BESTFRIEND, mahal kita!

52 1 0
                                    

May magbasa man o wala, okay lang sakin :D kasi this is just an experiment. -Ishimaru

a story of best friends turns to lovers

Chapter 1: 

Ako si Macy at 1st day of School ko dito sa Technological University bilang college student, Kinuha ko yung class card ko at nagtanong kay manong guard kung saan yung classroom ko. Sabi niya sa akin, "Miss, building A, room 203." sumagot ako kay manong guard, "Thanks manong!" 

Pagpasok ko sa room 203, may mga tao dun. Pero kaunti pa lang. Napansin ko close na yung teacher namin sa mga students na kasama ko, nagtaka ako kasi dapat puro noobs kasama ko. (noobs=baguhan). So I checked my class schedule again, and na shock ako, lumabas ako sa room agad agad. Pero syempre nagpaalam ako, "Ma'am excuse me, maling room po ako." 

Kinuha ni mam yung class sched ko, sabi niya sakin, "Ahm so Miss akyat ka upstairs, then makikita mo dun ang Computer Laboratory 2, that's your classroom." Grabe nakakahiya mali yung room na napasukan ko. HAHAHA Imagine, naligaw agad ako. buti mabait si mam. Umakyat nako sa taas at bumungad sakin ang Computer Laboratory 2. Pumasok ako at inabot ang class sched sa teacher na nasa harapan. Di niya sinoli ibig sabihin eto na nga iyong room ko. Infairness ang lamig! umupo ako sa 3rd row at as expected mapapaligiran ako ng lalaki. on my left and right side lalaki, harap likod lalaki. ano ba yan. 

*kkkwwweeeeeeekkkkk*

Bumukas yung door, may pumasok na student parang namumukhaan ko siya, teka di ba si Kervin yun? Schoolmate ko si kelvin sa pinanggalingan kong school. "Kervin! Buti andito ka." Late si Kervin kaya nasa bandang likod siya.  "Ganun talaga!." sabi niya. Nagisip ako ano kaya course niya? Edi tanungin ko. "Kervin, ano course mo?" Engineering din kaya siya? Sumagot siya kaagad, "Computer Engineering, ikaw?" ahh CoE pala siya. "ECE ako. " sabay ngiti. Di na kabago-bago yun, magaling si Kervin pagdating sa computers, sa alma mater palang namin bihasa na siya.

Nagsalita na ang teacher sa harap namin, and nagumpisa na ang klase, sa malamang lamang puro pakilala. kahit sa iba naming subjects puro pakilala. hayst. Uwian na! half day lang kami eh. Grabe first day pero wala pakong friends. Sabi ko kasi sa sarili ko, "Ngayong college student na ako, hindi ako magpapakopya, hindi ko tutuluingan mga classmates ko kung may kailangan sila sa akin." 

Preliminaries, mukhang ok yung plano ko, nagwowork naman. Kahit sinasabihan nila ako na sobrang damot ko daw sa mga sagot ko at ayaw ko magshare sakanila. BAHALA SILA! bwahahaha! pinaghirapan kong mag-aral tapos mangongopya lang sila? Kapal ah!

BESTFRIEND, mahal kita!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon