Chapter 3

1 0 0
                                    

I have perfectly adjusted in my new university eversince we moved in Cassie's family 3 months ago. Dito din sa International School na ito nag-aaral si Cassie kaya dito ako nag-transfer.

I had mastered the art of being lowkey, tahimik lang ang college life ko. I don't like unneccesary attention kaya naman nung bagong lipat ako dito I tried my best to avoid everyone. Kaya ayun, wala akong kakilala sa mga classmate ko, they tried to befriend me but thanks to my resting b*tch face they became too intimidated to even try.

Actually si Cassie lang ang kilala ko sa university na to. Kaya nung may nagsabi sa aking may naghahanap daw sa akin sa labas napa taas nalang ang kilay ko.

"Hi Mina! Someone is looking for you outside" todo-ngiting pag i-inform sa akin ng ka-blockmate ko. He's the energetic boy in our class and if my memory serves me right I think he's our class leader. He's the first one who tried to befriend me, but he failed.

Napakunot naman ang noo ko. Never akong hahanapin ni Cassie dahil hindi kami sabay umuuwi. Isa pa she always texts me kaya naman alam ko kung may kailangan sya sa akin.

He shifted uncomfortably nang wala syang makuhang reaction mula sa akin. He even repeated what he said. "Uh, if you want I can ask him what he wants from you?" Hesitant na nya ngayong tanong sa akin. Napatingin ako sa kanya and hindi rin nakalagpas sa mga paningin ko ang pag-irap ng mga classmate kong babae sa akin, nakatayo sila sa likod nya, kabarkada ata nito.

Mabagal akong tumayo at ngumiti ng tipid. "Thanks, I can manage" sabi ko muna sa kanya bago ako maglakad palabas. I saw his shy smile before I turned around and I am silently squeezing my brain because I can't even recall his name.

A thin guy wearing a huge thick glasses welcomed my sight as soon as I stepped out. I silently eyed him. He's wearing a worn out sneakers, a pair of baggy pants and shirt and an oversized bag draped all around his shoulders. Who the hell is he?

" What do you need?" I asked him flatly, I tried recalling if I know him but I really don't.

"Ikaw ba si Mina Ortega?" He arrogantly asked. I was taken aback by his attitude. Napa- "WTH" nalang ako dahil sa tono nya sa akin.

"Yes and who the hell are you?" Irritated kong tanong sa kanya, sya na nga tong may kailangan sya pa tong ma-attitude! My gosh!

"Well, pinapatawag ka lang naman ng master ko" nakakainis nyang sinabi sa akin habang nakangisi sabay irap.

Kanina ko pa pinipigilan ang temper ko pero mukhang masasagad na to ng payat na nerd sa harapan ko. Hindi naman sa pagiging mean pero argh! Ngayon lang ako nakakita ng nerd na ma-attitude!

"Hindi mo ba ako kilala?"dagdag pa nya sabay tawa ng nakakaasar.

"Kilala ako ng lahat ng estudyante sa university na to tanong mo man sa kanila" sabi nya sabay turo sa mga schoolmate namin na na-intriga sa nerd sa harap ko.

"Oh?! Anong ginagawa dito ni Johnny?! Nandito ba yung master nya?!"

True enough mukhang kakilala nga sya ng mga schoolmate ko. Kaya naman hanggang ngayon he can't keep the smug look off his face.

"Well, wala akong pakialam kung sino ka man o kung sino man yung master mo, kung ako sayo bumalik ka na sa pinanggalingan mo dahil wala kang mapapala sa akin" masungit kong sagot sa kanya sabay lakad pabalik sa room namin.

"What?! Hey hindi mo ba kilala Master ko? Pinapatawag ka nya kaya naman sumama kana sa akin" demanding pang sagot ng bwisit na nerd na yun na talagang pumasok pa sa room namin.

"Hey Doggy boy what are you doing here?" Tanong ng class leader namin sa kanya

"Don't me Marco tsaka ka na mang-asar kapag ka-level ka na ng Master ko" inis nya kay Class leader who happens to be Marco. Walang nagawa sila Marco kaya naman naupo nalang sila sa isang tabi.

In a Relationship with the Evil PrinceWhere stories live. Discover now