Chapter 50-Goodbye-

57 1 0
                                    

Zabrina's POV

Umaga ngayon. Ngayon ko lang narealize na bukas na pala ang graduation namin. Kaso mukhang hindi na maabutan ni James ito.

Nandito nga pala ako sa pintuan ng office ni dad. Nakikinig ako sa may pinto.

"Bakit kasi ayaw mong maniwala? Iba nga ang boyfriend ni Zabrina! Hindi siya tao!" Sigaw ni Mom

Huh? Paano naman nalaman ni Mom yun? Sinabi ba nila yung secret?

"Gusto kong makausap ang anak ko. Pero mukhang malabo ito. Gusto ko lang naman na ligtas siya at hindi masasaktan. Kaso mukhang malabo dahil ang sabi mo ay ngayon ang alis niya." Saad ni Dad

Pumasok na ako sa kwarto at inakap silang dalawa.

"Sorry anak. Hindi muna kita pinag explain." Saad ni Dad

Pinahid ko ang luha sa pisngi ng Appa ko.

"It's okay dad. I know this drive you crazy pero totoo yun. Hindi siya tao, at isa siyang knight. Babalik siya sa lugar nila para baguhin ang sarili niya. Pag kabalik niya dito ay mag papakasal na kami." Saad ko

Pinisil naman ng daddy ko ang ilong ko.

"Sige. But, mag aaral ka muna. For now, puntahan mo na si James. Cherish all the moments." Saad ni Dad

Bago ako umalis ay inakap ko pa sila ng mahigpit.

"Bye!" Paalam ko

Agad kong tinawagan si James. This day will be great.

"Wow. As in wow! Buti naman pumayag na sila!" Tuwang tuwa na sabi ni James

Hawak ko ang kamay niya ngayon.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko

Napaisip siya dun.

"Sa lugar kung saan una tayong kumain na dalawa. Kay bubuyog!" Masayang sabi ni James

Kahit masaya ang tono niya, di mapagkakailang sobrang nang hihina na siya.

Pumunta kami sa sinasabi niyang bubuyog. Umupo na ako dahil siya nalang daw ang oorder. Mayamaya ay dumating na siya.

"Fries and ice cream for my princess." Saad ni James

Ngumiti naman ako sa kanya. Habang nakain siya at tinititigan ko siya. Baka kasi bigla nalang siyang mawala.

"Ano ba! Makatitig naman ito! Gusto mo na ba akong tunawin?" Natatawang sabi ni James

Natawa naman ako dun. Kung pwede nga lang eh!

"Ahahahaha! Wala lang no! Gusto ko kasing matandaan ang mukha mo, gusto ko every day maalala kita." Saad ko

Napatahimik naman siya dun. After naming kumain ay hinila ko siya sa Tom's world.

"Cheer up! This is your day!" Saad ko

Ngumiti na naman siya.

"Yeah this is my day." Si James

Nag laro naman kami. He even give me a big teady bear. Yung human size? Siya naman ang pinag bitbit ko nun.

Time check..

9:00 pm.

"Tara sa University." Saad ni James

Tumango nalang ako. Siya na ang nag drive papuntang University.

Malapit na. Malapit na siyang umalis.

Dinala niya ako sa rooftop. Ang naging tambayan ng gang. Ang rooftop na ito ang saksi sa lahat. Pa sacrifices, joyness, sadness. Lahat na.

My Shining Star (COMPLETED)Where stories live. Discover now