"Parang ganun na nga.. pero independent! HAHA"
"Bakit si Kenji?! Ang sama sama kaya ng ugali nun!! Masyado siyang bastos mag salita, walang galang!"
"Teka, sinabi ko namang dati diba? wag kang mag alboroto dyan! RELAX!"
Alboroto? NOSEBLEED.
"Hinde ko nga rin alam kung bakit naging crush ko yan eh, ang gwapo kasi eh! Kahit mukha pa siyang ga--
"Gangster?"
"Mismo! Pero mabait yan! Magkakilala na ba kayo? Ipapakilala kita."
Oh yeah.. we know each other, right? and I LOVE his attitude. Yeah right.
"Hinde ok lang. magkakilala na kami."
"Ah, oo nga pala seatmate mo siya. Alam mo bang ikaw lang yung pangalawang taong nakatabi niyan sa classroom?"
Pangalawa? Bakit? Sa bagay.. napansin ko siya lang magisa sa row kanina.
"Bakit? Sino yung una?"
"Si Athena. Athena Abigail Tizon tunay niyang pangalan."
Siya yung Athena na akala niya ako.. magkatunog pa kami ng surname Dizon.. Tizon.. Ang weird ha. pareho na nga ng pangalan magkatunog pa ng surname!
"Ano niya yun? Maganda ba? Schoolmate ba natin?" napaka tsismosa naman ni Sara! Lahat kinuwestiyon na!
"Ex-girlfriend niya. 3 years din sila nun! Maybe 4? Basta. Oo, schoolmate natin. Maganda? Hmm.. Mas Maganda si Athena" sabay turo sakin, "Pero malakas kasi yung dating ni Athena eh.. Abigail pala. maraming nagkakandarapa dun kahit nung sila pa ni Kenji! Pero may boyfriend na siya na bago, GWAPO rin!! Lucas pangalan, taga kabilang school lang."
"Ang swerte naman niyang Athena na yan. Dalawang gwapo naging boyfriend. Tsktsk."
3-4 years? Ang tagal din nun, siguro naging mahirap para kay Kenji na magbreak sila kaya siguro ganun na lang siya mag habol. Teka, bakit pinag tatanggol ko yung lalaking yun?? I'm sure siya may kasalanan kung bakit sila nag break! Nagsawa siguro yung Athena sa pakikipag away ni Kenji sa mga taotao.
Ang weird. Pagsinasabi kong Athena, feeling ko sarili ko yung tinutukoy ko. EW hinde ko maimagine na kami ni Kenji. EW EW EW.
Pero ang sabi ni Grace, may bagong boyfriend na si Athen--Abigail. Lucas? Gwapo daw eh, panong gwapo? Kasi kung gwapo parang Kenji, well he's not gwapo at all. Naiintriga na tuloy ako kay Abigail, Kenji at dyan sa Lucas na yan..
Chapter THREE
Nag ring na yung bell, ibig sabihin tapos na yung break. May 3 subjects pa kami bago mag lunch. Ibig sabihin tatlong oras ko pa makakatabi si Kenji.
Practical Art yung next subject, ibig sabihin sa computer room kami. Alphabetical yung pag assign, ang sama naman talaga ng taon ko na to. Si Kenji na naman ang katabi ko, since delos Reyes siya at Dizon ako.
Wala namang pinagawa samin yung teacher kung hinde pagamitin lang kami ng internet. Etong katabi ko naman, nakita ko nag lalaro.
"Ano na naman tinitingin tingin mo ha?"
"Anong nilalaro mo?" maayos na tanong ko.
"Pakialam mo ba!?" wala talaga siyang kwenta.
"Sumagot ka na lang."
"Dota."
Dota? Anong klaseng pangalan ng game yan?! DOTA. Wtf? Pero mukhang corny yung game, kaya hindi ko na siya pinanood mag laro.