Si Andrei Chapter 3

399 8 4
                                    

Sana'y patuloy niyo pa din suportahan ang story na ito. Maraming maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay. Huwag po sana kayo mahiyang mag-iwan ng kumento ng para alam ko kung ano pa iyong mga parts na kailangan kong i-improve. Heto na po ang part 3. Salamat uli and enjoy guys! :)

*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*

Nagising ako nang mga bandang 3:30am dahil sa napakabigat na nakadantay sa tyan ko. Aba at ginawa akong dantayan ng hita. Hahawiin ko saa ito dahil ang bigat kaya ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Kusa na din nitong inalis ang hita niya sa akin. Nang akma kong ikikilos ang mukha ko ay bigla itong nagsalita.

"I love you". Mahina ngunit dinig kong sabi niya.

Hindi ko makumpirma kung tulog ba ito o gising. Ang tanging alam ko lamang ay ang mabilis na takbo ng tibok ng puso ko. Masyado na naman akong nag-a-assume na ako ang pinagsasabihan niya. Agad kong pinalis ang isiping para sakin nga ang sinambit niyang iyon. Napagpasiyahan ko na lang na matulog na lang ulit.

Mamaya ko na lang iisipin iyong bagay na iyon. At pinlit ko naman na matulog muli.

Nauna akong nagising sa kanya marahil dala pa din ito ng excitement sa pagkakatabi naming dalawa sa higaan. Muli'y tinangka kong sulyapan siya habang natutulog at hindi naman ako nabigo. May kaluwagan na ang pagkakayakap nito. Doon ko namasdan ang mga katangian nitong maaaring makapagpaibig sa sinuman. Matangos na ilong na may bahagyang umbok malapit sa mata, mga pilikmata nitong may natural na kulot, medyo may kakapalang kilay, maninipis at mapupulang mga labi, at napakakinis na mukha na tila ba hindi nadapuan ng kung anong dumi.

Napabuntung-hininga ako. Alam ko naman sa sarili ko ang limitasyon ko. Napaka-imposibleng mahalin ako ng isang kagaya niya na halos perpekto na. Pilit kong inaalis sa sistema ko ang unti-unting umuusbong at lumalalang pagtingin ko sa kanya. Babangon na sana ako ng muli'y bigla na namang humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Ang mga mukha namin ay sobrang lapit na at isang maling kilos lang ay maglalapat na ang mga labi namin. Tinangka ko uling bumangon at himala naman na maluwag ng muli ang pagkakayakap niya.

Tuluyan na akong bumangon at bumaba. Nadatnan kong nagluluto si nanay ng agahan namin. Dahil sa espesyal daw ang bisita namin, maghahain daw siya nang masarap. Magaling na kusinera si nanay kaya't hindi na ako nag-abala pang pakialaman siya sa ginagawa. Kasalukuyan kong pinapanood si nanay habang naghihiwa ng mga rekado niya ng may madinig akong yabag pababa. Alam ko sa sarili kong gising na si Andrei at hindi ako nagkamali dahil nadinig ko ang boses nito ng mapadaan ito sa amin para tumungo sa banyo. Bago ito tuluyang makapasok ay nasilayan ko ang ayos nito, gulo ang buhok at pupungas pungas pa pero gwapong gwapo pa din. Hindi ko na naman maiwasang hindi humanga sa kanya.

Matapos makaluto si nanay ay agad na itong nagtawag para kumain. Sa isang iglap ay heto na kaming lahat sa hapag kasama si Andrei. Masyadong espesyal ang turing na ibinibigay nila sa kanya. Napapailing ako ngunit nangingiti. Labis siyang kinagigiliwan nila nanay dahil madaldal ito sa kabila ng pisikal nitong itsura na halatang may dugong banyaga.

Nang matapos na kaming mag-agahan ay lumabas muna ako at tumambay sa paborito kong duyan sa likod bahay at para na rin magpahangin.

Hindi ko alam kung anong papel ang gagampanan mo sa buhay ko Andrei pero ngayon pa lang magpapasalamat na ako. I won't deny na binigyan mo ng kulay ang buhay ko. Instantly you caught my attention. Iyong angas ng dating mo ay kabaligtaran ng ugali mo. I hope you will stay the same or kung hindi man, sana hindi pa ganoon kalalim ang nadarama ko sa'yo dahil ayokong masaktan.

"Bulaga!"

Naputol ang pagmumuni ko at biglang akong nabuwal. Kitang kita ko ang hitsura nitong tawang tawa at halos hindi na makahinga.

Si AndreiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon