Daniella Kim Roshey POV
"Nak.."napatingin ako sa nagsalita
"Papa?"sabi ko ngumiti ito saakin at lumapit inilahad nito ang kanyang mga kamay
"Halika na anak samahan mo na ako"sabi nito
Pimagmasdan ko lamang ang kamay nito
"Gusto po kitang samahan"sabi ko habang nakangiti
"Kung ganon ay tara na.."sabi nito nawala ang ngiti ko
"Ngunit.. ang taong mahal ko ay maiiwan"sabi ko ipinatong nya ang kanyang kamay sa magkabilang balikat ko
"Alam ko...natutuwa ako anak..totoo ka mahal mo talaga sya"sabi nya ngumiti lang ako
"Paalam na anak mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo"sabi nito sabay alis na at wave ng kamay
"Paalam po"sabi ko
"Imulat mo na ang mata mo anak.."
Iminulat ko ang mata ko nasaan ba ako??at sino ang sinasabi kong mahal ko sa panaginip ko
"Dani.."
"Daniella"
"Daniella"napatingin ako sa mga taong nakapaligid saakin
"S-Sino k-kayo?A-Anong ginagawa k-ko dito?"nauutal na tanong ko
"Nasa hospital ka Dani."
"Bakit alam nyo ang pangalan ko?"tanong ko
"Dahil mga kaibigan mo kami"sabi ng isa
"Anong nangyari??"tanong ko pagkatanong ko non ay biglang sumakit ang ulo ko at may parang lumalabas na mga pangyayari sa utak ko ngunit napaka bilis
"Ahhh"sabi ko habang nakahawak saaking ulo
"Dani.!"
"Tawagin nyo si tito!"
"Dani.kumalma ka"sabi ng isa saakin
May pumasok na doctor at ginamot na ako upang kumalma
"Mga ijo huwag nyong pilitin na makaalala sya dahil baka kung anong mangyari sakanya dahan dahanin nyo nalang ang pagpapaalala sakanya"sabi ng doctor sa mga lalaki
"Opo"sagot nila lumabas na yung doctor
"Papunta dito ang bestfriend mo"sabi ng isang lalaki
"Sino?si Gabby?"nakita kong nanlaki ang mga mata nila
"Bakit naalala mo sya??"sabay sabay na tanong nila na ikinakunot ng noo ko
"Hmm Daniella kase...ano...may amnesia ka"natigilan ako sa sinabi nya
"A-Amnesia??"sabi ko tumango naman sila
"B-Bakit?A-Anong n-nangyari?"tanong ko
"Sa ngayon huwag mo munang tanungin yan dahil sabi ng doctor ay dahan dahanin ang pagpapaalala ng mga pangyayari"sabi ng isa
"Ahhh o-okay..sorry hindi ko kayo maalala...pwede bang magpakilala kayo saakin?"sabi ko nakita ko silang nagsingitian at tumango
"Ako si Ace pinsan mo ako"sabi ng isang lalaki
"Ahhh pinsan pala kita"sabi ko sabay ngiti
"Ako si Dominique pero pwede mo akong tawagin na Dom.kaibigan ako ng pinsan mo"
"Alonzo friend of your cousin"
"Ako si Hell!"nagulay kami sa biglang pumasok oww pogi ah?
"HELL?!"nagsilapitan sila sa pumasok na lalaki na hingal na hingal
BINABASA MO ANG
My Whole Summer With You
Teen FictionDaniella Roshey meets Keyleib Fajardo during a vacation in South Korea, and they fall in love. An accident causes Daniella to lose her memory, and she returns to the Philippines. There, she meets famous actor Jaxon Zayden Reece, and a new romance be...