Keyleib Sebastian Falcon POVNasaan na ba sila Daniella?! Kanina ko pa sila inaantay mag-gagabi na at kanina pa tulog sila Ace ang sabi nya dadating rin sila
Oo talagang dadating sila! Hindi pwedeng hindi!Argh!hindi manlang nag-sabi si Daniella kung saan sila pupunta nag-aalala na ako!
Tekaaaa nga! Ba't ba ako nag-aalala sakanya?
Ewan ko
Daniella Kim Roshey POV
"Opo"sagot ni Daniel kay Papa tinanong kase ni papa kung 14 na ba si Daniel
Bumaling ang tingin nya saakin
"Daniel maari mo ba muna kaming iwana ng ate mo? "sabi nya tumango naman si Daniel at lumabas
"Anak... "hindi ko na napigilan ang luha ko sh*t ngayonnya lang ulit ako tinawag na anak pagkatapos ng ilang taon naming hindi pagkikita
Lumunok ako bago magsalita dahil pakiramdam ko na kapag nagsalita ako ay babara ang laway ko
"Papa.. "sabi ko
Ngumiti sya saakin
"Kamusta ka na?"tanong nya "Ayos lang po ako"sagot ko
Hindi ko kayang sigawan ngayon si papa dahil sa kalagayan nya at kung gagawin ko naman yun parang napahiya si mama dahil sa pagtuturo nya saakin ng tamang pag-uugali
"Eh ang mama mo kamusta?"natigilan ako sa tanong ni papa
Bakit sya nag-aalala kay mama?
"A-Ayos lang po si mama busy po sya sa trabaho"sabi ko
"Ahh Kelan ang balik nyo ng Pilipinas?"
"Uhm si Daniel po bukas ako po next next week pa"sabi ko
Bumuntong hininga sya
"Anak, ito ang tatandaan mo hindi ko kayo iniwan dahil hindi ko kayo mahal ang totoo ay mahal na mahal ko kayo lalo na ang mama mo"
"Kung ganon papa bakit mo kami iniwan? Bakit mo iniwan si mama ng luhaan?"tanong ko
Napatungo sya sa tanong ko
"Dahil... may nagtaka saakin na kapag hindi ako lumayo sainyo o sa mama mo ay papatayin nya kayo.. Kaya mas minabuti ko nalang na lumayo sainyo kahit mahirap para saakin ang lahat..Alam kong hindi ako naging matapang para sainyo ginawa ko yon para sa ikabubuti nyo patawa--"
"Pinapatawad na kita..."sabi ko
Tumingin sya saakin
Nagkamali ako dapat hindi ako nagalit kay papa dahil ginawa nya yun para sa kaligtasan namin
"Naiintindihan kita papa... Ako.. Ako po ang patawarin nyo dahil nagalit ako sainyo at nagtanim ako nang sama ng loob"sabi ko hindi ko na napigilang umiyak
"Alam mo anak...gusto kitang yakapin at patahinan dahil ayokong nakikita ang prinsesa ko na umiiyak pero hindi kaya ni papa"sabi nya
"Wag na po kayong mag-alala ako nalang po ang yayakap sainyo"sabi ko
Nakita ko ang pagtulo ng luha nya kaya niyakap ko sya
"Sorry"bulong nya "Ayos lang papa naiintindihan na po kita"sabi ko
Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sakanya at agad na pinunasa ang mata ko
"Dad"napatingin kaming dalawa sa pumasok
"Bakit? "sagot ni papa
"Did you discuss to Daniella about the business po? "sabi ni Jane
"Not yet"sagot ni papa
BINABASA MO ANG
My Whole Summer With You
Teen FictionDaniella Roshey meets Keyleib Fajardo during a vacation in South Korea, and they fall in love. An accident causes Daniella to lose her memory, and she returns to the Philippines. There, she meets famous actor Jaxon Zayden Reece, and a new romance be...