Chapter 6 💞

0 0 0
                                    

Eros Pov.

Habang yakap-yakap ko si Eris may narinig kameng dalawa ng babae na parang sobrang kinikilig.

"Ay! Hihihih.. "

"Shh!! Kalang manang"

Tumingin kame sa may likod Namin at nakita namin si mama at si manang sa may hagdan na nagtatago. Kinikilig pa sila dalawa nung pagkakita namin.

"Ah eh, sorry anak kinikilig kase kame sa inyong dalawa eh"

Lumabas na sila mama at manang sa pinagtataguan nila.

"Hahahaha!! OK lang tita"

"Naku ikaw talagang bata ka, na msis kita" Sabay yakap niya Kay Eris.

Niyakap din naman siya ni Eris.

"Namiss din po kita Tita"

"Ah sige umupo muna kayo " Pumunta si manang at si mama sa kusina at umupo muna kami ni Eris.

"Nagugutom kana ba baby?" Hindi pa kase siya kumakain ng breakfast kanina.

"Hindi pa naman , ikaw nagugutom kana?"

"Opo, kain na tayo" Hindi pa kase rin ako kumakain dumiretso na agad kase ako sa bahay nila Eris.

"Sige tara "

Tumayo na kameng dalawa inakbayan ko siya at dumiretso na kame sa kusina.

"Ma!, kakain na po muna kame"

Nang makarating na kame sa Kusina ay nakahanda na lahat ng pagkain na niluto nila.

Inatras ko yung upuan sa harapan ko at pina-upo si Eris. Sweet ba? Diba gusto ko nga na pinagsisilbihan siya.

"Ang sweet niyo naman dalawa, kayo na ba?" Kahit alam ko na nagbibiro lang si mama feeling ko nag-iinit na ang pisngi ko.

Tinignan ko si Eris at parehas pala kame na namumula ang mga pisngi

"Sus! Kayo talagang mag Best friend feeling ko may something sa inyong dalawa" Tumabi na ako Kay Eris.

Umupo na rin si mama at si manang sa harapan namin.

"Ah eh, wala naman po tita ganito naman na po kame dati pa" Oo nga naman.

"Haha!! Sige na kumain na tayo"

Nagsandok na nang kanin si Eris para sa akin. Ganyan talaga kame gusto niya kase na siya yung maglalagay ng kanin ko.

Sinandokan ko siya ng paborito niyang pansit. Pinaghiwalay niya ang mga carrots at nilagay sa Plato ko.

Favorite ko kase yung carrots siya naman yung pansit.

"Alam niyo para kayong mag-asawa tignan" Napatingin kami agad Kay mama nang magsalita siya.

"Oo nga anak, para kayong mag-asawa tignan "

"Ang sweet niyo kase sa isat-isa " Sabi ni mama na malaki ang ngiti.

"Dinaig niyo pa kame ng papa mo" Dag-dag pa ni mama.

"Alam mo anak wala bang level up ang pagiging mag best friend niyo I mean Hindi niyo ba mahal ang isat-isa Hindi lang bilang magkaibigan kundi bilang mag jowa" Na patingin si Eris sa akin at napatingin din ako sa kanya.

Hindi ko alam pero ramdam ko na may something sa kaniya ang mga sinabi ni mama para sa kanya. Parang may gusto siyang sabihin pero Hindi niya masabi parang may umuodlot sa kaniya.

"Ah eh ma, parang magkaibigan o mag kapatid na ang turing namin sa isat-isa hanggang magkaibigan lang po talaga kame at hanggang dun nalang yun. "

Napatingin ako kila mama at Kay manang alam ko na gusto nila Kay Eris para sa akin pero hanggang kapatid lang ang kaya Kong ibigay sa kanya.

"At ma, mahal ko si Eris hindi bilang mag jowa kung Hindi bilang mag kapatid, kaya sana naman po huwag na po kayo mag tanong ng mga walang kwentang tanong  na katulad niyan. Mag Best friend po lang po kame."

Napatingin ako Kay eris nakayuko lang siya at nasa baba lang ang kamay niya sa binti niya. Hindi ko maintindihan pero last ng makita ko siya na ganya ang pwesto nung umiiyak siya.

"Ah eh sorry anak akala ko lang kase na baka sakaling na magkaroon ng relasyon sa inyo. "

Nakatitig lang ako Kay Eris Hindi ko maiwasan na tumitig sa kanya ngayon.

Magsasalita na sana ako ng biglang umangat ang ulo ni Eris at nagsalita.

"Hahahaha!! OK lang tita ano po ba kayo sanay naman na po kame sa mga ganyang tanong, magkaibigan lang po talaga kame ni Vel tita hanggang dun nalang po talaga yun"

Kahit na kangiti siya alam ko na peke lang yun. Kita ko sa dalawa niyang mata na parang nasasaktan siya. Hindi ko alam kung Bakit siya nasasaktan, Hindi ko alam kung may nasabi ba ako na mali para masaktan siya.

Totoo naman ang lahat ng sinabi ko pero parang may Mali akong nasabi. Naguguluhan ako Kung ano yung nararamdaman ko sa nakikita ko ngayon sa kanya.

Feeling ko nasaktan ko siya.
Nasaktan nga ba?? Sa isip-isip ko..

"Ah eh mag c-cr lang po ako" Sabi ni Eris.

Tatayo na sana ako para iurong ang upuan niya para makatayo siya ng maayos.

"Ako na" Sabi niya, dumiretso na siya agad ng mabilis sa Cr.

"Anak, May mga dapat kang malaman tungkol sayo at sa taong especial sayo. Pero Hindi ko lang alam kung gusto mong malaman oh Hindi.

Hindi ko alam pero parang gusto Kong malaman.

_______________________________________

Awtss.  Ang sakit naman nun sobra  :(

Vote and comments naman guys.

I'm In Love with my Bes FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon