Summer 12

21 8 5
                                    


Daniella Kim Roshey POV

"Sh*t"mura nya kanina pa ako tumatawa at hanggang ngayon hawak hawak ko pa din itong ipis na nakita ko sa C.R ko kanina

Nung nakita ko yung ipis naisipan kong pag tripan si Keyleib kaya ngayon ayan sya nakatayo sa sofa at may hawak na unan

Ang bakla mo Keyleib!

"Don't you dare throw that ugly cockroach to me!"pagbabanta nya tumawa lang ako

''Bakit anong tingin mo matatakot ako?your dreams!"sabi ko

"Arghh lagot ka talaga saakin Daniella!ahhhh"sabi nya sabay bato ng unan saakin buti nalang magaling ako kaya nailagan ko iyon

"Daniella!don't--ahhh"sabi nya ng ibato ko sakanya ang ipis halos humiga ako sa sahig sa kakatawa isipin mo yun tong lokong toh takot pala sa ipis hahaha

"Fvck Daniella!"sabi nya kumalma na sya

"Bakit ka ba takot sa ipis?eh hindi ka naman kakainin nyan?"tanong ko

"Ewan ko basta takot ako dyan!lagot ka talaga saakin Daniella saan ka ba takot huh?!"sabi nya nagulat ako ng bigla nya akong kulungin sa mga braso nya

Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa kaya naitikom ko agad ang bibig ko pawis na pawis ako shet malamig naman dito hindi ko alam kung bakit ako pinapawis ng ganito

Napansin kong ganun rin si Keyleib pawis na pawis rin sya napalunok nalang ako ng lalo pa nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko

"Saan ka ba takot?"ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga nya

"P-Paano kung a-ayaw k-kong sabihin?"nauutal kong sabi

Napapikit nalang ako

"I'll kiss you if you don't say it to me"sabi nya

Iminulat ko ang mata ko

Nanatili akong hindi nagsasalita

Ngumisi naman sya lumayo na sya saakin

"Wag kase ako tinatakot mo"sabi nya

Pinunasan ko ang noo ko dahil puno na yon ng pawis pero nanlaki ang mata ko ng biglang punasan iyon ni Keyleib

Sh*t Keyleib bakit ka ganyan?

Hindi mo ba alam na kinikilig ako sayo?

Nakita kong kinagat nya ang labi nya sabay tingin sa saakin hindi ko lamg sure pero parang sa labi ko sya nakatingin kaya umiwas ako ng tingin sakanya akmang aakyat na ako sa taas ng bigla nya akong hawakan sa braso at muling ikinulong sa mga braso nya sabay halik sa saakin akala ko sa labi nya ako hahalikan yun pala...

Sa noo...

"Nanliligaw palang ako sayo Daniella kaya kahit gustong gusto na kitang halikan sa labi mo ay mag hihintay ako dahil nirerespeto kita at mahal kita"sabi nya napangiti nalang ako sa sinabi nya

*Kinabukasan*

"Dani.diba bukas ka na aalis?nakapag impake ka na ba?"tanong saakin ni Ace

"Gusto nyo na ata akong umalis gusto nyo ngayon na ako umalis"sabi ko nakita kong sinamaan ng tingin ni Keyleib si Ace

"Kuya!"napatingin kami sa pababang si Andrea

"Kuya..ano uhmm  Keyleib kase ano uhm"

"ayos ka lang ba Andrea?"tanong ko

Lumunok muna sya palipat lipat ang tingin nya saakin at kay Keyleib

"Say it"sabi ni Keyleib

"N-Nakita ko  kase sa facebook y-yung post ni Julia--"

"Julia?sinong Julia--WHAT?!!"sabi ni Hell sabay tingin kay Keyleib

"A-Anong p-post ni Julia ang nakita mo?"tanong ni Keyleib

"Hindi ka pa ba nag oopen?naka tag  kase sayo!"sabi ni Andrea kaya agad agad kinuha ni Keyleib ang laptop nya at nag open ng fb nya

Hindi ko alam kubg anong nangyayari

"Keyleib...paano kung--"

"No!"sabi ni Keyleib

Napahinto sya sa post ni Julia..? Eto siguro yung Julia

Julia Lee pala name nya mukhang maganda sya

Nakita ko ang pamamawis ng kamay ni Keyleib

Sino ka ba talaga Julia?Bakit nagkakaganito si Keyleib ng dahil sayo?

A/N:Hindi ko matiis na hindi mag update guys haha sorry naman sorr kung maikli lang tong chapter na to✌✌peace

My Whole Summer With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon