I'm Married To My Crush

55 0 0
                                    

Two years ago, the parents of Selena and Martin arranged their marriage. Selena's parents were unfortunate not to be blessed with wealth. The only parent of Martin, who was his mother, liked Selena's way of living. Due to the debts of Selena's parents, they were forced to let their only child to get married to the spoiled, yet matured Martin, who was unfortunately to be her Science teacher. Unknown to their parents, Martin treats Selena as a slave, but with care.

"Ano ba namang klaseng lalaking 'to? Ba't kasi ang hirap ng pinapagawa niya? Pa'no ba kasi gagawin dito? Science teacher ka pero geometry toh." Nagdabog si Selena sa kwarto nila.

"Alam mo kasi, Geometry is the application of Algebra and other branches of Mathematics. And Mathematics is one of the many braches of the giant tree, called Science." Sinabi ng nakahigang si Martin. Nilagay niya ang mga kamay niya sa likod ng ulo niya para suportahan ito. 

"At saang libro mo naman nakuha 'yang quote na yan?" Tinanong ni Selena kay Martin. Tinignan niya si Martin. Nakasando at hot na hot kahit fully-airconditioned ang kwarto. Parang nalulusaw na si Selena sa perfect posing ni Martin, kaya binaling niya ang tingin niya mula kay Martin pabalik sa mga papel na nasa desk niya.

"Mula 'yan sakin." Tawa ni Martin.

"Pe...ro di mo ba ko tutulungan dito? Nagmamaka-awa ako sayo, PLEASE tulungan mo na ko. 11:30 na. Diba dapat 9:00 tulog na ko?" Humikab si Selena.

"Assignment mo 'yan, dapat ikaw gumagawa niyan. Tsaka 8:30 pa naman ang simula ng klase bukas. Kung 12:00 ka matutulog, meron ka pang 8 hours. 8:00 to 8:10 dapat nakaligo ka na. 8:10 to 8:20 nakakain ka na at nakapag-toothbrush. 8:20 to 8:30 dapat nasa school ka na, ready sa mga mag-aaral." Pinaliwanag ni Martin. Tinakpan niya ng kumot ang sarili niya at pumikit.

"Sana kasi exempted ako d'yan eh. Asawa mo naman ako. Nagtataka ako kung bakit tayo di nagkakasundo eh." Sinabi ni Selena sa sarili niya.

Pumikit si Selena sa sobrang antok. Hanggang sa nakatulog na siya, unti-unti namang bumangon si Martin at binuhat si Selena ng Bridal Style papunta sa kama. Siya na lang ang gumawa ng assignment niya, pati na rin sa ibang subjects. Inayos niya na rin yung bag niya.

"Expert ako sa science, reasoning at iba pang subjects, pero hindi ko kayang gumawa ng paliwanag, kung bakit di tayo nagkakasundo." Sinabi ni Martin kay Selena, bago niya itong halikan sa noo at matulog.

I'm Married To My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon