Bad Hair day (i want to reach you)

259 6 0
                                    

A/N:  This story might have a grammatical error, mispelled and many poor scenes.Its Not Edited because im always feeling lazy. :) Anyway, have fun reading and criticizing my work.  

Nakakasakit ng ulo.. pag paulit ulit nalang ang nangyayari sa buhay mo... mag hahanap ka ng twist at excitement ..  tulad ko :

Nagsisimula ito, Pag gising, mag iinat, pupunta sa banyo, maghihilamos, titigan ang sariling repleksyon, mag iisip.. titingin sa orasan... at magpapasyang maliligo nalang...

Magbibihis, magsusuklay, bababa, pupuntang kusina at babatiin si mama. Kakain magsisipilyo at pupuntang school...

Ganyan parati mag uumpisa ang araw ko, pagdating naman sa paaralan, tahimik na uupo sa upuan, kukuha ng libro ... magbabasa at matatapos ang buong araw ko pagka pinid ko sa librong binabasa.. nakaka bore diba? pero ganyan ako , so far hindi pa naman ako namamatay >.<

~ 1 . Change

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas ng aking kwarto...

"mama nakita mo ba ang necktie ko?"    boses yun ng papa ko

" mama! tulungan mo muna ako please, mahuhuli na ako! ..."

Mahuhuli... mahuhuli... mahuhuli.. MAHUHULI !!!

napatingin ako sa wall clock .. 7:00 MAHUHULI NA AKO!!!!!!  Wednesday ngayon at hindi ako pwedeng mahuli.. ! si Mrs Terror ang naka schedule sa unang Subject namin ~.~ Wala pa naman yung pakealam kung napapahiya na nya ng sobra sobra ang estudyante nya, kahit pa maliit lang ang kasalanan nito at may excuse, pinapahiya pa rin nya.

So dali-dali akong pumunta sa banyo, hindi ko na ginawa ang mga nakagawian kong gawin bago maligo.Nagbihis na ako pagkatapos kong maligo, bumaba ako at halos liparin ang kusina. Kumuha lng ako ng isang pirasong pandesal at kumagat ng hotdog.

"papa!! Pasabay po!" sigaw ko kay papa na nakasakay na sa motor nya.

"Sige, umangkas ka na at male-late na ako"  

Kahit na medyo nag aalangan ako sumakay sa motor ni papa ay napilitan pa rin ako, tama nga talaga ang kasabihan na pag ang tao nagipit sa talim kumakapit. Wala akong tiwala sa driving skills ni papa lalo na pag motor ang mina-maniobra nito. Minsan lang naman kasi nito ginagamit ang motor, lalo na sa mga oras nito na late na late na sya. n.n Kadalasan ay ang kotse nito ang ginagamit at sa tingin ko walang araw na hindi tumatambay sa Car shop ang kotse nito.

Halos liparin na ako ng hangin sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ni papa, pakiramdam ko tuloy nasisilipan ako kasi nililipad rin ng hangin ang palda ko, buti nalang pinipigilan ko ito gamit ang libreng kamay ko. Pero ang Buhok ko naman ay parang sinabunutan ng demonyo T.T hindi kasi ako nakapag suot nang helmet.

" salamat po..."

Usal ko kay papa ng makababa na ako, I kiss him on the check bago sya umalis. Lakad takbo naman ang ginawa ko habang panay ang ayos ko sa nagulong buhok Bad hair day eh? ang lagkit!!!      ayyyy.. hindi nga pala ako nakapag shampoo kasi nga nagmamadali ako..

" ahh!"

aksidenteng may nabangga ako dahil hindi naman ako nakatingin sa dinadaanan ko, idagdag pang natatabingan ng bangs ko ang aking mga mata. Automatikong nabitiwan ko ang mga kipkip kong mga libro.

"sorry, ayos ka lang?" 

Napatitig ako sa taong nakabanggaan ko.This guy is breath taking... Ay hindi ko pa pala alam ang ibig sabihin nun, bagay lang syang eh describe sa taong kaharap ko, coz he's so Cool? Hunk? ewan...

"Err, wala sanang problema sa akin ang makipagtitigan buong araw kaya lang may pupuntahan pa ako "

nakangiting sabi nung tao.. napasulyap naman ako sa relo ko O.O 7: 43 .. Lagot!!! late na ako! huhu.. mabilis na sinamsam ko ang mga nahulog na gamit at wala sa sariling umalis.

Yikes hindi man lang ako nakapag sorry gayong kasalanan ko naman kung bakit nabunggo kami..  malayo na ako sa kanya at wala ng oras para balikan ang taong yun para mag sorry.

Napabuntong hininga nalang ako, at binalikan ang imahe ng taong nakabanggaan ko. May sout syang gray na bonnet at may stripe na gray t-shirt rin sa loob ng polo nya na sinadyang nakabukas (buti hindi kinom-fiscate ng disciplinary officer ang t-shirt nya.. bawal kasi mag suot ng civilian pag naka uniporme kami) tapos wala na, may hawak nga pala syang skate board.

 Kung kanina parang kiti-kiti ako sa pagmamadali ngayon naman ay parang may super glue na nakadikit sa sapatos ko... Hindi ko man lang maigalaw ang paa ko, kasi naman sa labas pa lang dinig na dinig ko na ang boses ng terror teacher ko ..paano ngayon yan?

 

Bad Hair dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon