Kc's POV
Nandito ako ngayon sa Park ng Village nila Tito. Naiinggit ako sa mga batang nagsiswing. Buti pa sila, tinutulak sila ng Daddy nila. Mag iisang buwan na pala simula noong mamatay sila Mama. At ilang araw nalang, birthday ko na. First time kong magcelebrate nang wala sila. Ang lungkot pala. Sayang hindi ko mabibigay sa kanila yung medal ko sa painting contest. Isa pa naman sa pangarap ni Papa para sa akin yun. If only they we're here. HAAAAAAAAY Miss ko na sila.
"Bata. Heto oh. Sayo nalang." Sabay abot nung batang lalaki ng panyo. Nagulat ako nung may nakapa akong sticky note na nakadikit pala sa ilalim ng panyo saying, "Stop crying. I can be your playmate "
"Mommy told me to make girls smile whenever they're sad." Dagdag niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Para siyang si Papa. Namimiss ko tuloy lalo siya :'(((((((
"AARRRAAAAAAAAAAYYYY !!!!!" Sigaw ko. "Akala ko ba you can be my playmate then why did you push me ?! Ang bad mo ! Isusumbong kita kay Tito !" At tumalikod na ko sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung bakit niya ako tinulak sa duyan. Nasubsub tuloy ako sa buhangin
Pauwi na sana ako nang bigla niya akong habulin. "HOY BATA ! Teka lang. Bigla ka kasing napaiyak kaya naisip kong itulak ung duyan mo. Kaso ikaw yung naitulak ko. Sorry ^_^"
Hindi ba niya alam yung pagkakaiba ng duyan at tao ? Hindi ba tinuro ng teacher nila yun ? Bahala na nga siya. Nagpipigil pa siya ng tawa niya. Ang bully talaga nitong unano na to. Uuwi na talaga sana ako kaso bigla niya akong hinila at pinaupo sa duyan.
"Bata. Ang pikon mo naman. Natatawa lang ako kasi may alikabok ka sa ilong. Heto oh. Sayo nalang din to. Ang hirap mo naman maging playmate. Kulang na lang ibigay ko sayo lahat ng dala ko ngayon."
Ako ? Favorite ko yung binigay niya eh. Ano pa nga ba ? Eh di ang nag iisang chupa chups
"Thank you Sige playmates na tayo. Ako nga pala si Kc short for Kirsten Chariee Rivera. Teka ang liit mo naman. Ilang taon ka na ? Ako mag te-10 na "
"Chupa chups lang pala katapat mo eh. Teka. Makapagsalita ka namang maliit. Mas matanda pa nga ako sayo eh. Kuya mo kaya ako. Mag e-11 na ko noh " Sabay simangot niya. Ang cute nya magpout. "Nga pala ako si Kris Jared Martinez. Bakit nga pala nag iisa ka dito ? Bago ka rin ba dito ?" Ay ? Bipolar ? Kanina nakasimangot tapos ngayon nakangiti naman. Ang cute cute naman nya ngumiti
"Ah oo. Pero sila Tito Ram matagal na dito. Sa kanila na kasi ako nakatira simula nung isang buwan."
"Huh ? Asan ba parents mo ?"
"Ha? Uhm they died in a car accident almost a month ago." Nginitian ko siya ng pilit na ngiti.
"Hala Kc sorry napaalala ko pa sayo."
"Okay lang. Natatanggap ko na rin naman eh."
"Wala ka bang kapatid ?" Tanong niya habang nakaupo na sa bakal sa gilid ng duyan at itunutulak yung duyang inuupuan ko.
"Wala eh. Only child ako. Ikaw ?"
"May Ate ako. Si Ate Jenny. Malaki na siya eh. Kaya hindi na namin siya kasama sa bahay. Nasa France daw siya sabi nila Mommy."
"Talaga ? Ang galing naman ng Ate mo. Ako rin gusto ko paglaki ko dun na din ako sa France. Alam mo ba ang ganda ganda nung Eiffel Tower. Kinikwento sa akin ni Mama noon na maganda daw talaga dun kaya simula nun, gusto ko nang mapuntahan yun " Masayang kwento ko.
"Parang ang boring naman dun sa sinasabi mo eh. Nakita ko yung picture ni Ate dun sa tower na yun. Parang tower lang naman eh. Anong maganda dun ?"
"Hindi ka lang talaga marunong mag appreciate ng designs ng structures. Si Papa kasi Architech kaya napasa niya sa akin yung talent niya on appreciating structures "
"Okay. Ang boring mo naman kausap. Gusto mo laro tayo sa bahay " Aya nya sa akin.
Naisip ko na magkatapat lang naman bahay namin kaya sumama na ko. Dadaan na lang ako sa bahay para magpaalam kay Aling Rosa, kasambahay nila Tito.

BINABASA MO ANG
Love Inside The Suitcase
Teen FictionChildhood sweetheart ko siya. Ang bata-bata pa kalandian na agad inaatupag diba ? Pero siya lang kasi yung naging everything ko simula nang namatay at iniwan ako ng mga magulang ko. Siya yung naging papa ko, kuya ko, hero ko,at gusto kong maging fir...