Chapter 1

6 1 0
                                    

Aike POV

"Paano mo nagawa sa akin ito!" Halos manlumo ako. Ano ba ginagawa ko para gawin niya sa akin ito? Ang sakit.

"......"

"Bakit hindi ka makapag salita? Ano ba ako sayo? Asawa mo ako for Pete's sake! Bakit mo ito nagawa sa akin?" Ibinato ko lahat ng mahawakan ko. Buntis ako. Bakit niya nagawa sa amin ito?

"Tao ka pa ba! Paano mo nasikmura kami ng anak mo ha!" Tiniis ko lahat ng hirap at sakit. Pero wala pa rin pala.

"......."

"K-kung d-di l-lang ako nakatakas s-siguro ay, s-s-siguro a-ay." Napaupo ako dahil nanginginig ang tuhod ko.

"M-mahal mo pa ba a-ako?"

"......."

"Ginawa ko naman lahat para sayo. K-kahit ang sakit-sakit na. Na halos araw-araw na ginawa ng Diyos ay pinaglalaban kita. Kahit harap-harapan na talo na ako. Naging masaya naman tayo hindi ba? Minahamal mo nga ba ako? P-paano tayo humantong sa ganito Vince."

"A-aike"

"Vince. Minahamal mo ba ako?" Piyok kung tanong. Hindi na ako makahinga dahil sa bigat ng kalooban ko.

"I love you but,"

"Tama na. Natatakot ako na baka mapatawad pa kita sa lahat ng kasalan mo. Ay kalimutan ko lahat dahil sobrang mahal kita"

"I-I'm sorry Aike"

"Ang sakit sobra. Hindi ko akalain na ganito ka kaganid" Ayoko ko siyang mawala. Kahit ako na ang masaktan wag lang sana ang anak ko. Sasaluhin ko ang lahat. Lahat ng hirap at pasakit para sa kanya dahil ganito ko siya kamahal.

"I'm really sorry" nakayukong wika nito. Sorry? Ganun na lang ba. Bakit wala akong makapang galit para sa kanya. Ang tanga ko, para mahalin ko siya ng ganito sa kabila ng lahat-lahat ng pighati at sakit nadulot niya sa akin. Sa amin.

"M-mahal kita Vince at a-------"unti-unti ng dumidilim ang paligid ko.

A Love in TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon