Opus 3
Kerr Raigor's POV:
Nagising na lang ako na nakahiga sa kama. Tumingin ako sa paligid at makaluma ang kwarto na ito.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad-lakad. Alam ko itong lugar na ito, pinagsisilbihan ng mga pharaoh, ang mga taong nagdadasal sa mga diyos-diyosan. Lubos na makangpangyarihan sila at naititigil nila ang oras.
May isang tao na pharaoh na lumapit sakin. Hinanda ko kaagad si Caliber.
"Hindi ako kaaway, andito lang upang tulungan ka sa nakaraang digmaan", sabi niya.
Mabait naman pala ang pharaoh na to. Binaba ko na si Caliber.
"Sundan niyo po ako, kamahalan", utos niya.
Sumunod ako para maalaala ang nangyari nung nakaraang digmaan.
Napunta na kami sa isang confession room at lumapit kami sa isang fountain.
"Kung gusto mo malaman ang nangyari nung nakaraang digmaan, ilublob mo ang mukha mo sa fountain na to", paliwanag niya.
Nilublob ko ang mukha ko at nagsimulang malaman ang nakaraan.
*****
Sochelia's POV:
Dinala ko na ang magiging prinsipe sa kahariang Valhalla upang masimulan na ito.
Nang makarating na kami sa Valhalla ay pumunta ako sa kama at inihiga siya.
Ang gwapo naman pala ng batang to pag natutulog.
Hinawakan ko ang dibdib niya pababa ng pababa.
Nang malapit na, nagising siya bigla at ipinalaho ko muna ang sarili ko upang hindi ako mapansin.
*****
Squall's POV:
Nagising ako dahil ako'y nagugutom na.
Hah... DAFUQ!!! Gutom na ko!!!
Teka lang saan ako natulog?
Kaninong kwarto to?
Biglang may lumabas na babae.
Yung babaeng nakita ko kanina!!!
"Anong karapatan mo para dalhin ako rito??!!", galit kong tanong.
"Pasensya na prinsipe, wag ka na lang magalit."
Prinsipe??? Ako??? Saan???
"Gutom ka na ba?", tanong niya.
"Ahh...", ayokong sabihin ang totoo.
"Ito, gusto mo ba ng lazzo piazzo (rainbow fruit)?"
Kinuha ko na lang dahil sa sobrang gutom ko.
Sinimulan ko ng kagatin. AHHMMM!!!
HELLLLL YEAAHHH!!! Ang sarap!!!
Ngayon ko lang ito nakain parang paraisong punong-puno ng anghel na pagsisilbihan ka.
Kaso nga lang... Parang nahihilo na naman ako.
"Ano ba to? Sleeping fruit?", tanong ko sa sarili.
Bumagsak ako ta nakatulog...
*****
Sochelia's POV:
Napatulog ko na ang mahal na prinsipe. Ngunit natatakam ako sa pisikal na kaanyuan niya.
Mas gwapo siya kaysa kay Prinsipeng Kerr Raigor at mas atraktib siya sa kanya.
Dahan-dahang dumikit sa kanya at binuhat papuntang kwarto. Naghintay na makarating ang buwan bago ko gagawing bampira ang batang to.
Dumating na ang gabi at panahon na para gawin tong bampira. Dahan-dahang lumapit sa leeg niya ay inilabas ang aking pangil.
One,two,three... Kinagat ko na siya sa leeg.
Mmwwaaaakkkk!!! Ang tibay niya hindi siya nagising sa kagat ko.
Dumikit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
Idinikit ko ito sa aking dibdib at dahan-dahang idiniin ito.
SSHHIIIIITTTTTT!!! ANG SARAP!!!
Ahh... Ayoko na... Ayokong abusuin ang mahal na prinsipe.
Lumabas na lang ako at naghanap ng mabibiktima.
*****
Kerr Raigor's POV:
Unti-unting nalalaman ko na ang nakaraan.
Nakita ko ang mga garwulf na sumusugod at nakikipaglaban sa mga alagad ko.
Inuubos nila ang mga kawal ko na parang kawawa. May mga catapult sila na sinisira ang mga pader ng aking kastilyo.
Isa-isa pinatay ang mga sumuko na katauhan ko.
Ahh... Nakakaawa sila parang pulubi na pinapatay lamang.
Bakit nangyari to, tulog ako?
Ba't hindi ko naagapan kaagad?
Ako ang prinsipe ng Valhalla na dapat magprotekta sa kaharian ko...
Ba't sila pa? Pwede namang ako na lang?
*****
Squall's POV:
A-aaarraayyyyy!!! Ang sakit ng leeg ko!
Pagtingin ko sa salamin, may bakat sa leeg ko at ito'y namamaga. Nagmadali akong makaalis sa bahay na ito. May nakita na akong at pumunta ako doon.
Dali-daling binuksan ang pinto.
Ang tirik ng araw! Whoo!! Naghanap na ako na masasakyan ngunit parang palasyo ito. Nagtanong ako sa mga tao rito.
"Sakay nga po, sa Makati City lang po", sabi ko.
Ngunit hindi siya sumagot at nilayuan pa ko.
Naglakad-lakad muna ko at may nakitang palasyo nangangalang Valhalla Kingdom. Pumunta ako rito upang magtanong.
Nakarating na ako at may nakitang babaeng napakaganda na naglalakad.
"Ate, saan po yung Makati City?", tanong ko.
Ngunit dire-diretso lang siya paglalakad.
"Ate, anong pangalan mo?"
Lumingon na siya sa akin at sinabing
"Ako si Yuki Ansario, prinsesa ng kahariang Valhalla", sagot niya.
Wow! Prinsesa ka pala? Galing nuh???
"Napapansin kong tao ka at hindi ka bampira."
"Sino ka ba?", galit niyang tanong.
Sheetttt!!! Mataray pala siya... Magagwapuhan ka rin sakin.
"Ako po si Squall Leonhart", sabay kindat.
Parang nagulat siya sa pangalan ko at nagtanong ulit.
"Taga-earth ka ba?", tanong niya na naman.
"Opo." Naglakad siya at sinundan ko naman siya.
*****
Yuki's POV:
Siya kaya ang anak ng Diyos ng Digmaan?
Patuloy kaming naglalakad sa bahay ng isang Konde.
"Tok!Tok!Tok!Tok!" Kumatok ako sa pintuan ni Konde Crique.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Konde Crique.
"Magandang tanghali, Konde Crique", bati ko.
"Magandang tanghalin rin", bati niya.
"Pasok kayo." Pumasok kami at uminom ng tsaa.
"Gusto ko lamang maidala tong kaibigan ko sa Earth", utos ko.
"Ako po si Squall Leonhart", wika ni Squall.
Siya ay kumuha ng rosetta stone at gumawa ng dimensional portal.
"Tara na", sabi ni Konde Crique.
Si Squall Leonhart kaya ang anak ng Diyos ng Digmaan?
*****
