hideaway

104 2 2
                                    

Parang baliw na nakatitig ako sa taling ibinigay ni Evan, paalis na sana ako, kaso nahagip ng mata ko ang item na itinuring ko ng pinaka mahalagang bagay na meron ako. Mayamaya pa ay napangiti ako, napaka weird kasi, isipin mo nalang bakit may hawak si Evan na ganung bagay? Sa tingin ko naman hindi sya bading, siguro sa kapatid nya yun o kaya ay sa girlfriend nya. 

"ibabalik ko nalang ito..." biglang nalungkot ako sa naisip,

"ahh! hindi! wala to , hindi dapat ako makaramdam ng ganito"...

para kasing may tumusok tusok sa dibdib ko

"makaalis na nga lang at baka mahuli na naman ako."  

nilagay ko sa bulsa ang panali, isasauli ko kay Evan ang bagay na yun.

"Riannie!!" 

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Evan. Sya lang naman ang tumatawag sa akin ng Riannie,  

"good morning"  bati nya sa akin, sinabayan na nya ako sa paglalakad papasok sa campus ng school namin.

"m-morning" na bulol pa ako sa kaisa-isang nasagot ko >.< napaka hopeless ko na talaga..

"ahh? hinayaan mo na naman yang pasaway mong bangs manggulo sa mata mo?" huminto sya sa harap ko at namaywang.

"h-ha ? e-eh.. sanay na naman ako eh.." makisama ka naman Boses ko parang awa mo na..

"kahit na, hmn.. ako na nga ang mag aayos nyan" hinawi nya ang bangs ko at nilagyan ng clip.

"e-h? naku wag na, nakakahiya naman sayo, isasauli ko na nga itong panaling pinahiram mo..."

nilabas ko ang panaling ibinigay nya pero pinigilan nya lang ako.

" No sa'yo na yan, ibinigay ko na yan sa'yo pati na rin yang clip..."

sabi nya habang hawak-hawak pa rin ang nakasara kong kamay.

"pero wag mong iisiping bading ako ha? Nagandahan lang talaga ako sa design nyan, at naisip kong bagay na bagay yan sa isang taong lagi kong tinitignan."  

lalong naguluhan ako sa sinabi nya. bakit nya ibibgay sa akin ang mga to?  kung may nakalaan na pala syang pagbibigyan nito? 

"lika na baka mahuli ka na naman uli nyan eh"

inakbayan nya ako at pinagpatuloy ang paglalakad patungo sa building namin. Wala sa sariling hinawakan ko ang clip na bigay nya. Ano ba tong ginagawa mo sa akin? Alam mo ba na sa ginagawa mong to, hindi imposibleng mahulog ako ng tuluyan sa'yo at maaaring masaktan lang ako? 


Wala pa ang teacher na magtuturo sa amin ng dumating ako. ilalagay ko na sana ang backpack ko sa armchair ng mapansin kong may mga naksulat na naman sa Arm nun, may mga basura pa.         May naramdaman din akong tumatama sa ulo ko..  mga papel.. tinatapunan na naman ako ng mga papel ang iba ay, chalk.. binasa ko ang mga sinulat ng mga kaklase ko sa armchair.

                         Bitch... You STINK... FLY... Teachers pet.. go to hell...     Ano ba ang ginawa ko sa kanila para magalit sila ng ganito sa akin?. Nilingon ko ang mga kaklase ko. Naka poker face ang iba animo walang nangyari ang iba naman naka ngiti pa na siyang siya pa... naikuyom ko nalang ang mga palad ko... sumusobra na sila.. kung sana sa simula pa lang ay hindi ko sila hinayaan na gawin ang lahat ng to sa akin, di sana hindi to nangyayari ... Pero kahit na siguro magalit at sisigawan ko sila ngayon wala pa rin mangyayari baka lalong masiyahan lang sila, at pag magsumbong naman siguro ako baka lalo lang silang maasar sa akin. Sa huli, Hahayaan ko na lang ulit sila...

Bad Hair dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon