Chapter FORTY FIVE
Tatlong araw ng nasa ospital si Abi, si Kenji hinahati yung oras niya sa akin at ang pag bisita niya dun. Nagpapaalam naman siya sa akin na dadalaw muna siya dun bago siya umuwi. Hinde naman ako pupwedeng maging madamot dahil yun lang naman yung hinihiling niya.
Medyo nakakaselos.. pero ewan ko.. parang ayoko na lang ipahalata. Wala naman siyang pinapakitang sign like what he did last year. Para parin siyang si Kenji.. pero parang ang weird lang para sa akin kasi may past silang dalawa.. tapos yung nangyari dati pa. Alam kong nahihirapan at napapagod siya araw araw dahil kasama ko siya maghapon tapos bago siya umuwi dadaan siya sa hospital. Kahit hinde niya sabihin sa akin, alam kong napapagod na siya..
"Lucas, napuntahan mo na ba si Abi sa hospital?"
Binaba ni Lucas yung binabasa niyang libro tapos tumingin sa akin, "Hinde pa. Bakit? Tsaka na ko bibisita pag palabas na siya. Nakakatamad eh."
"Ah ganun ba..." sabi ko habang naka tingin sa cellphone ko.
Ayan na naman yung pa-cool niyang sagot. Lagi na nga siyang nag babasa ng libro tapos ang sama pa lagi nung reply niya. parang ang laki ng pinag bago niya simula nung grumaduate kami. Tsk tsk. Yan ang tinatawag na 'nagbibinata'.
"Bakit? May problema na naman ba kayong dalawa? Alam mo kung gusto mo siyang hawakan sa leeg ngayon at hinde na siya mag punta pa sa iba, sabihin mo sa kanya yung sakit mo. Pero dalawa ang pupwedeng mangyari dyan eh. It's either mag sstay siya, or iiwan ka niya."
Napaisip na naman ako sa sinabi niya. Bakit ba lagi na lang may point yung mga sinasabi niya? Kelangan bang lagi na lang akong mapaisip tuwing seryoso kaming naguusap?
"Wala naman kaming problema.. siguro ako lang yung nag iisip. Bakit naman ganun.. hinde ba pwedeng mag stay na lang muna siya kahit sandali lang? Bakit kelangan may isa pang option? That's so mean."
"Alam mo Athena, karamihan sa mga lalaki ayaw ng mabibigat na responsibility. Tingnan mo, diba maraming single nanay? Kasi yung mga lalaki alam nila na once na mag stay sila sa relationship na yun, malaki na yung responsibilidad nila. Mababawasan na yung masasayang araw nila. Yung ibang nag sstay, pero eventually.. nagsasawa na." ngumiti si Lucas, "Malalaman mo na lang kung dedicated sayo yung tao pag alam niyang walang wala ka na. Yung tipong, galit na sayo yung buong mundo pero nasasatabi mo parin siya. Hinde ko alam ha. Pwedeng mali ako, pero pwede rin akong maging tama."
Natulala ako sa sinabi ni Lucas, hinde ko na mas lalalong alam kung ano yung gagawin ko. Hinde ko alam kung tama pa ba yung mga gagawin ko.. pero gusto ko siyang tanungin. Gusto ko malaman..
"Ikaw ba.. ngayong alam mong may sakit ako.. is it still possible for you to continue.. loving me?" napaisip ako sa sinabi ko. Parang mali yung tanong ko sa kanya, parang iba yung datingnung tanong ko, "I mean, Is it still possible for you to you know.. like me?"
Lucas looked straight to my eyes. Yung pag tingin niya sa akin makikita mo yung sincerity at puno ng unsaid feelings.. ok I'm just assuming. Feeling ako eh.
"Yeah, it's possible. And.. It didn't change.." he smiled, "at all."
I smiled back at him. At least alam kong meron pang tumatanggap sa akin kahit na iwanan ako ni Kenji. I will not use Lucas, of course. Alam ko lang na may matatakbuhan na ako kahit tumalikod sa akin yung pinaka importanteng lalaki sa buhay ko. Cheesy.
After ng class namin ni Lucas dumeretso na kami sa bahay nila Kirby. Nandun na silang lahat, kami na lang pala iniintay nila. Si Kenji siyempre sinalubong ako ng MALAKING hug. Hinde naman pupuwedeng hug lang yung salubong niya, may kiss din yun. Oo, aminado akong kinikilig pa rin ako pag ginagawa niya yun. At sa tuwing ginagawa niya yung sa tapat nila, puro asar naman abot ko. Pero ngayon, parang ang hassle lang kasi sa napagusapan naming ni Lucas. Medyo nakokonsensya ako..