Chapter 5 💞

1 0 0
                                    

Eros Pov.

Ang Ganda niya talaga minsan talaga Hindi ko masisisi yung sarili ko na magandahan ng Sobra sa kanya dahil parang anghel talaga ang istura niya

Simpleng babae lang siya pero ang lakas ng dating at siguro kung hindi lang talaga kapatid ang turing ko sa kanya siguro magkakagusto ako sa kanya.

Hindi naman kase siya mahirap mahalin dahil napakabait niya kumbaga nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ng lalaki.

Kung ide-describe ko kase siya. Siya yung babae na maganda kahit Hindi pa siya mag make up o mag ayos ng sobra. Maganda na siya paano pa kaya kung mag-aayos siya diba baka magkaroon lang ako ng maraming kaagaw.

Sa school pangalang ang dami ng nagkakagusto sa kanya. Hindi lang niya napapansin kase Hindi siya yung babae na kailangan pansinin ang lahat ng mga bagay na Hindi naman importante sa kanya.

Sa mga ka team ko na basketball player ay iilan duon ay may gusto sa kanya lalo na si Tomi isa siya sa mga kaibigan ko o sabihin na natin na Malapit Kong kaibigan.

Kahit Hindi niya sabihin alam Kong may gusto siya Kay Eris. Kahit tahimik lang siya pagkasama namin siya ni Eris ay Halata sa dalawa niyang mata na may gusto siya , na interesado siya kay Eris.

Kahit ang kapatid ko na si Markiejay ay may gusto rin sa kanya dalawang taon lang ang agwat ni mark sa akin.

Ang kapatid ko na kase na yun ay nagsabi ng saloobin sa akin tungkol Kay Eris.

Sinabi niya na may gusto siya Kay Eris. Halata naman sa mga kilos at tingin niya na may gusto siya kay Eris kahit hindi na niya sabihin.

Sa simpleng babae na katulad niya ay ang dami nang nagkakagusto sa kanya.

Tinitigan kong maigi yung mukha niya, Ang Ganda niya talaga.

Ang mga pilik mata niya na mahaba , ang mata niya na may pagka singkit na kagaya ko , ang ilong niya na matangos , ang mukha niya na walang ka tigyawat-tigyawat na masasabi ko na sobrang kinis talaga.

At yung labi niya na manipis na kissable lips. Parang ang sarap tuloy halikan. Hayss!! Ano ba itong iniisip ko?? Bakit ba ako nag-iisip ng ganito sa best friend ko.

Hayzz..

"Baby, gising na po" Shet!! Ang Ganda niya talaga.

"Hmm.." Humarap siya sa bintana. Shet! Hindi ko alam bakit ba ang Ganda niya.

Sobrang ganda niya talaga. Naiinis na ko sa nararamdaman ko para bang ang bilis ng tibok ng puso ko.

Ewan ko rin ba kung bakit ganito nalang ako makatingin sa kanya. Naiinis ako sa tuwing ganito ang nararamdaman ko pag kasama ko siya.

"Uy! Ano bang nangyayare sayo?" Binaling ko agad yung ulo ko sa ibang direction nang bigla niya akong tapikin.

Shet! Naman oh.. baka mahalata niya ako.

"Ah eh, Tara baba na tayo" bumaba na ako at pinagbuksan ko na siya ng pinto.

Nang makakababa na siya hinawakan ko yung kamay niya at dumiretso na sa gate.

Itong babae na ito hindi ko pa babayaan itong Best friend ko na ito. Ako lang ang meron ng ganito kahit isa walang babae ang makakagaya sa kanya..

Kaya Hindi ko siya ibibigay sa iba.

Nag dorble na ako, nakakadalawang dorble palang ako lumabas na si Manang Ellena sa pinto.

"Oh! Anak nan-dito na pala kayo"

"Ah Hindi po anino lang po namin ito" sabat ni Eris

Baliw talaga itong babae na ito.

"Hahahaha!! Ikaw bata, ka pala biro ka talaga, akala ko kase mamaya pa kayo makakarating"

Pinapasok na kame ni manang at dumiretso na kame sa sala.

"Ah eh, sorry po manang nalate po kase ako ng gising"

"Hahaha! OK lang anak"

"Ahmm.. Manang si mama po"

"Nasa taas pa anak, maiwan ko muna kayo tawagin ko lang ang mama mo"

"Sige po manang" Sabay na sabi namin ni Eris.

"Nakakahiya tuloy Kay tita, Bakit kase Hindi mo ako ginising ng maaga?"

"Haha!! Eh ang himbing nang tulog mo baby eh" niyakap ko siya patalikod sa bewang ng mahigpit.

Ang sarap talaga nitong yakapin maliban sa mabango siya ay ang lambot niyang yakapin. Kaya huwag na kayo magtaka kung Bakit palagi ko siyang niyayakap.

_______________________________________

Opss.. Hanggang dito muna, masyado na po akong na papagod kakaisip ng mga bawat partw ng storya na ito. Perp don't worry tatapusin ko ito ng maganda.

Hinatay lang kayo sa mga susunod na mang yayari

Vote and comments naman guys.

Add and Follow me

I'm In Love with my Bes FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon