Author's Msg : HAha kalain nyo yun ..Ako ang taong... pag nagsusulat ng stories, parating walang ending at parating naka hang..., kaya himala.. hindi sya ngayon pending ;) (Kasi naman nakakatakot yung katabi ko, parang sasakalin na nya ako.. pag hindi ko ULIT tinapos tong ginawa ko :< ) ok tama na yun.. Yosh.. Lets begin ...
"Ganito nalang, ako nalang magsasabi sa sundo mo na ako na ang maghahatid sayo." Inakbayan nya ako, at sabay namin tinungo ang parking space ng school, kung saan parati akong iniintay ng sundo ko.. Pagdating namin dun, nakita ko kaagad si Manong, pinakilala ko sya kay Evan, and Evan did what he said before. Kaya pala malakas ang loob ni Evan na sabihin ang bagay na yun kasi nagawa nya ngang, pakiusapan si manong na mas mahigpit pa sa security guard kung makabantay.. :)
Pinasakay ako ni Evan sa isang itim na kotse. Ang sabi nya Jaguar raw ang tawag dun... naniwala nalang ako kasi hindi ko naman kabisado ang mga uri ng sasakyan, ang nakakaloka pa may Driver na naghihintay doon, with matching uniform and cap.. Come to think of it, may gusto ako sa kanya pero hindi ko pa alam ang background info nya >.<
Wala kaming imikan ni Evan habang lulan kami sa sasakyan.Nahihiya ako e, hindi ko kayang magbukas ng usapan .. saka wala akong maisip na topic...T.T tsk! ang hopeless ko talaga...
"ahh, ihinto mo nalang dyan sa may Violet na gate, Kuya.." sabi ko nang marating na namin ang bahay namin. "Salamat, gusto mong pumasok?" tanong ko kay Evan pagkababa ko.. wag nyo na itanong kung paano ko nasabi yun.. pikit matang tinanong ko lang yun.
"Pwede?" tila nahihiyang sagot ni Evan..
natawa ako kasi hindi ako sanay na makita syang nahihiya, pareho kasi sila ni Blythe.. walang pakelam sa mundo :D kaya medyo hindi na ako nahiya .." Oo naman, gusto mo dito ka nalang mag dinner?"
"Sige ba! Libre eh! hehe.. pero baka magalit ang parents mo kasi, Intruder ako.. stranger pa.."
"hindi noh! mababait sila, baka nga wala pa sila eh.." sa sinabi kong yun.. napapapayag ko si Evan. Pero nagulat ako nang madatnan ko sina mama at papa na naglalaro ng scrabble sa Living room Uh-oh.. " Mama! papa!.." humalik ako sa pisngi nila.. "ah, si Evan nga po pala kaibigan ko.. " May ilang mga bagay pa na itinanong sila kay Evan. Magalang sinagot naman ni Evan lahat ng yun, mukhang sanay na syang malagay sa hot seat. Napagaan na rin ata ni Evan ang loob ng magulang ko kasi nang mag paalam na sya para umuwi, binilinan sya na pumasyal uli sa bahay pag may oras sya.
"ang cool ng parents mo no?" nakangiting komento ni Evan, nasa labas kami ng gate hinihintay yung sundo nya.
"Oo naman... bakit sayo ba hindi?" Tumingala sa langit si Evan, bago sumagot " ang swerte mo, alam mo bang parating wala sa bahay namin ang magulang ko... parati akong nag iisa.. tapos ang laki pa ng expectation nila sa akin..."
First time kong marinig yun... Si Evan na parating careless, ay may kinatatakutan rin pala.. Natatakot syang magkamali.
"nag-iisa rin naman ako, pag busy ang mga magulang ko sa mga trabaho nila, minsan gabi na kung umuwi ang mama ko galing sa flower shop nya... ganun din si papa, parating gabi na kung umuwi, minsan nga nag a-out of town pa sya.." Hindi ko alam kung bakit nag open-up rin ako sa kanya, ang gusto ko lang naman mapalubag ang loob nya kahit papaano, hindi ko lang alam kung makatutulong ang mga sinasabi ko.
"iba naman sila, gumagawa pa rin ng paraan ang magulang mo para maka bonding kayo, eh samin parating wala, tapos kung nandyan naman sila parang wala pa rin sila, dahil hindi naman sila nag iimikan... minsan tuloy naisip ko na napilitan lang silang mag sama dahil sa akin."
"wag mong isipin yan, baka na mi-misinterpret mo lang ang mga kilos nila" naiiyak na tuloy ako, masyadong malungkot ang boses nya pati mga mata nya masasalamin mo na talagang malungkot sya.

BINABASA MO ANG
Bad Hair day
Teen FictionRiannie is used of being a loner, and used to her simple life then suddenly it change because of two famous student of her school.