basa muna bago magvote, comment at kung ano ano pa :D
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KEITH'S POV:
Hi ako nga pala si Keith 14 years sabihin na nating ako ang bida sa istorya na ito, simple lang akong babae kung manamit ay parang normal lang hindi mapili. Ayoko kasi na parating nagaayos ok na ako sa itsura ko ayokong nagmimake-up at ayaw din iyon ng best friend ko si Harvy ang gwapo kong bestfriend hindi niya lang alam crush ko siya pero ayaw kong sabihin iyon sakanya dahil ayaw kong masira ang friendship naming dalawa alam kong mahirap pero kaya ko ito atleast anjan parin siya sa tabi ko ok na ako sa set-up na iyon at tsaka mga bata pa naman kami malay natin in the future mangyari ang hindi natin inaaasahan
Nagising ako sa isang napakasakit na kurot sa ilong ko at si Harvy lamang ang gumagawa noon sakin
"ano ba masakit kainis natutulog pa ang tao eh"-ako
"kelangan na pong magising ng sleeping beauty dahil firstday of class po ngayon at maliligo pa po kayo maam mabaho kana noh amoy bagoong na ang kilikili mo"-harvy
"heh tumigil ka ang aga aga nambibwisit ka eh ano?"-ako
"hindi kaya sa gwapo kong ito dapat masaya kapa best dahil ako ang nanggigising sayo"-harvy
"kahit kelan ang feeling mo talaga best oh sige na mapagbigyan na kita kung hindi lang kita bestfriend naku sapak abot mo sa kahanginan mo"-ako
"asus pahug nga sa bestfriend ko, ayan at ligo kana para mabango kana baho mo na oh"-harvy
"eto na po maliligo na po ako sir, hintay nalang po kayo sa baba at makikain narin po kayo dito ng agahan"-ako
HARVY'S POV:
Hello ako nga pala si Harvy 15 yrs old mas matanda ako kay Keith pero magkaklase lang kami dahil noong bata pa kami ayaw pumasok sa school ni Keith kung hindi niya ako classmate so my mom decided na maging repeater nalang para maging classmate kami pero masaya naman. Gumigising ako always ng maaga as soon as i can para makapunta kila Keith at para magising narin siya masyado kasi siyang mantikang matulog. Pero kahit ganon yun mabait siya, malambing, simple, at higit sa lahat syempre maganda siya, masasabi ko ngang nasakanya na lahat ng katangian ng babae na gusto ko pero syempre bestfriends lang kami hanggang don lang siguro yun "SIGURO".
"tara na"-Keith
"ooi oi best kakain muna ano papasok ka ng walang laman ang tyan mo?"-ako
"eh late na tayo ano best"-Keith
"hindi kana nasanay sa relo na yan advance yan po best dahil pag wala ako dito late ka always"-ako
"hay naku itama mo na kasi yan"-Keith
KEITH POV:
Kahit kaylan talaga loko loko ang bestfriend ko, pasalamat siya mahal ko siya kahit hindi niya alam
"eto kumain ka ng marami at namamamayat ka nanaman jan oh ang payat mo na hindi ka naman kakandidato sa beauty contest diba best?"-Harvy
"oo nga iho pagsabihan mo nga yang bestfriend mo dahil konti ang kinakain"-mama ni keith
Aysus pinagkaisahan nanaman ako ng mama at si bestfriend always silang magkakampi kapag may nakikitang kakaiba sakin pero ok lang pumapayat nga naman talaga ako kasi naman para maganda rin naman pag pumasok sa school first day pa naman ngayon makikita ko na ulit sila Carla at Jayson( take note mga kaibigan namin sila at si Jayson ay bakla) pero makikita ko nanaman ang bruhang si Grace ang babaeng malandi at parang kuhol kung makadikit kay Harvy eto namang si Harvy gustong gusto naman niyang lumalapit sakanya hindi niya alam nasasaktan ako :(
"ano tara na finish ka naman ng kumain diba?"-Harvy
"sige tara na at ng makita mo na ang Grace na yun, excited kang pumasok eh"-ako
"asus ang bestfriend ko talaga excited akong pumasok dahil kasama kita"-Harvy
"sus nambola yan naba ang nagagawa ng nakikikain sa bahay"-ako
"eh masarap magluto ang mama mo eh kasi wala naman ang mama at papa alam mo naman diba nasa tagaytay sila sa isang buwan pa ang balik at ayaw ko ng luto ni Yaya hindi masarap tska ok lang naman sainyo diba diba diba"-harvy
"oo na ok na ok :)"-ako
Pagkadating namin sa school nakita ko na sila Carla at si Jayson, bakla kumekendeng papunta para salubungin kasama kasama si Carla
"hoy bading umayos ayos ka anjan ang tatay mo junior ka pa naman sigurado sapak ang abot mo niyan"- Carla
"churva chenes ka lang inggit ka lang dahil mas sexy ako sayo ano"-jason
"tse tumigil kana nga"-Carla
"hi Keith hi Harvy"- jason at Carla
"naku ang sister ko pumayat gumanda lalo pwede kanang sumali sa beauty contest niyan matatalo mo na si miss kohol"-jason
MISS KOHOL ang tawag namin kay Grace pero she don't know it syempre
"hoi hoi Jayson wag mo ngang isali sa kalokohan mo ang bestfriend ko hindi yan sasali sa beauty contest ano hindi yan magbibikini sa harap ng madaming tao"-harvy
"asus andito pala si manong ayaw ipakita ang kagandahan ng kanyang bestfriend sa balat ng lupa"- carla
"kung ako ang girlfriend ni Keith ipapasali ko yan ano kaso bakla ako eww ako sa mga babaeng ganyan"-jayson
"kotongan kita jan eh ng madagdagan yang bukol mo sa ulo"-carla
"aray ko nauntog na nga ako kanina paggising ko eh dadagdagan mo ba"-jayson
"ui halina kayo sa room late na tayo magagalit nanaman si MISS niyan"-ako
GRACE POV:
First day of school ngayon maaga akong pumasok to see Harvy pero bago ang lahat niyan magpapakilala muna ako sainyong lahat. Ako nga pala si Grace siguro sabihin nating kontrabida sa istoryang ito. May gusto ako kay Harvy pero hindi niya ako pinapansin dahil anjan parati si Keith kasama niya ang sarap sabunutan ng babaeng iyon hindi tuloy ako maligaw ligawan ni Harvy alam ko naman na may gusto siya sakin sa ganda kong ito ano hindi ba ako mapapansin. Madaming nanliligaw sakin ako yata ang Muse ng school na ito ako ang nilalaban sa iba't ibang school. Hindi pala kami magkasection ni Harvy sayang hindi kasi ako pwedeng lumipat ng section i'll tried it once puro nerd ang mga nandun hindi nakaya ng humor ng katawan ko.
"hi harvy, nice to see you again at habang tumatagal gumagwapo ka talaga"-ako
"ang bruha andito nanaman sa room natin"-keith
"may sinasabi ka?"-ako
"ahh wala akong sinasabi ang sabi ko late kana sa section niyo papagalitan ka nanaman"-keith
"thanks for the compliment Grace mamaya nalang tayo magkwentuhan"-Harvy
kinindatan ako ni Harvy
"ok bye Harvy study hard see you later"-ako
kilig na kilig ako kinindatan niya ako super kilig talaga ang bruha kasi andun speaking of bruha eksena kasi eh
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- LEAVE SOME COMMMENTS BELOW GUYS VOTE NARIN :D KUNG NAGUSTUHAN NIYO ANG KWENTO GUYS :D

BINABASA MO ANG
"BESTFRIEND OR BESTLOVER"(complete)
Romansabestfriend o bestlover ba? mahirap mamili pag ang puso na ang nagdikta ang hirap hirap na parang nawawala ang utak hindi ba? hindi mo kasi alam kung mahal ka din niya at masasaktan ka dahil alam mong hindi ka niya kayang mahalin ano nga ba ang dapat...