Opus 4: Caliber

15 2 0
                                    

Opus 4

Squall's POV:

Kasama ko si Konde Crique na palipat-lipat sa mga dimensyon. Hindi na lang ako umiimik.

Nakapunta na rin kami sa Earth.

"Salamat po", pasasalamat ko.

"Walang anuman", hatid niya.

Bigla na lang siya naglaho. Naghanap na lang ako ng masasakyan at nagbiyahe papuntang Makati.

Nakarating na ako sa Makati este baya ko. Nakakagulat dahil maraming tao at reporter na nagkakaguluhan sa pintuan ng mansyon ko.

Pagkahinto ng sasakyan, marami kaagad ang lumapit sakin. Lumabas ako.

"Anong nangyari?", tanong ko.

"Sir Squall Leonhart, saan ka nagpunta?", tanong ng isang reporter.

"Ano?", tanong kong nagtataka.

"Nawala ka po ng isang linggo", sagot ng isang reporter.

Nakakagulat... Isang linggo kaagad ang nawala eh... Parang tatlongpung minuto lang ang nagastos ko dahil alam kong may shooting pa ako.

Hindi ko na lang sila pinansin at patuloy na lang ako sa mansyon.

Pagpasok ko, nagriring ang telepono. Lumapit ako at sinagot ito.

"Hello...", bati ko.

"PUTAANGGG INNAAA MMOOO!!!", sabi ng direktor ko.

"Problema mo?", tanong ko.

"Gago ka ba? Di mo ba alam na naubos ang popularity natin? Dahil sayo!!! Wala na ang pelikula natin!!!", katwiran pa niya.

"Ehh... P-PAKKK YUUU KKAAAAA EEHHHH!!!", pabalik kong sinabi sabay baba ng telepono.

Tangina naman... Matutulog na nga lang ako...

*****

Kerr Raigor's POV:

Ako'y sandaling nasa labas ng mga Pharaoh's Dorm. Nakatulala dahil nag-iisip ng nakaraan.

Wala akong magawa sa mga nakaraan.

Puro hustisya, hustisya at hustisya ang nasa isip ko...

"HAHAHAHAHA!!!!"

Sino iyon? Si Sarian Bluer, ang prinsipe ng kahariang Garwulf?

"H-hahahaaa!!! Tama! Ako nga si Sarian Bluer ang prinsipe ng Garwulf."

Nagpakita siya na may kasamang malaking lobong halimaw.

"WALANGHIYA KA!!! Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang kahariang Valhalla", sinigaw ko.

Inihanda ko na si Caliber upang atakihin siya.

"Atakihin mo siya, HAHAHA!!!"

Lumapit sakin ang malaking lobong halimaw at hinampas ako.

"PAKKKK!"

Tinamaan ako at tumalsik ako sa puno.

Aahhh... Ang sakit...

Tumayo kaagad ako at sinapak ang lobo. Napalayo siya sa lakas ng suntok ko.

Pagkatapos nagSANGE MODE na si Caliber.

Sange Mode ay isang kapangyarihan ng isang espada na nagiging sunog ang talim nito.

Sabay itinaga ko ito sa lobo ng sobrang lakas. Halos pati ang lupa ay nadamay. Nahati ang lobo sa dalawa at unti-unting nasusunog ito. Naghihingalo ako at lumapit kay Sarian Bluer.

"HAHAHAHA!!! AKALA MO BA MAPAPATAHIMIK MO KO!!! SARILI KO LANG ANG KAYANG PUMATAY SAKIN!!!" sigaw niya sabay tawa.

Lumapit ako nang dahan-dahan sa kanya at tumalon palapit sa kanya upang atakihin siya.

Ngunit bigla siyang nawala, pagkatingin ko sa likod, sinuntok niya ako ng malakas. Sabay tinaga niya ako sa balikat.

"AHHHH!!!", sigaw ko.

Nagbato rin siya ng malaking enerhiya sa akin habang nakahiga ako.

"BOOMM!!!"

Ramdam ko na dumidikit na ang anino ni Caliber.

Wala na kong kontrol sa katawan ko...

*****

Squall's POV:

"Tok!Tok!Tok!Tok!", may kumakatok na naman. So alam niyo na ang gagawin ko. Naghilamos kaagad at nagmumog. Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.

"Hello Kal!", sigaw ng girlfriend ko na si Mitzces.

"Hello din", bati kong matamlay.

Ang ganda niya talaga. Mahal na mahal ko siya. Siya ay nakaputing blouse at brown na leggings. Para siyang Koreana.

"Bakit, baby ko?", tanong niya.

"Ahh... Wala."

"Pasok ka muna"

Pumasok kaming dalawa at ako'y nagsimulang maligo, magtoothbrush at magbihis. Paglabas ko, andun siya sa sofa nakatingin sakin.

Ang cute niya!!!

"Bakit?", tanong ko.

"Wala...", sagot niya.

Dumikit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.

"I love you, Mitzces."

"Love you, too."

Sinama ko siya sa grocery store upang bumili ng mga bagay na kailangan. Sumakay kami sa kotse ko at siya ang nagmaneho.

Nakarating na kami at bumili ng cereal, prutas, chocolate, mga gamot at iba pang gamit.

Dumikit sakin ang isang babae at may sinabi sakin.

"Kuya, ang gwapo mo", sabi niya.

Lumayo na lang ako sa kanya at dumikit kay Mitzces.

"Tara na, Mitzces."

Umuwi na kami at kumain ng cereal at prutas.

"Yung chocolate, iyo na yan", ibinigay ko ang chocolate.

"Thank you!", sabay halik sa pisngi ko.

Ang ganda niya talaga, promise! Patay na patay talaga ako sa kanya.

Hinawakan ko ang pisngi niya at niyakap siya.

"Kal, uuwi na ko", sabi niya.

"Uuwi ka na? Sige ako na maghahatid sayo sa bahay niyo", sagot ko.

Kinuha ko ang susi ng kotse at siya ulit ang nagmaneho. Nung malapit na kami sa bahay niya, lumapit ako sa kanya at dinikit ang labi ko sa labi niya. Ayoko nang maging malaswa kaya iniiwasan ko ang mga galawan ko.

Kinakapa ng labi ko ang labi niya. Sa ilang segundo, tumigil na kami at ako ay nagpaalam na sa kanya.

"Bye Mitzces!", babay ko.

"Bye Kal!", bawi niya.

Hinintay kong pumasok siya sa gate nila tapos umuwi na rin ako.

*****

Mitzces' POV:

Umuwi na si Kal at pumunta na rin ako sa kwarto ko. Namimiss ko na kaagad ang mga haplos niya at halik niya sakin kahit kanina lang ito nangyari. Siya ang lalakeng pinakamabait at gwapo na nakita ko. Loyal at honest pa siya sakin.

Tumingin ako sa salamin at napansing may nakatingin din sakin. Nakatingin sakin ng masama at ako'y nagtago at nagdasal kaagad.

Si Kal lang ang pwedeng magmay-ari sa akin.

*****

The Last RemnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon