Kc's POV
Matapos nila akong ihatid sa gate ng bahay nila, dire-diretso akong pumasok sa bahay namin. Atat na atat na kasi kong magkwento kila Tita Amy sa mga nangyari ngayong araw. Na may bago na kong kalaro, na may bago na rin akong Mommy at Daddy. Kaso wala pa sila. Kaya si Aling Rosa na lang muna yung kinulit ko.
"ALIIIIING ROOOOOSSAAAA ! " Masayang pagtawag ko
"Ay naku kang bata ka. Kalapit lapit mo lang ang lakas lakas pa ng boses mo. Ano ba yun at mukhang masaya ang alaga ko ?" Nakangiting tanong ni Aling Rosa habang nagdidilig ng halaman sa likod-bahay.
"HAHAHAHA. Sorry po May bago na po kasi akong kalaro. Tapos po yung Mommy at Daddy niya ang bait bait sa akin. Sabi pa nga po nila, pwede ko silang maging Mommy at Daddy din " Masayang pagkwento ko.
"Nakuuuu. Ang alaga ko tuwang tuwa
Mabuti naman yun at hindi ka na magiging malungkutin. Sigurado matutuwa rin ang Tito at Tita mo nyan. Teka, yun ba yung batang kasama mo kanina ?"
"Opo Aling Rosa. Ang bait nga po nun eh. Kaso pikon. Tapos pareho pa po kami ng nilalaro sa playstation. Yung Tekken. Naglaro nga po kami kanina eh "
"Ay ikaw talagang bata ka. Ang hilig mo talaga sa mga panlalaking laro. Pasalamat ka't wala ang Tita mo doon kundi kanina ka pa nakurot nun."
Oo nga pala. Ayaw nga pala ni Tita na maglaro ako ng ganun. Mas bagay daw kasi sakin na maging kikay. At ang isang batang kikay daw ay hindi naglalaro ng mga panlalaking laro. Kaya puro Barbie yung makikita nyo sa bahay. Nakakaumay pero ganun talaga sa Tita eh.
"Wala naman po siya eh. Tapos minsan lang naman po ako maglaro nun kaya pagbigyan mo na ko. Tsaka wag nyo na lang po akong isumbong Aling Rosa. Please ?" Pagmamakaawa ko.
"Ano yun ?" Tanong ni Tita Amy
Hala ?! Nakarating na pala sila ? Bakit hindi ko namalayang nakaupo na pala si Tita dun sa parang bench ? Narinig kaya niya yun ? Lagot na. Malamang pag nalaman niya yun. Hindi na ko papayagan nun pumunta kila Jared. Takot kasi si Tita na matulad ako sa pinsan kong naging tomboy eh.
"Ah Ma'am kasi itong si Kc nangapit-bahay po. Kaibigan niya na po kasi yung anak nung bagong lipat dyan sa tapat. Eh medyo kauuwi lang kaya sabi niya wag akong magsumbong baka kasi magalit kayo." Pagpapalusot ni Aling Rosa. Buti na lang
"Ah ganun ba ? Wala yun Kc. Buti nga yun at may naging kaibigan ka na rin dito. Yun ba yung anak ni Mr. Martinez ?" Tanong ni Tita
"Kilala niyo po sila ?" Gulat na tanong ko. At tumabi na sa kanya sa upuan.
"Oo naman. Schoolmate namin sila ng asawa niya since High School kaya medyo close kami. Business partner din namin sila ng Tito Ram mo." Sagot naman ni Tita na nakangiti pa. Parang may naalalang maganda sa past nila
"Ah oo nga pala. Nabanggit nga pala ni Tito Jayson yun kanina. Napagkamalan pa nga po nila akong anak niyo eh."
"Talaga ? HAHAHAHA. Nakakatawa siguro yung moment na yun. Para pa namang tanga yun pag may bagay na hindi maintindihan."
"Oo nga po. Para siyang bata na nagtataka kanina. Tapos po yung asawa po niya ang ganda. Bagay nga po kayong maging sister eh."
"Ay ikaw talagang bata ka. Ang bolera mo. Maganda talaga yun. Dati kasi nung High School pa kami, noong wala sa sa eksena yung Tito Ram at Tito Josh mo, siya lagi yung muse namin at ako naman president. Tamad kasi yang si Jenna. Pero nung nakilala niya si Josh, ayun. Nagbago." Natatawang kwento ni Tita.

BINABASA MO ANG
Love Inside The Suitcase
Teen FictionChildhood sweetheart ko siya. Ang bata-bata pa kalandian na agad inaatupag diba ? Pero siya lang kasi yung naging everything ko simula nang namatay at iniwan ako ng mga magulang ko. Siya yung naging papa ko, kuya ko, hero ko,at gusto kong maging fir...