Si Andrei Chapter 1

1.2K 10 4
                                    

Enjoy reading guys! This is my first ever story series (2009) and I'm not sure how all of you would react on this but still I'm looking forward sa mga magiging comments niyo (kung meron lang naman, heheheh). Anyway, here it is.

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Gaya ng mga kabataang kaga-graduate pa lang ng high school, hirap akong pumili ng eskwelahang papasukan sa kolehiyo. Madaming offers akong natatanggap na mga scholarships, meron sa gobyerno at meron din sa mga private individuals or organizations. Hindi naman po sa pagmamalaki pero ako ang batch valedictorian nung high school kaya hindi nakakapagtakang madaming opportunities sakin. Isa sa mga nagpadala ng scholarship grants ay ang eskwelahang aking pinapasukan sa kasalukuyan. Pangarap ko kasi ang makapag-abroad kaya kumuha na din ako ng pinagkakapitagang kurso na nursing.

Dumaan ako sa napakaraming tests para lang makuha ko ang pinapangarap kong full time scholarship ng unibersidad. Lahat naman iyon ay naipasa ko kaya naman laking tuwa ko ng ma-receive ko ang scholarship grant na yun.Wala nang poproblemahin pa sila nanay at tatay sa gastusin ko sa tuition fee. Bukod pa sa scholarship na yun, nag-apply din ako na maging isang student aide para makatulong sa iba pang gastusin sa pag-aaral ko. Siyempre pasado din ako sa inaplyan ko kaya lubos ang kaligayahan ko.

Matapos ang isang linggo, nakapagpaenrol na ako at ang section ko ay 1D. Kinakabahan ako dahil di ko pa nakikita kung sino ang mga magiging kaklase ko. Sa pasukan ko pa lang sila makikilala. Hindi ako excited na bumili ng mga school supplies ko dahil mas excited ako sa maaaring mangyari ngayong college.

Kay bilis lumipas ng mga araw at pasukan na. Unang araw ay orientation namin. Lahat ng mga bagong estudyante ay required na pumunta sa auditorium para sa orientation of rules and regulations and university. Halo-halo ang lahat ng mga estudyante doon galing sa iba't ibang department. Pinaghiwa-hiwalay ang mga estudyanet bas sa kinabibilangan nilang departments. Hindi nakakapagtaka na ang department ng nursing ang pinakamarami dahil sa pagiging in-demand nito abroad. Maya-maya pa ay inihiwalay nadin kami sa iba pang departments. Tumingin tingin ako sa mga estudyante roon baka me kakilala ako pero sa kasamaang palad ay wala akong kilala ni isa.

Sa paglinga-linga ko nakita ko ang grupo ng mga lalaki na puro mga gwapo. Maiingay sila at tipong mga bad boys. Nakita ako nung isa na nakatingin sa kanila at dahil doon napalingon silang lahat sa direksyon ko. Agad akong umiwas ng tingin pero narinig ko pa din ang tawanan nila at ako ata ang masuwerteng topic nila.

Ayoko ng gulo. Hangga't maaari Tonton, iwasan mo sila. Pagkausap ko sa aking sarili.

Tapos na ang orientation namin at agad naman akong umakyat sa 2nd floor para pumunta sa library. Ito kasi ang unang araw ko bilang student aide. Kinausap muna ako ng librarian bago nito sinabi sa akin ang magiging trabaho ko. Kung tutuusin ay napakagaan ng ibingay niyang trabaho sa akin. Aayusin at iso-sort ko lang naman lahat ng mga libro ayon sa codes na nakalagay sa kanila.

Mahirap ang naging adjustment ko sa buhay kolehiyo dahil na din sa pinagsasabay ko ang pag-aaral at pagtatrabaho. Dumaan na halos ganoon na lang ang ginagawa ko ara-araw. Nakakapagod man pero no choice ako dahil gusto kong makatapos ng kolehiyo.

Isang araw, naka-duty ako sa library nun ng pumasok ang grupo nang mga kabataang maiingay nung orientation. Ayon sa batas ng library hindi sila basta basta pwedeng mag-ingay doon dahil sa library iyon at dapat naka-silent din ang mga cellphones. Napakunot noo na lang ako dala ng iritasyon. Maya-maya pa ay lumapit sa sakin iyong lalaking nakatinginan ko noon at nagtatanong ng libro. Feeling ko mabait naman tong taong to at nadala lang ng barkada niya. Dahil sa magandang impression ko sa kanya hinanap ko yung sinasabi niyang libro sa may reserved section ng library. Agad ko itong ibinigay sa kanya ng makabalik ako sa puwesto ko. Sinabi ko rito na hindi pwedeng ilabas yung libro kaya mapipilitan silang doon na magstay sa library kung gusto nilang mabasa iyon.

Si AndreiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon