kabanata 27

1.1K 97 19
                                    

Nakayukong nilampasan ni marydale ang prinsesang nakatanghod pa rin sa pinto ng silid ni Edward,aminado siyang hindi niya ito matignan ng diretso kaya halos mawalan siya ng ulirat sa lakas ng tambol ng kanyang dibdib,.

Di nito maiwasang mangamba na maski katiting ay baka sumulak sa isip ni Loisa kung ano nga bang meron sa kanila ng prinsipe..

" And what are you doing here???!"   Sarkastikong tanong ni Edward sa mahal na prinsesa matapos makaalis ni maymay..

Hindi agad nakapagsalita si Loisa halata sa nanginginig niyang kamay ang di niya maipaliwanag na feeling sa eksenang naabutan niya kanina  ..

Tuluyang nainis si prince edward sa pananahimik nito.

"Tatayo ka na lang ba dyan???!"

napakislot ang dalaga sa tungayaw ni edward kaya nag.angat siya ng mukha at sinalubong ang nakakapasong tingin ng Prinsipe..
Napalabi siya bago muling nagsalita.. " Gusto kung matulog dito kasama mo..!"

Muntik ng masamid ang binata sa tinuran ng prinsesa.."Are you out of your mind??? Hindi ka pwedeng matulog dito kasama ko....!"

Mariing napalunok si Loisa.. " why not? Malapit na naman tayong ikasal.. bakit si Marydale okay sayo..!"     Malamlam niyang tugon..

Umalma si Edward sa sinabi nito, habang nagtitimpi ang prinsipe ay napabuga ito ng hangin.."Leave me alone.!!" Mahina ngunit matigas niyang wika..

Naikuyom ni Loisa ang magkabila niyang kamao,di niya maiangat ang mukha sa hiyang nararamdan.

Saka nito napagsamo ang paghakbang palayo ni Edward palayo sa kanyang harapan..

Wala itong nagawa kundi bumalik sa kanyang salid.

.
.
.

Mabigat niyang naidagan ang katawan sa kama habang nakasubsub sa unan ang kanyang mukha..

Tigmak ng luha ang kanyang mata at nasihulasan ng pampaganda sa kanyang mukha..

Maya-maya isang katok mula sa pinto ang kanyang narinig..

" princess... si Cynthia po ito..,;"    anito sa labas ng pinto  ..

Suminghot si Loisa saka pinahiran ng tissue ang kanyang basang mukha.

"C-come in  .."

Nagbukas ang pinto at agad na nilapitan nito ang prinsesa, agad niyang napansin ang madilim na aura nito..

"Whats wrong..??"     Sabay hawi sa iilang buhok na nagkalat sa mukha ng dalaga..

Panay parin ang pag-sigok nito.. " cynthia ... can i ask you a favor..??"

"W-what is it??? Gagawin ko po ang makakaya ko mahal na prinsesa  ..."

"Pwede bang paki-tignan mo si Marydale... m-masyado kasi siyang malapit sa prinsipe ,nag.aalala kasi ako  .."    mahina nitong sambit..

Gustong matawa ni Cynthia sa tinuran ng prinsesa.." si Marydale.??wala naman po dapat ipag.alala,i can assure niyo na hindi siya magugustuhan ng prinsipe...,,"      paniniguro pa niya...

"P-please..... masama talaga ang kutob ko..."     nag.uulap ang mga mata ng dalagang prinsesa habang nakatingin kay Cynthia, agad na naramdam nito ang matinding pagnanais ni Loisa na gawin nito ang kanyang hinihiling .

"Sige po... at sa oras na malaman ko na totoo ang kutob niyo.,.ay .!! Talagang kakalbuhin ko ang babaeng yun..."!

Nakahing ng maluwag si Loisa dahil kahit papano ay nakahanap ito ng kakampi kay Cynthia...,ngunit hindi iyon sapat upang makapag-pahinga siya ng mabuti..

.
.
.

KINABUKASAN..

"Bakit ang bilis ata...??"   Pagtataka ni Andeng habang naghuhugas ng pinggan kasama si Maymay..

Kumibit balikat lang ito habang patuloy ang ginagawa.

"Yun lang??, yun lang sagot mo??? Hindi ka ba nag.tataka na kailangan sa susubod na araw na gagawin ang engagement party nina prince Edward  .."

"eh ano naman ngayon.!!...wala na tayo dun okay ..tagapagsilbi lang tayo dito..kaya ngayon pa yan mangyayari ay wala na tayo dun...,,,"      paglilinaw pa niya ngunit bakas parin ang pananamlay ng boses ni marydale. 

"Talaga?? Hindi ka manghihinayang kapag nakatali na siya sa iba...??"

Tinignan siya ng masama ni mayang upang manahimik si Andrea., naging mainam naman ito at napatikom ang kanyang mukha..

Sa mga sandaling ito ay sapat ng nalaman na hindi pala siya buntis at higit sa lahat walang nangyari sa kanila ng Prinsipe ,kahit papano ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib   .

Matapos ang lahat ng gawain sa kusina ay dumeretso na si Marydale sa kanilang silid upang maghanda dahil may klasi ito..

Agad niyang hinubad ang nakapulopot niyang epron saka binuksan ang pinto..

Ngunit laking gulat niya ng maabutan si Edward na nakaupo sa gilid ng kanyang kama at nakaangat ang paang nakapatung sa higahan habang kumakain ng mansanan..halatang kanina pa ito naroon bakas sa halos maubos na apple na kagat-kagat nito..

"Dito ka naman tatambay..??? Lam mo namang di pwede. "    pagtataray ni mayang...

"Di ba pedeng dalawin ang misis ko..," tila nang-aasar ito.. na siyang ikinaasar naman ni maymay..

"Ha ha... nakakatawa...,,"     iritado niyang tugon...

Ngumiti si Edward.... hindi lang basta ngiti dahil ngiting nakapagtutunaw ng kalamnan...

Biglang nangilabot si mayang lalo nat di niya maiwasang maisip ang nangyari sa kanila sa Resort . .

Ngali-ngali niyang binato ng tuwalya si Edward.." H-hindi maganda sa isang lalaki ang nakikipaglandian sa ibang babae lalo nat engaged na siya sa iba.."

Kumunot ang noo ni Edward sa sinabi ni Maymay... " Pwede bang wag kang maniwala sa kanila..gawa gawa lang nila lahat iyon..."   halatang hindi iyon nagustuhan ng Prinsipe batay sa tono ng kanyang pananalita..

"S-sige na umalis ka na .."     muling pagtataboy ni maymay , ngunit napaigik siya ng biglang bumukas ang pinto na nasa likuran lang niya...

Agad siyang pumihit patalikod upang mapagsino ang marahas na gumawa nun..

Namilog ang mata ni maymay ng nakita ang imahe ni Cynthia sa labas kaya agad niyang pinigilan ang pinto na tuluyan siyang mapagbuksan.

"S-sino ang tinatago mo dyan..??" Singasing nito..

Habang patuloy ang pagtagaktak ng pawis ni maymay.. "W-wala ho..!"

.
.
.

Dont forge to vote or mag..comment ..:-) sa lahat po ng naghintay sa UD ..thank u po ng marami...

How To Love a PRINCE IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon