kabanata 20

1.2K 79 12
                                    

MATAPOS umalis ng prinsesa kasama si Andrea ay muling binalikan ni maymay si Edward sa loob ng c.r..

Naabutan pa niya itong nakaupo sa tiles at nakayukyuk ang mukha sa tuhod nito ..

"Natutulog ka pa?? Grabi ka naman daig mo pa ang mantika ah..!"

Nag-angat ito ng mukha.

"Pwede na ba akung lumabas???". Malamlam nitong tanong..

"Uo! Hindi ka na naawa sa prinsesa, ang sama ng ugali mo sa kanya!".

Tumukod ang prinsipe saka tumayo"Naiirita ako sa kanya..!".  Maikli nitong sagot matapos siya nitong lampasan ..

"Ngee!! nakakairita ba yung mukha nun, eh maala anghel na nga siya sa Ganda...!" Nakalabi niyang alo Kay Edward..

Nilingun siya ng binata sabay umarko ang kilay niya.." Mas maganda ka pa sa kanya.."

"Ewan ko sayo..!!".   Nasusuya niyang turan at kinaladkad niya ang prinsipe patungong pinto..

Hindi man aminin ay tila binubuhol ang bituka niya sa kuryenteng tumama sa kanya dahil sa komplementong iyon galing Kay Edward..

"Umalis ka na!, at Baka bumalik pa ang prinsesa dito ..!".  
Nagpatianud lang din ang prinsipe  hanggang sa labas ng pinto..

"Uo na!!". --
Hindi niya ito hiniwalayan ng tingin hanggang sa ilang hakbang na itong nakalayo..

Muling lumingon sa kanya si Edward habang nakangiti.., ngunit mabilis na umiwas si May may at agad na pumasok sa kuwarto..

.
Pagkatapos makaagahan ,sinulit ng royal family ang maikling bakasyon,..

"Edward! Pwede sa pool na lang tayo,subrang Init kasi mag swimming sa dagat eh!".  Kiming wika ni Loisa

Hindi sumagot si Edward.,prente lang itong nakaupo sa mahabang silya habang nakapatong ang paa sa maliit na mesa..

"Ahm!! Magbibihis lang ako ng swimwear .."
Pakli na lamang niya matapos walang madinig na sagot.

Ngunit Akto pa lang na umalis ang prinsesa ng muling nagsalita si Edward..

"Di na! Sa dagat na kami ni may may..,!".  
Ani nito ng hindi man lang tumingin kay Loisa..

Bahagyang napatigalgal si Loisa ,napalunok naman si Maymay.."Langhiya..-".  Anas ng kanyang utak..

Tumayo si Edward at lumapit sa kinatatayuan ni marydale..."let's go..!".   

Mahinang utos niya dito saka nagpatuloy na nagmartsa patungo sa dalampasigan, nakayuko namang tumalima si maymay sa binata..

"Teka! Kailangan ba talagang umalis tayo dun ??". Protesta ni maymay

" Ang Arte niya! Eh kung gusto Kong maligo dito..!!".   Matigas naman nitong sagot ..

Huminto si Edward ng makatapak ito sa puting buhanginan ng dalampasigan,
Ang sarap pakinggan ang bawat paghampas ng alon sa karagatan at nakakaliti sa paa ang atras abanteng tubig nito..

Dinako ng Prinsipe ang kanyang Paningin Kay maymay.."Diba mas maganda pa rin dito..!". 

"Uo pero mas maganda pa rin ang ngiti mo,..oh Kay tagal kong hindi yan nakita..!".   Naidikdik ni marydale sa kanyang isip,mula ng nasilayan ulit ang mga Kurbang ngipin ng prinsipe dahil sa subrang gwapo nitong ngiti..

Hindi na niya namalayang napatanga na pala siya,napakislot na lamang ito sa mainit na palad ng binatang tangan na ang kanyang kamay..

"Halika ..!".    Sabay hablot nito sa kanya,iginiya siya ng prinsipe patungo sa malalim na bahagi ng dagat ngunit tila may Mali..

"Huwaaahhh... Ahhhhhh...!!".     Halos mapatiran ng litid sa leeg si May may sa kasisigaw,dis-gusto siyang sumunod..

"Anong problema mo??takot ka ba sa tubig..???".    Nakangising panunudyo ni Edward..

"Hindi ako marunong lumangoy!!"
Nangangatal na ito sa takot ng palalim ng palalim na sila..

Humalagpak ng tawa ang Prinsipe habang pinagmamasdan ang gusot niyang mukha sa subrang takot..

"Tuturuan nalang kita..!"

"Ai.. H-hindi na.. A-ayoko! G-gusto ko ng umalis dito...!".   Singasing pa rin niya..

Sinilat nito ang isa niya pa niyang kamay at maingat na inalalayan ang dalaga..pero wala pa rin itong tigil sa kakasigaw..

"H-hindi ko talaga kaya! Bumalik na lang tayo..!!".  May nginig na ang Boses ni mayang  At wala paring tigil ang paghagikhik ni Edward na tila isang batang paslit,.

"Okay lang yan ! Trust me..!!".   

"A-ayoko..!!! S-sipain kita jan eh..!". Nangangatal niyang anas...

"Oh sige! Sabi mo eh..!!".  

"A-ano??"--

Hindi niya ito sinagot agad,ikinilawit ni Edward ang kanyang kamay sa kanyang balikat saka dahan dahan niya itong inakay patungo sa tabing dagat..

Mabigat na lumapag ang pang.upo ng dalaga sa buhanginan mataposs silang umahon sa tubigan..

"Okay ka lang??".  

Tinanguan siya ni maymay saka siya tumabi dito..

"Oi tignan mo??? Mukhang ayos dun ??".  Naka-angat ang kamay ni Edward at tinuturo ang malalaking rock formation sa di kalayoan..

"Uo nga noh !"...

"Gusto mong puntahan..??".  Naitanong niya matapos ibalik Kay maymay ang atensyon

"Isama natin sila Princess Loisa..!". Suwestyon nito ..

"Tsk! Wag na..!!"

"Oi.. Baka nalimutan mong ideya niya ang bakasyon na ito ,para magkalapit pa kayo..!".  Nakalabi niyang wika..

Nabakas naman sa mukha ni Edward ang pagkayamot ."Bakit ba pinagpipilitan mo ako sa kanya..!". 

"Malamang!! siya ang mapapangasawa mo noh..!!"

Napa-iling ang prinsipe habang muling nakatuon sa dagat ang mata." A-ayokong magpakasal para lang sa interes ng royal family,at lalo na ayokong magpakasal sa taong hindi ko naman gusto..!".  

How To Love a PRINCE IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon