama niya o kaya gusto kong gawin ang mga lahat ng yun para sa kanya.

"Hayss!!" Siguro nga.

_______________________________________

Eris Pov.

Tapos na akong kumain kaya naghuhugas na ako ng Plato na pinagkainan namin.

Ahmm.. Oo nga pala duon sa sinabi ko na mag best friend ang parents ko at parents ni Vel ay totoo yun.

Yung mama ko kase at ang mama ni Vel ay mag Best friend dati nung hindi pa sila ni papa.

Si papa naman at yung papa ni Vel ay mag best friend din dati.

Si papa nga pala ay nasa state dahil siya kase ang nag ha-handle ng Business namin dun. At oo nga pala magka Business partner ang parents namin dalawa.

At Oo nga pala 2nd year na pala kameng dalawa ni Vel sa college at duon kame sa School nila Vel nag-aaral.

18 na pala si Vel at ako ay mag 18 palang.

"A woo!! May multo sa bahay..
May aswang sa bahay!! "

"Ay! Aswang!!" Hay grabe nakakagulat naman itong ring tone na ito.

Tinapat ko na yung Cellphone ko sa tenga ko.

"Hello?"

"Hi! BabyBaby?

Tiningnan ko yung Cp ko, si Vel pala yung tumatawag.

"Napatawag ka?"

"Tssk.. Ayaw mo ba akong kausap?" Nagtampo naman agad yung baby ko. Char!!

I'm In Love with my Bes FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon