kabanta 16

1.2K 70 1
                                    

"HINDI .....".  Umalingaw-ngaw sa paligid ang singasing ng dalaga,lahat ng naroon ay naka-tingin sa kanya..

"What the hell... ". Napakapit si Edward sa may dibdib niya sa subrang gulat dahil sa pagtangis ni Marydale.. "Heyy.. What's the matter with u..!".   

Tinignan ito ng nanlilisik na mata ni maymay.. "Anong Problem ha??... Ano to??".   Sabay angat nito sa kanyang kamay..

Humatak pataas ang isang kilay ng Prensipe ng sipatin ang kamay ni Maymay..

"Anong problema Jan?.".   

Pagkasabi niyay nagtaka si Mayang ng makitang wala na ang posas roon,sunod niyang hinagilap ang kabilang kamay ng Prinsipe ngunit wala din itong suot na bakal na poses,ni wala itong bitbit na kahit ano..

"Oh my god! Nagdidiliryo ata ako..!".   Nakagat ni maymay ang ibabang labi nito saka napapandyak at inilihis patalikod ang kanyang mukha sa kahihiyan, binangongot ng gising...

Patakbo silang nilapitan ni Alex..
"May problema po ba Mahal na Prinsipe.."

"Ewan ko sa kanya..!".  Mabilis nitong tugon saka walang lingong nagmartsa at nilampasan ang dalaga..

.
.
.

Few hours later..

"Teka! Mukhang hindi ko bet mag suot ng maikling short, ayaw ko niyan..".   Sabay kabig sa hawak na maong short ni Andrea..

"Baka gusto mong mag pajama may..!". Pagtututsa pa nito sa kanya..

"Baka isipin ni mico sini-seduce ko siya noh??..

"Ai grabi! Naka-short lang sini-seduce agad..di ba pwedeng bagayan lang ang summer..!".

Umikot ang bilog sa mata ni Marydale.." Whatever.. Basta ayaw ko niyan..!"

At dahil sa pagpupumilit ni maymay ay hindi natupad ang gustong sexy outfit ni andeng at nagsuot nalang ito ng manipis na pedal at white sleeveless..

"Okay na siguro to..!" Aniya habang sinusuri ang sarili sa harap ng salamin..

"Teka may! Paano ba kayo naghiwalay ni Prince Edward?." Nanantiya nitong tanong na siyang nagpabagsak sa balikat ni Marydale....
.

"Tsk! Wag mo ng alamin oi...".   Nakita niyang nadismaya ang reaskyon ng mukha ni Andrea ng nakita niya iyon mula sa repleksyon ng salamin..

Napa-buntong hininga siya at saka hinarap si Andeng.." Oi.  Wag ka ngang mag sad face Jan, baka malasin pa tayo ng dahil Jan..!"

"Pero di nga- bakit nga!,kasi lam mo hopeless romantic kasi ako!,eh nung nalaman ko ang tungkol sa inyo ng pinaka-gwapong prince charming sa balat ng lupa.. Ay bongga! Bigla akung nabuhayan na baka makahanap din aku ng true love na maraming datung diba...!!".  Dilima nito sa kanya..

Napaisip si Marydale dahil dito, nilapitan niya ang kaibigan at tinabihan sa pagkakaupo sa kama." Gusto mo talagang malaman?".    Pilit niyang tanong.,dahil kung maaari ayaw niya na itong pag.usapan pa uli,.

Nakangiting tumango si Andeng! ..

"Simple lang naman ang rason eh..!! Dahil nalaman kung isa pala siyang prinsipe..!" Malamlam niyang sabi

"Chossy lang teh??.."  Eksahiradang reaksyon nito at talagang inilapit niya pa ang kanyang mukha sa mukha ni Mayang..

Ipinilig nito ang kanyang ulo! Saka mahinang tinapik ang noo ni Andrea... "Buing..! Hindi ganun oi.. Ayaw ko lang talaga ng komplikasyon sa buhay, at dahil nagsinungaling siya sa akin, pero inaamin ko naman hindi mahirap mahalin si Edward pero sadyang hindi lang talaga kami para sa isat-isa..!".  Matabang niyang sabi

"Hindi mo siya kayang ipaglaban..!"

Napangiwi si maymay sa sinabi nito... "Hello?? Para saan pa? Ipapahiya Ku lang ang sarili ko noh, at baka pati ang pamilya ko ay madamay pa,syempre ija-judge ako ng madlang people kung tinuloy ko yun,eh ano ba naman lang ako?ni hindi nga ako nakapagtapos ng kolehiyo..!"
Mahinang tinuran ng dalaga! Bakas pa rin sa kanyang Boses at pananalita ang panghihinayang sa mga nangyari dati..

"Pero may huh.. Talagang ang lakas ng tama sayo ng Prinsipe eh no??"

Napalabi siya dahil dito
"Tumugil ka nga! Sige na at pupuntahan ko na si Mico, .!".     Alo nito saka umalis ng kuwarto..

.
.
.
.

Tamang-tamang nagbabadya na ang paglubog ng araw ng dumating si Maymay sa tabing dagat,.

Naabutan niya si Mico roon na nakaupo sa buhanginan..

"Hi.. Kanina ka pa??.." Bungarang tanong nito ,saka siya nakiupo na rin sa maputing buhangin

"Uo .. Pero okay lang,masaya naman akung hintayin ka..!"

"Achiechie.....!!".  Ikinukuble man ay bakas ang pagsulak ng mainit na sensasyon patungo sa kanyang mga pisngi..

"Talaga! Hindi ako nagbibiro,.sa katunayan nga may-inihanda ako para sa yo..!". 
Paglalambing nitong sabi sabay kindat Kay may may..

Sinikap ni maymay na wag na itong pansinin at baka bigyan pa niya ng malisya ang kabutihan sa kanya ng binata..

"Oyy.. Hala! Tignan mo oh..!".   Nakaangat ang kanyang kamay na nakaturo sa araw na unti-unting nilalamon ng dilim..
"Talagang nakakamangha ang sunset dito sa tabi ng dagat eh noh.."

"Uo naman! Kaya nga gusto kung makita mo..!". 

Ayan naman siya! Samahan pa ng nakakatunaw niyang killer smile.,di tulad Kay Edward laging nakabusangot..-nasa loob-loob nito habang palihim na pinagmamasdan si Mico...

"May inihanda akung dinner para sa ating dalawa may...!".     Baling ulit nito sa kanya..

Bahagyang napatanga  si May may sa sinabi nito. Ilang sandali pa bago niya mapuhap ang boses niya.." Ai- hindi na .. K-kasi gagawa ng bonfire sina Princess Loisa mamaya at duon nalang daw tayo kakain ng Hapunan,bilin niya sa amin kanina..!" Kimi niyang sagot..

Kumibot ang sulok ng mga labi nito..." Tayo?" Sabay turo nito sa sarili..

"Uo.. Tayo ,actually idea yun ng daddy mo kaya sabi niya isama ka raw namin.."

Mas lalong umaliwalis ang aura ni Mico.. " sige ba! Mukhang gusto ko yan..

Nanatili pa ang dalawa ruon upang makapag.bonding hanggang sa tuluyan ng dumilim ang paligid.

"Bakit di na natin hanapin sina Princess Loisa..!".   Suwestyon ng dalaga ..

"Okay..".  Pagsang.ayon naman nito agad..

Inalalayan pa nito si Mayang na makatayo at saka nila umpisahan ang paghahanap..

Sa di kaloyuan bumuo ng apoy sina Alex at Prince Edward bago pa dumating sina maymay ay naglalagablab na ang malaking apoy na kanilang nilikha,.

Para makatulong ay nagbitbit silang dalawa ng mga tuyong panggatong..

"May--".    Napalingun silang lahat sa bagong mga dating..

"May date kayo.,!".   Panunukso ng Prinsesa..,pinamulahan tuloy si Mayang ,..paksyet! Hindi tuloy siya makatingin ng diretso Kay Edward. . si Edward talaga eh noh..

Halatang banas na banas si Edward ng nakita silang magkasama..

"Hey! Mukhang exciting to ha! Kaya I have an idea . bakit hindi tayo maglaro ng truth or dare..!". Suggestion ni Loisa

How To Love a PRINCE IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon