Si Andrei Chapter 7

129 1 2
                                    

Medyo pressured dahil sa sobrang tagal ng update. Pasensiya na talaga. Binibilisan ko na ang pag-update. Salamat sa patuloy na pagbabasa.

Also, sorry sa mga misspelled words and wrong grammars.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*--

Simula ng magmulat ako ng mata hanggang sa bumangon ay bakas sa mukha ko ang saya. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag gigising kang katabi mo ang taong mahalaga sa'yo. Aminado naman ako sa sarili kong gusto ko siya dahil kung hindi ay hindi ako dapat nasaktan at nagpaapekto. Sinulyapan ko itong muli.

Sana hindi pagpapanggap lang ang lahat, Andrei. Natatakot man akong masaktan pero susubok ako sa'yo.

Tuluyan na akong lumabas matapos pagmasdan ang natutulog pa ding si Andrei. Gaya ng sinabi ni nanay kagabi ay wala na nga ito ng maabutan ko. Si tatay naman ay wala din, marahil sumama kay nanay. May iniwan na ding pagkain sa lamesa kaya naman nag-asikaso na ako para makakain ng agahan.

Akmang sasandok na ako ng may narinig akong tumikhim sa likuran ko at kapagdaka'y may mga brasong pumalibot sa akin.

"Good morning, babe. Wow breakfast"

"Good morning, Andrei. Musta tulog mo?" Ayaw ako nitong bitiwan kaya naman para itong tuko na nakadikit sa akin habang kinukuhanan ko ito ng gamit pangkain. Hindi ko na din naman siya pinigilan dahil sa gusto ko ang ginagawa niya.

"Never been great, nakasama at nakatabi kasi kita."

"Okay, sabi mo eh."

"Maniwala ka na kasi."

"Oo na lang. Tanggalin mo na nga pagkakapulupot mo sa akin para makakain na tayo."

Tumalima naman ito at umupo na sa hapag. Hinablot naman ako nito na naging dahilan para mapakandong ako sa kanya.

"Ano ba Andrei!" Saway ko dito ngunit parang wala lang ito sa kanya at kumuha na ng pagkain.

"Paano ako kakain ng maayos nito?"

"Susubuan kita."

Walastik! Patience Tonton, patience.

"Andrei naman, 'wag ganito naiilang ako."

Binitiwan nito ang kubyertos na hawak at pinilit akong pinaharap sa kanya. Tinitigan ako sa mata.

"Ton, I am doing the best I can to make you feel my love. I am very sincere when I say I love you. Please believe me." May pagsusumamo sa tinig nito.

"Bakit naman kasi may ganito pa?"

"Gusto kong maglambing. Mahal na mahal kasi kita talaga. If only I can attach you to me, I would do so."

"Tinanong mo ba ako if I wanted the same thing?"

Biglang naging malungkot ang mukha nito at iniwas ang tingin. Binibiro ko lang naman siya pero mukhang sineryoso niya.

"Hey, Andrei." At pinilit kong iharap ang mukha nito sa akin. "Ano, hindi mo ba ako tatanungin kung gusto ko ba mga ginagawa mo sa akin?"

Tahimik pa din ito.

"Tsk, 'di bale na nga lang." Akmang tatayo na ako ng pigilan ako nito.

"Do you like what I'm doing? Do you love cuddles the way I love? Do you love me?"

Natameme ako. I know I started it pero hindi ko alam paano sasagutin. Napatango na lang ako.

"W-wait, what? You love me too? Really?" Biglang lumiwanag ang expression ng mukha nito. Parang nanalo sa lotto ang pagkakangiti nito at napahiyaw pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si AndreiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon