Chapter 5

6 1 0
                                    

Vince POV

Aike. Nanginginig ko siyang binuhat. Ang tanga ko napaka tanga ko. Bakit ko nagawa sa kanya ito. Pakiusap wag kang sumuko. Ako na lang. Ako na lang ang maghirap sa ating dalawa total ako naman ang may kasalanan.

"Mom. Punta kayo sa hospital" Pinatay ko na agad ang tawag. Wag sana ang mag ina ko. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng aking luha. Diko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyareng masama sa kanila.

Bawat kilometro ay mas lalo kung pinapaharurot ang pagtakbo ng sasakyan. Patuloy na umaagos ang dugo sa binti ni Aike. Sobrang sikip ng aking dibdib. Ayaw kung tuluyan siyang mawala sa 'kin. Ngunit ako na mismo ang gumagawa para mawala siya sa piling ko. Agad ko narating ang malapit na hospital sa village namin.

"Emergency, tawagin niyo si Doc!" Sabi ng nurse habang inilalagay sa stretcher si Aike. Hon please hold on.

"Mr. Malala po ang lagay ng misis niyo. Maging handa po sana kayo sa magiging resulta. Hindi po namin ipapangako. Ngunit gagawin namin ang aming makakaya." Sabi ng doktor ng makita ang mag-ina ko.

"Pakiusap gawin niyo ang lahat iligtas niyo ang mag-ina ko." Tuloy pa rin sa pag agos ang aking luha. Gustuhin ko mang pumasok ay baka mas lalo lang akong makasagabal at maging pabigat.

"Vince. Anong nangyare?" Sabi ni mom ng makarating sa hospital.

"Mom. S-si Aike." Diko na pigilang suntukin ang pader na malapit sa akin.

"Shhhh. What happen sweety?" Niyakap niya ako. Nakaramdam ako ng kapayapaan ngunit di pa rin nawawala ang sakit ng aking dibdib.

"Ang tanga ko. N-n-nagawa ko siyang i-ibayad sa taong pinagkautangan namin ng malaki mom" nanginginig kung sabi. Diko lubos maiisip na bakit kami humantong sa ganito.

"What?" Gulat na sabi ni mom. Naitulak niya ako sabay sampal sa akin.

"H-how could---" di na natuloy ni mom ang kanyang sasabihin dahil tuluyan na itong humagulgol.

Agad naman akong kiniwelyuhan ni Dad. Isang malakas na suntok ang dumapo sa aking pisngi. I deserve this. Kulang pa ang sampal at suntok. Dahil hindi-hinding ko matutumbasan ang sakit na naiidulot ko kay Aike.

"Hindi ka namin pinalaki ng ganyan Vince. If you need money then tell us. Kahit na lumagapak na ang kompanya natin. Paano mo nagawa sa sariling asawa mo yan?" Nanginginig ang mga kamao ni Dad. Nagpipigil na masapak ulit ako. Nakayuko lamang ako. Habang patuloy pa rin dumadaloy ang masaganang luha sa aking pisngi.

"Hinding-hindi ka namin kukunsentihin sa ginawa mo Vince. You know that you are wrong." Sabi ni Dad. Balak pa sana niya akong suntukin pero pinigilan siya ni mom.

"Darling Stop!" Pigil ni mom.

"Theresa hindi ako makapaniwala na ganyan ang naging bunga ng pagpapalaki sa anak natin . Ginawa namin ang lahat Vince. Pinalaki ka naming matino. Pero bakit humantong ang lahat sa ganito at na nagawa mong ibayad ang sarili mong asawa. Wala kaming anak na katulad mo. Magmula ngayong tinatakwil na kita bilang isang Vaseinte" Nagpupuyos sa galit na sabi ni Dad. Dad is right. Ako ang may kasalanan kinaiin ako ng galit, ng inis at di pagtitiwala sa kanya. Wala akong kwenta.

"Hon. Stop saying that. Anak pa rin natin si Vince. Anak aalis na kami ng Dad. Mag usap na lamang kayong dalawa kapag malamig na ang ulo ng ama mo" Sabi ni mom. Habang umaagos ang butil ng luha nito sa kanyang pisngi

"Anong nangyayare dito balae." Sabi ng ina ni Aike. Nang makalapit ito sa amin. Natatakot akong harapin sila. Nahihiya ako sa ginawa ko sa kanilang nag iisang prinsesa.

"....." hindi umimik si mom. Tuloy-tuloy pa rin ang luha nito.

"Vince anong nangyare sa anak namin" Tumingin ako sa kanila. Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumalabas rito.

*Pakkkkkkk*

Isang malakas ng suntok ang dumapo sa akin. Galit na galit ang panganay na kapatid ni Aike. Si Arken.

"Anong ginawa mo sa bunso namin! Tan*na mong ga*o ka"

"Arken huminahon ka!" Sigaw ng ama ni Aike. Tuloy pa ring ang pag agos ng aking luha. Dumugo na ang aking labi ngunit. Di pa rin mawala yung sakit sa aking dibdib. Higit sa lahat yung sakit na idulot ko kay Aike.

"Pa, alam mo ba kung ano ang ginawa ng g*go na yan kay Aike. Nabalitaan naming ipinambayad ng pun*etang yan ang prinsesa natin!" Sigaw ni Angelo ang pumapangalawa kay Arken. Hinihintay kung masapak at masampal ako ngunit wala dumapo sa aking pisngi. Tumititig lamang si tita at tito sa akin. Walang salita. Kundi tahimik lamang sila tita at tito.

"Ilalayo namin ang anak namin sayo Vince." Madiin na sabi ni tito.

"Please. Wag niyo pong gawin sa akin yan. Pakiusap. Bigyan niyo pa ako ng isang pagkakataon." Nanginginig na sabi ko habang lumuhod sa kanila.

"Intindihin mo sana kami Vince. Mas masakit na makita naming nahihirapan ang anak namin sa puder mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love in TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon