kabanata 13

1.3K 81 15
                                    

"Parang bernis-santo yang mukha mo ah..!".   Panunudyo ni Andrea ng nagsabay silang naghapunan sa Dirty-kitchen..

Hindi kasi nito ginagalaw ang pagkain sa Plato kahit kanina pa sila nakaupo roon..

"Kung ayaw mo akin na lang??". 

Iniusog ni maymay ang mangkok patungo Kay Andrea.. "Hala! Jowk lang yun ..! Sineryoso agad..!".    Napalabi niyang sabi..

"Okay lang! Busog pa naman ako..!".     Pilit niyang nginitian ang kasama, saka siya tumayo at walang lingong nag-martsa patungo sa direksyon ng kanilang silid .

Mabigat niyang naitibuwal ang katawan nito sa sariling kama..
Nakatingala siya sa kesami na pakuwariy may pinagmamasdan mula roon..

Di-ma waglit sa kanyang sistema ang nangyari kanina, nakaramdam siya ng konsyensiya para Kay Loisa,dahil para na rin niyang tinraydor ito patalikod,.

Ayaw niyang isiping tila may anino pa rin ng kahapun ang namumutawi Kay Edward pero iyon ang lumalabas ngayon na dahilan kung bakit sarado ang puso ni Edward para sa prinsesa.

Sunod-sunod ang pagtapik ng kanyang palad sa kanyang magkabilang pisngi.." Hindi pede! Hindi pede!..!".    Paulit-ulit din niyang gagad sa kanyang sarili..

Napakalma siya ng bahagyang marinig ang pagpihit ng seradura saka ito bumukas ..

Naitukod niya ang kanyang kamay upang bumangon,ngunit napitlag ito ng mapagsino ang taong iniluwa mula roon..

"Syett... Anong ginagawa mo rito...!".  Naibulalas niya,ngunit tuloy-tuloy na pumasok sa kuwrto niya ang nilalang na bagong dating..

Padabog itong napatayo at hinarang niya ito.." Pwede ba Edward! Umalis ka na! Baka maabutan ka pa dito ng kasama ko kuwarto..!".     Pabulong nitong pakiusap,

"No.. Gusto ko munang makipag-usap sa yo..!".    Tigas nitong pagpupumilit..

Napasinghap si maymay sa tinuran ng binata,uo galit ang kanyang mukha,ngunit kailangan niya muna itong sundin bago pa sila mahalata ni Andrea..

"So ano na???--"

"Tungkol sa nangyari kanina.... ! I-i w-want to say sorry, Hindi ko yun sinadya , N-nawala lang talaga aku sa sarili..!".  Sunod-sunod nitong wika, Ramdam ni marydale ang paghingi nito ng paumanhin,natatagos iyon sa likod ng kanyang mata, ang sinsiridad nito sa paghingi ng paumanhin..

"Uo-- sige! Pero please! Wag niyong hayahang malaman ito ng prinsesa at pati na rin ang tungkol sa atin, .!".    Mababa ngunit mapakahulugan nitong untad.

Napa-seryoso ang imahe ni Edward bahagya siyang napa-isip, ngunit ilang sandali ng pagtitinginan ay pumihit ito patalikod ,.kusa niyang binuksan ulit ang pinto at Hindi na nag-iwan pa ng kahit ano pang salita,napalabi si Maymay sa reaksyon nito,

Ngunit bigla siyang kinabahan ng may umigik mula sa labas ng pinto..

"Ugh!!--   boses ni Andrea, nabangga siya ng Prinsipe ng papalabas ito ng kuwarto..

Bahagya lang siya nitong tinapunan ng sulyap saka nagpatuloy na humakbang papalayo..

Napalabas ng silid si mayang at nadatnan niyang nakatayo sa labas si Andrea na tangan pa rin ng tingin ang likod ni Edward habang papalayo .

"Hoy buang!!...--  pukaw nito sa kanya sabay mahinang binatukan  si Andeng..

"Oh Em Gehh".    Bungarang usal nito Kay may may,ng ibinalik nito ang atensyon sa kanya,kita sa kanyang reaksyon ang di-makapaniwala..

"Huh?? B-bakit may narinig ka ba??".    Nandilat ang mga mata nito.

"Oh my..may may! Hindi lang narinig , rinig na rinig..!"

Sa pagkakataranta ay na kaladkad ni marydale papasuk sa loob ng silid nila si Andeng.

Iginiya niya ito hanggang sa makaupo sa sarili nitong kama saka siya umupo sa katapat na kama niya,.

"A-ano bang narinig mo???!!"

"Aku muna ang magtatanong!!!".  Humugot muna ng malalim na paghinga si Andeng bago niya inumpisahan ang pagha-hot seat sa dalaga.." Ano bang meron sa inyo..??? Kasi una, ikaw ang personal na kinuha na nanny ni Prince Edward,balita ko sinadya niyang palitan ang dati niyang maid para ikaw ang pumalit, second .. Alam kung nung nakaraang gabi,ay pinatulog ka mismo ng prinsipe sa silid niya,.at huli, kanina! Nakita kung nakasakay ka sports car ng prinsipe!!! So... Ano ba talaga teh? Ano bang meron sa inyo..??."

Napatigalgal si Mayang sa dilima ni Andrea, wala pala talaga siyang lusot sa mata nito...

"At ito pa huh! Lihim kayong nag.uusap dito sa kuwarto na tin, at mukhang seryos----..."

"Teka! Tumigil ka na...!!!" Pag-putol nito sa dagdag na sasabihin ni Andeng..

Kumibit balikat ito dahil mukhang nabanas si Mayang sa mga sinabi niya..

Napakagat ito ng labi,.bumuga muna ito ng hangin bago sinagot ang mga tanong na ipinukol nito sa kanya..

"Oh sige na!   Aaminin ko! Kilala ko na dati pa ang prinsipe..!"

"Then??".  Nakataas ang isang kilay ni andeng..

"Then what?? Hanggang duon lang yun.."

Napailing si Andrea... " Tsk! Tsk! Tsk!! Mukhang hindi lang yun ang dating sa lahat ng narinig ko..!!"

Nagsalubong ang mga kilay ni maymay! Pihadong wala na siyang lusot sa interogasyong ginagawa sa kanya ngayon ng kasama...

"Hay naku ! Daig mo pa ang pulis kung makapagtanong..!! Pero dapat sa atin lang to! Huh!!"

"Promise..!!".  Sabay taas sa iri ang isang kamay na tila nanunumpa..

"Naging kami..!--

"Huwaaatt....--     tungayaw sa di-makapaniwalang si Andrea.

"Hinaan mo nga yang Boses mo ...!"

"Pero di nga! Naging kayo talaga???" Pag-uulit pa niya..

"Kung ayaw mong maniwala ,okay lang!!".    Mahina niyang sabi habang nakababa ang mga mata sa kanyang mga paa..

Di-na napigil ni Andrea ang galak! Lumapit ito Kay may may at tamabi sa pagkakaupo..

Ipinulopot nito ang kanyang kamay sa mga braso ni Marydale at ipinatong ang kanya namang ulo sa balikat nito...

"Tama nga ako! Iba kasi ang titig sa yo ni Prince Edward! Kumpara kung paano niya tinititigan si Princess Loisa! Kaya nga naghinala na akung may gusto siya sayo,pero higit pa pala ruon ang nangyari noh! Dahil naging kayo pala talaga..!".    Pangiti-ngiting turan ni Andeng habang naglalambing..

Mahina niya itong nasiko.." Hindi noh! Wag ma wag mo akung ikumpara Kay Princess Loisa dahil milya-milya ang layo ko sa kanya..!"

Nag.angat ng mukha si Andeng at dinako ang mata Kay maymay..,"Wag mo ngang maliitin yang sarili mo kasi kahit gaano pa siya kaganda basta hindi naman talaga siya gusto ng prinsipe ay wala naman tayong magagawa duon.."

"Tsk! Yun nga eh! Maya kung pede walang ibang makaalam tungkol sa amin ni Edward,dahil hindi lang sa prinsesa aku malalagot pati na rin sa royal family! At sa buong maindale! Ayaw kung masira ang plano ng gobyernong to dahil lang sa isang hamak na katulong.."

Naawa man ay may punto si mayang, kaya niyapos ito ng kaibigan,upang iparating sa kanyang makakaasa siya..

How To Love a PRINCE IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon