Jared's POV
Kararating lang namin ngayon sa bahay. Pumunta pa kasi kami sa bahay nila para magpaalam na dito kami maglalaro. Nasa office naman sila Mommy kaya kami lang nila Yaya Melba ang nandito.
Nakakatuwa nga asarin 'tong babaing to eh. Medyo mature na kasing mag isip kaya medyo mainitin yung ulo lalo na pag nangungulit ako. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun siya mag isip. Maaga siyang naulila. Kaya maagang namulat sa tunay na mundo. Ako ngang hindi naulila, matured na mag isip eh.
"Hoy bata ! Natatalo na kita oh" Puna niya habang abala sa pagpipipindot sa joystick ng playstation sa naglalaro ng Tekken.
Oo nga natatalo na ko. Masyado kasi akong nadala sa idea na para siyang ni Ate Jenny. Namatayan kasi si Ate Jenny ng Boyfriend kaya alam ko kung gaano kasakit mamatayan ng minamahal kasi nakita ko noong depressed pa si Ate.
"Hoy asa ka naman. Binibigyan lang kita ng time. Kasi pag ako na ang sumugod, talo ka na." Sagot ko.
"Talo ka na kaya. Nagyabang ka pa "
"HOY AN-- Oo nga noh ? HE-HE-HE ^_^v" Takte. Oo nga noh ?
"Madaya ka kasi !" Dagdag ko. Nakakahiya naman kasi. Natalo niya ko sa Tekken. Si Ate Jenny nga hindi pa ko natatalo.
"Anong daya dun ? WAG NA NGA TAYONG MAGLARO !"
"DI WAG !"
"TALAGA ! UUWI NA KO !"
"EH DI UM--"
"Bakit nagsisigawan ? Kris Jared Martinez ! d Didn't I told you not to shout especially on a girl ?" Sabat ni Daddy. Napatayo naman kaming dalawa ni Kc sa gulat. Mukha pa ngang natakot si Kc kay Dad eh.
"Uhm Hija, you don't have to be scared. Hindi naman ikaw pinapagalitan ko eh Anyway, magclassmate ba kayo ni Jared ?" Dagdag ni Daddy
"Ah eh hindi po." Sagot ni Kc. Mukhang takot pa rin. HAHAHAHA. Para siyang nakakita ng multo na papalapit sa kanya.
"Kris why are you smiling ? Dont tell me she's your girlfriend" Nakangiting sabi ni Daddy. Takte. Hindi ko namalayang napangiti na pala ako ah.
"Daddy ! Hindi noh. Siya po yung nakatira dun sa tapat natin."
"Suuuuuuuus. Yung anak ko binata na." Singit ni Mommy.
"MOMMY !" Nakakahiya ah.
"What ?! I'm just kidding baby okay ?" Sagot ni Mommy
"I'm not a baby anymore "
"So why dont you just introduce your new friend then?" Saad ni Mommy na may halong panunukso.
"Tanungin nyo na lang po siya. Kakain lang po ako" Sabi ko sabay walkout. Iniwan ko na si Kc dun sa sala na nakatayo pa rin. Bahala na siya. Sila Mommy naman, pinagkaisahan ako. Nakakainis. Sabagay, first time ko kasing magdala ng kaibigan dito sa bahay. Tapos babae pa.
Narinig ko na lang na nagtatawanan sila sa sala. Kaya nakinig na lang ako habang kumakain ng chupa chups. Favorite ko to eh :)))
"Talaga ? Natalo mo si Kris sa Tekken ? HAHAHAHAHA. Himala. Hindi kasi nagpapatalo yun dun eh." Natatawang sabi ni Daddy.
"Uhm opo eh. Nagyabang pa nga po siya kanina tapos hindi niya alam talo na po pala siya. Pinagbintangan pa nya po akong nandaya" Sagot naman ni Kc
"Hahaha. Yung batang yun talaga manang mana kay Jayson." Sabat ni Mommy
"Anong mana sakin ? Jenna mabait po ako Gwapo pa " Angal ni Daddy
"Sus. Okay. Sabi mo eh " Sabi ni Mommy.
Sila Mommy talaga parang bata kung minsan. Samantalang kami nila Ate tinuturuan nilang maging mature. Lalo na daw ako kasi lalaki daw ako. Sabi kasi ni Daddy, I should be responsible man even in an early age. May magagawa ba ko ? Kaya heto ako, 11 years old pa lang, matured na mag isip. Sadyang makulit lang ako kaya hindi halata
"Nga pala Hija, anak ka ba nila Ram ? Business partner kasi namin sila and hindi ko alam na may anak na pala sila." Tanong ni Daddy
"Ah hindi po tito. Kapatid po ni Tito Ram yung Papa ko. Sa kanila na po ako tumira since mamatay sila Papa last month." Sagot ni Kc na may halong lungkot na pilit niyang tinatago
"Awww. Baby we didn't know that. We're so sorry. Don't worry, We can be your 3rd family " Pagcomfort ni Mommy
"Okay lang po Tita. Tanggap ko na rin naman po eh Tsaka masaya na rin naman po ako kasi Tito Ram and Tita Amy treat me like their own daughter. At madadagdagan pa ngayon yung Mommy at Daddy ko " Pilit na tuwang sabi ni Kc
"That's great There's always a reason for everything. I know it hurts but it is all about acceptance. Anyway, what grade are you now Kc ? Baka pwede kayong magkaklase ni Kris. Lilipat na kasi siya dyan sa La Classe Moyenne International School since kararating lang ng mga credentials niya from States." Pag iiba ng usapan ni Daddy.
"Grade 4 pa lang po ako Tito Joshua eh. Mag te-10 pa lang po ako eh. Tapos si Jared mag e-11 na po na po ata. Pero Tito September na po ah. Pwede pa po siyabg lumipat ?"
"Oo naman. International school naman yun eh. Sayang nga lang at hindi kayo magiging magclassmates."
"Ahhh. Say--"
"Wait lang guys. Maghahanda lang ako ng merienda." Pagputol na sabi ni Mommy
"Sige po " Tuwang sabi ni Kc
At umalis na nga si Mommy sa sala. Ngayon ko lang nakitang nakangiti ng hindi pilit si Kc. Nakakatuwa naman. Lagi kasi siyang malungkot tuwing nakikita ko siya sa Park.
"Oh Kris. Baka matunaw si Kc nyan ah." Natatawang sabi ni Mommy.
Grabe lang. Hindi ko namalayang nakarating na pala si Mommy dito sa kusina. Ganun ba talaga ako katigtig sa kanya ? HAAAAY. Asa naman.
"Hoy Kris ! Baka sabi matunaw. Grabe ka na makatitig eh. Anong gusto mong merienda ?" Tanong ni Mommy
"Hindi naman po ako sa kanya nakatingin. Kahit ano na lang po." Matamlay na sagot ko
"Pikon ka talagang bata ka. Heto na pala yung tuna sandwhich. Dalhin mo na lang nung pitsel sa sala para makakain na tayo." Utos ni Mommy
Di nagtagal pagkatapos kumain. Nagpaalam na si Kc na uuwi na daw siya. Maya maya daw kasi uuwi na yung Tito niya. Kaya hinatid na namin siya sa gate. Kitang kita naman kay Mommy yung kasiyahan niya na may ituturing na siyang Baby Girl. Hindi na kasi magkaanak si Mommy eh. Si Ate naman, malaki na.
Nakakapagod nga lang tong araw nato pero worth it naman kasi may bago na kong friend or should I say, my kaibigan na rin ako sa wakas. Ang papangit kasi ng ugali ng mga kaklase ko. Siguro kasi magkaiba yung nationality namin kaya di ko sila makasundo.

BINABASA MO ANG
Love Inside The Suitcase
Teen FictionChildhood sweetheart ko siya. Ang bata-bata pa kalandian na agad inaatupag diba ? Pero siya lang kasi yung naging everything ko simula nang namatay at iniwan ako ng mga magulang ko. Siya yung naging papa ko, kuya ko, hero ko,at gusto kong maging fir...