Chapter 3

9 0 0
                                    

Aike POV

Nagising ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Inadjust ko na muna ang aking paningin bago ko makita ng tuluyan kung nasaan nga ba ako.

"Anak ko." Napatingin ako kay mama. Halatang kagagaling lamang nito sa pag-iyak.

"M-ma n-nasaan ako?" Halos paos na wika ko. Inabutan naman ako ni papa ng tubig.

"Nasa hospital ka anak." Biglang napadako ang tingin ko sa aking tyan. Wag sana. Mali sana ang iniisip ko. Diyos ko wag ang anak ko.

"M-ma. Nasaan ang a-anak ko" diko napigilang tumulo ang aking luha.

"Magpahinga ka na muna anak."

"Hindi ako makakapagpahinga hangga't diko alam kung ano ang nagyare sa  anak ko! Ma bakit wala na umbok ng tyan ko?"

"Anak" Tuluyan ng humagulgol si mama.

"Wag naman kayong umiiyak ng ganyan ma! Nasaan ang anak ko? " piyok kung sabi. No, this is not true. Panaginip lang lahat ito. Agad kung tinanggal ang swero na nakakabit sa akin.

"Aike anak!" Sigaw ni mama. Ngunit di ako nagpatinang bumababa ako sa aking higaan.

"Aike. Tumigil kana. Pinapagod mo ang sarili mo!" Sabi ni papa na agad naman nitong hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Pa, yung anak ko nasaan?" Nawalan ako ng lakas. Hindi maaring mawala ang anak ko. Sa kanya na lamang ako humugot ng lakas.

"Pagpahinga ka na muna anak. Nakakasama yan sa iyo." Mahinahon na sabi ni mama pero patuloy pa ring dumadaloy ang kanyang luha.

"Hindi ako matatahimik hangga't diko alam kung nasaan ang anak ko!" Gigil na sigaw ko. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak ni papa.

"Ma, pa. Nasaan ang anak ko!"

"Nasaan ang anak ko?" Kahit anong tanong ko ay wala pa rin akong makuhang sagot sa kanila. Biglang pumasok ang isang nurse at agad ako nitong tinurukan na nakapag palabo ng aking paningin at biglang dumilim ang aking paligid.

A Love in TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon