Zabrina's POV
"Yes mom. Okay lang kami dito. Babalik naman agad kami." Saad ko sa cellphone
Hinahanap kasi kami ni Mommy. Pero okay na naman.
"Sige mag ingat kayo. Bye!"-Mom
Agad kong pinatay ang cellphone ko. Bawal ang istorbo. Nandito na nga pala kami sa bahay na tutuluyan namin. Simple lang siya.
"Tara! Labas tayo. Balita ko sobrang linis ng sapa sa may baba nito. Gusto kong makita!" Sabi ni James
Agad naman akong nag dala ng bag na may lamang pagkain. Yung tinutuluyan kasi namin ay parteng itaas. Kaylangan pa naming bumaba, aabutin ito ng mga 10 minutes.
"Tara na!" Saad ko
Sabay kaming bumaba. Ang saya ng ganto. Puro huni lang ng ibo ang mairinig mo. May ilang tao rin naman pero sobrang ilap.
"Whaa!" Tili ko
Muntikan na kasi akong mahulog, buti nalang nandiyan si James at kinapitan agad ako sa bewang. Ang kaso lang ay na-out of balance siya kaya gumulong kamin dalawa pababa. Buti nalang walang bato at malapit na kami sa baba.
Pag dating namin sa baba ay mag kapatong na kami. Nasa ibabaw ako.
"Ay mga batang ito! Mag sitayo kayo diyan!"
With that napa hiwalay kami.
"Mali po yung iniisip niyo lolo, lola."-Ako
Nag tawanan naman yung dalawang matanda. Awww ang cute nilang tignan. May forever sa kanilang dalawa.
"Saan ka galing hijo?" Tanong ni lolo
Bakit si James lang ang tinanong niya? Kasama ako ni James ah?
"Ah? Sa taas po kami galing, nahulog lang po kami galing sa taas." Saad ni James
Huh? Weird.
"Ang ibig kong sabihin ay saang bituin ka galing? Alam kong isa kang knight." Si Lolo
O.O?!
Whoaaa? Paano nalaman ni lolo yun? May super powers si lolo?
"Ah. Eh. Sa 198208 po." Saad ni James
Napangiti naman si lolo at itinuro ang malaking bato. Umupo daw kami. Umupo nga kami at nag kwentuhan.
"Isa akong knight dati. Hiniling ko rin sa celestial god na pabalikin ako. Ngayon ay knight parin naman ako, nasaakin pa ang kapangyarihan ko. Kaso ang tawag na saakin ay Idol." Paliwanag ni lolo
Namangha naman ako dun. Sana gaya niya ay makabalik din si James.
"Ilang taon po ang inabot no'n?" Tanong ni James
Do'n na nag iba ang expression ni lolo. Si lola naman ay natatawa.
"Sampung taon hijo. Pero dahil may koneksyon na sa pagitan namin dalawa. Awtomatikong hindi nag karoon ng nobyo ang minamahal ko. Hindi siya tumanggap ng kahit anong ligaw kahit wala siyang natatandaan saakin." Saad ni Lolo
Napagiti naman ako. May connection na between us. Siguro naman kaya ko siyang intayin no?
"So lolo, makakabalik pa po ako diba?" Tanong ni James
Ngumiti naman si lolo saamin.
"Malalaman niyo. Ito'y nakadipende sa celestial god. Paano ba yan? Hanggang sa muli." Saad ni Lolo
Umalis na sila. Kami naman ay nag patuloy sa pag lakad. Nung makarating kami sa sapa..
"Ang ganda nga!" Manghang sabi ko
Kinuha ko ang cellphone ko at nag take ng pictures. Nag selfie din kaming dalawa ni James.
*Splash!*
Whaaaa! Binasa niya ako!
Gumanti naman ako, hanggang sa pareho na kaming basa.
"Wala tayong pamalit! Nasa taas! Ikaw talaga James!" Natatawang sabi ko
Pagabi na pala. Mayamaya ay nag pasya na kaming umakyat. Pag dating namin ay nag palit na kami ng damit. Sa mga green minded ay mag kaiba po kami ng kwarto! At may banyo din po kami.
Lumabas ako ng bahay at umupo sa damuhan. Ang ganda ng stars!
Umupo naman si James sa tabi ko.
"Marami pa ang susunod na ipapanganak na knight. Kawawa naman kami." Saad ni James
Napatingin naman ako sa kanya. Kawawa nga ang mga katulad nila.
"James pag kabalik mo, ano una mong gagawin?" Tanong ko
Tumingin naman siya saakin at ngumiti.
"Gusto kong mag propose at mag papakasal tayo." Saad ni James
Ayieee! Kinikilig ako!
"Talaga ba? Saan mo gagawin yung proposal mo?" Tanong ko
Nag kibit balikat lang siya. Ang duga naman!
"Paano nga pala kung hindi na kita naintay?" Tanong ko ulit
Napa simangot naman siya.
"Pag hindi mo ako hinintay, ikaw naman ang dadalhin ko sa planeta namin!" Saad ni James
Sabay naman kaming tumawa. Kung pwede nga ngayon palang sumama na ako sayo eh.
A/N: Is there a posibility na bumalik pa talaga si James? Or baka naman talaga hindi na siya makabalik. Well, let's see. Do this things for me readers! :D
-vote
-comment
-like my page(Black Phoenix Stories)
-Be my friend Fb:(Misa Amane WP) Twitter:(Black_Phoenix) Instagram:(ms.pokerface)
YOU ARE READING
My Shining Star (COMPLETED)
Teen FictionPrologue: Zabrina is the most smart and beautiful in Tan university. She is a newbie in that university so she don't have an idea on what is she doing. One day, she'll meet a guy, who will change her whole life. Will they love story end in happy e...