Kerr Raigor's POV:
Pagdilat ng mga mata ko ay puro kadiliman lang ang nakikita ko.
Wala akong makita...
Nasaan ako?
Dumilat ang mata ko at nakita ang kahariang sira-sira.
Wala na ang lahat?
Anong nangyari?
Nangyari ba ang digmaan habang tulog ako?
Nakikita ko lamang ay mga patay na nakabalandra sa lupa at mga bato na san-san nakalagay.
Bakit ganito ang nangyari?
Wala akong ginawa kundi kinuha si Caliber at isinaksak sa aking dibdib. Kita ko ang mga dugo na umaagos galing sa dibdib ko. "Ito na ang huling hininga ko."
18 years later...
*****
Squall's POV:
"Kal?!!, tao po?", isang lalaking kumakatok sa mansyon namin.
Tumayo kaagad ako at simulang maghilamos.
"Kal?!!", paulit niyang sinabi.
"Teka lang", sagot ko.
Pagkatapos maghilamos ay pumunta sa pinto upang buksan.
Si Rhemas iyon.
"Ano ba pupunta ba tayo?", tanong niya.
Nakapormal siyang suot at handa na para sa shooting.
"Ay... Teka lang...", sagot ko.
"Pasok ka muna."
Pumasok siya at ipanaupo ko siya sa sofa. Dali-dali akong pumunta sa wardrobe upang kunin ang damit ko. At naligo ako ng labing-limang minuto at nagbihis na ako.
"Ready ka na ba?", tanong niya.
"Malamang." Nakakaasar na lang lagi na paggising ko may kumakatok sa pinto.
Papunta na kami sa shooting area namin sa Resort World. Biglang huminto na ang kotse at bumaba na kami.
"Y-yaaahhhhh!!! Andyan na si crush", sabi ng mga babaeng nasa Resort.
Hay... naku ang hirap talagang maging gwapo.
Bakit naman kasi mukhang pakshet tong mga kasama ko?
Pumasok na kami sa kwarto kung saan karaniwang kami nagroroleplay.
"Lights, CAMERA! ACTION!!!", sigaw ng direktor.
*****
Rhemas' POV:
Nandito ako sa pintuan ni Sir Squall Leonhart na nagbabantay sa kanila.
Nakita ko ang isang babaeng mukhang kontrabida ang suot na papalapit samin.
"Ang prinsipe?", tanong niya.
"Baliw ka ba?!!, walang prinsipe rito...", sagot ko.
Itinaas niya ang kamay niya at nagkaroon itong bilog na enerhiya.
"A-ano yan?", tanong ng kasama ko.
"Ibibigay mo ba ang prinsipe?", tanong niya.
Tumingin ako sa enerhiya at nakaramdam ng antok.
Anong nangyayari?
Ba't hinahantok ako?
Biglang bumagsak kaming dalawa at di ko na alam ang nangyari susunod...
*****
Squall's POV:
Kakaiba ang pakiramdam ko. Lumiliwanag ang pendant ko na iniwan sakin nung bata pa ko.
"Baaagghhh!!!"
May narinig akong ingay mula sa labas. Pumumnta ako sa pinto upang tingnan ang nangyari.
Pagkabukas ko, may nakita akong babaeng pang kontabida ang damit. Nakahiga naman ang dalawang guard na parang natutulog sa sahig.
"Sumama ka na sakin, prinsipeng Squall", sabi ng babae.
"Walang masamang mangyayari kung sasama ka", pahabol pa niya.
Sino tong babaeng to? Di ko naman siya kilala pero alam niya ang pangalan ko.
"S-sino ka?", tanong ko.
Napatingin ako sa enerhiyang ginagawa niya ay simulang antukin.
"Ba't ako nahihilo?", tanong ko sa sarili ko.
Bumagsak na lang ako nang hindi ko napapansin.
*****
