Chapter 2

8 0 0
                                    

FLASHBACK

Aike POV

"Uy! Aike. Nandyan na naman yung maliligaw mong hibang. Hahaha"

"Grabe ka naman makapag salita Keth" Bumungisngis lang ito bago umalis. Naiiling na lang ako sa kaibigan ko na yun. Siya pala si Keth Alvarez ang bff ko at ako nga pala si Aike Zanes. Kumuha ako ng kursong Culinary Arts. Dahil hilig ko ang magluto.

"H-hi A-aike!" Bati sa akin ni Vince. Si Vince ay nerdy type.  Ewan ko ba dito. Pilit ko naman pinapaiintindi na di pa ako pwedeng magnobyo. Ay sobrang mapilit ito. Pero sa katunayan ay ayoko sa isang tulad niya. I mean his not my ideal man. Dahil ayaw ko naman ang makasakit ay gumagawa na lang ako ng alibi para tumigil na siya pero wala pa rin.

"Hello Vince" Siguro ay tama si Keth ini-entartain ko raw kasi kaya umaasa. Ayaw ko naman na saktan siya kasi mabait naman ito sa akin.

"Hey! Aike!" Tawag sa akin ni Kevin Salante isang varsity player. Kasalukuyang nasa kabilang dulo ng corridor ito.

"Ikaw pala Kevin" Nakangiti kung sabi at kumaway. His hot, handsome, sweet and caring. Siya ang ideal man ko.

"Sino yang kausap mo?" Tanong nito nang makalapit na sa amin at inakbayan niya ako. Manliligaw ko si Kevin. Balak ko na itong sagutin sa susunod na taon dahil malapit naman na akong grumaduate. Tinignan nito si Vince mula paa hanggang ulo. Siniko ko siya para naman hindi mahiya si Vince.

"Ah si Vince. Vince si Kevin" Pakilala ko. Makikipag kamay sana si Vince ngunit tinitigan lang ito ni Kevin.

"Wag mong sabihin pare manliligaw ka kay Aike." Natatawang sabi nito.

"B-balak ko s-sana" nahihiyang wika ni Vince.

"Pare wala ka ng pag-asa. Itsura mo pa lang ay bagsak kana." Masakit na salitang binitawan ni Kevin at sabay hila sa akin. Lumingon ako kay Vince na ngayon ay nakayuko. Tumingala ito at tumingin sa akin. Nakita ko sa mga mata nito ang sakit dulot ng mga sinabi ni kevin. I mouthed 'sorry'. Pagkalayo namin ni Kevin ay agad ko itong nasampal.

"Hindi mo naman sana sinabi ang mga ganoon salita Kevin hinayaan mo na sana ako!" Inis kung wika sa kanya.

"Wag mong sabihin na mas kinakampihan mo ang hampas lupa na iyon Aike!"

"Hindi sa kinakampihan ko siya. Pero mali ang mga sinabi mo. Diko alam na sukdulang kasaamaan na pala yang pag-uugali mo Kevin. Mabuti pa'y tumigil ka na sa panliligaw sa akin wala ka ng mapapala pa sa akin." Iniwan ko siya roon na nagtatangis ang kanyang galit.
Binalikan ko kung saan naiwan si Vince ngunit wala na ito roon. Napabuntong hininga na lamang ako.
Pinalaki ako ng aking magulang na maging isang mabuting bata na hangga't maaari ay daanin sa pakiusapan ang isang problema.
Mamaya ko na lamang ito kakausapin. Papasok pa ako sa huling klase ko ngayong hapon.

"Hoy ! Gaga ka. Nagwala si Kevin sa covered court. Ano ginawa mo doon?" Tanong ni Keth. Pagkarating nito sa loob ng aming silid - aralin.

"Sumasakit ang ulo ko Keth. Wag mo muna akong kausapin." Wika ko rito.

"Ok fine. Basta ichika mo sa akin mamaya ha." Tumango na lamang ako para manahimik na siya. Dumating na ang aming guro. Nag umpisa na itong magturo ngunit di ko maiintindihan kung ano nga ba ang itinuturo nito. Napabuntong hinanga na lamang ako.

"Ok class dismissed" Yun ang huli nito sinabi bago nagsitayuan ang mga kaklase ko.

"Hoy! Girl di ka pa ba tatayo dyan?" Tanong ni Keth. Masakit sa akin na sabihin kay Kevin iyon dahil nagugustuhan ko na ito. Pero diko alam na ganoon pala ang pag uugali nito. Noong una ay diko pinapansin kasi alam ko naman pwede pa itong mabago pero nagkamali ako. Hay!

"Makabuntong hininga parang may pinang huhugutan ah." Wika ni Keth.

"Diko na nga alam ang gagawin ko Keth." Malungkot na wika ko. Bakit ang gulo ngayon araw. Kaiinis naman oh!

"Halika na nga at ichichika mo pa yan sa akin Aike." Sabi nito at sabay hila sa akin. Pumunta kami sa aming paboritong coffe shop.

"What?" Gulat na tanong ni Keth na matapos kung ikuwento ang nangyare kanina lamang.

"Ikaw naman kasi girl. Ang haba ng hair." Natatawang sabi nito. Napanguso na lamang ako.

"Hindi ko dapat sinabi iyon kay Kevin. Kahit papaano ay naging mabuti ito sa akin." Sabi ko habang humihigop ng kape.

"Ganito girl. Mamili kana kasi. Kung sino ba sa dalawa ang matimbang."

"Alam mo naman kung ano ang sagot ko dyan hindi ba?"

"Kung si Kevin nga edi kauspain mo na. Plano mo pa naman itong saguting sa susunod na taon. At ako na ang bahala kay Vince."

"Sigurado ka ba dyan?" Paninigurado ko. Malay ko bang may gawin itong kalukuhan. Knowing na loka-loka itong si Keth.

"Yes! Everything is under control." Nakangiti ito ng malawak.

"Kinakabahan naman ako sayo Keth." Bumungisngis lang ito.

END OF FLASHBACK

A Love in TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon