Chapter 53: planado

997 24 2
                                    

J U N E     0 6      2 0 1 7
----------------------- 👑 ----------------------

Ianthe's Point of View

Nandito na kami sa England ni Kheo. Sinalubong kami ni Kian at Tita Kendra sa airport. Nakadisguise na kami para walang makakilala saamin dahil gusto ko talagang sorpresahin ang pamilya ko.

Nang makarating kami sa bahay nina Kian ay kaagad nagising si Kheo. Nakatulog kasi siya buong byahe. Kaagad bumungad sa kanya si Kian.

"Daddy?" Papungaspungas pa nitong sabi. Nginitian siya ni Kian. "Hey, bud." Dali-dali niyang niyakap ang Daddy niya at paulit-ulit sinabi kung gaano niya kamiss ito.

"I missed you, too, son." Sagot naman ni Kian. Sunod na niyakap ni Kheo si Tita Kendra. Namiss talaga niya ang mga ito.

"Hey." Tumabi saakin si Kian habang nagkukwentuhan ang mag-Lola sa isang couch. Nginitian ko siya saka nagsandal sa balikat niya. Inakbayan naman niya ako.

"Kamusta?" Tanong niya. Bumuntong hininga muna ako saka pumikit.

"I'm confuse." Pagsisimula ko ng topic. Kian is my best friend. Kilalang-kilala niya ako. Alam niya bawat kilos ko.

"That explained kung bakit balisa ka. Confuse about what?" Tanong niya. Kinagat ko sandali ang ibabang parte ng labi ko bago nagsalita.

"About a man named Zander Frazier." Ramdam kong natigilan siya dahil sa reaksyon ng katawan niya. So, tama nga ang hinala ko. They knew Zander. Mas lalo akong nahihiwagaan at mas lalong lumalaki ang pagkagusto kong malaman ang lahat.

"And?" Tanong niya.

"I know he is someone in my life, Ki. Hindi ko maalala kung sino siya. Pero nararamdaman ko malaki ang role niya sa buhay ko. Ang daming tanong na bumabagabag saakin." Bumuhos bigla ang emosyon ko. Tuluyan na niya akong niyakap at pinatahan.

"One time he was acting super cold tapos isang araw para bang may something saamin. Then parang wala nanaman. Stranger nanaman ako. Tapos biglang nasa doorstep ko siya then act like a husband to me. Ang gulo, Ki! Hindi ko na alam anong gagawin." Sumiksik ako sa kanya. Ramdam kong gumalaw ang kamay niya at hindi ko na muling narinig ang boses ni Kheo at Tita Kendra. Mukhang pinaalis muna niya ang mga ito.

"Please, Ki. Kung may alam ka, tell me." Pagmamakaawa ko. Kailangang-kailangan ko na ng sagot sa mga tanong ko.

"Mababaliw na ako kapag hindi pa ako nakakuha ng sagot mula sainyo." Pagsusumamo ko.

"Ano ba ang sinabi sayo ni Zander?" Tanong niya saakin.

"When I first met him, ang sabi niya saakin first time daw naming magkakilala nun. So, hindi na ako naghalungkat pa tungkol sa kanya. Then habang tumatagal, iba na ang pinapakita niya saakin. Nakakalito na masyado. Sometimes, hindi niya namamalayan pero may nababanggit siya sa nakaraan ko. He knew me, Ki. And I have this strong feeling that he is special to me." Pagkukwento ko. Hindi naman na talaga dapat ako macucurious kay Zander dahil kliyente ko lang naman siya. Siguro iilang personal information lang ang dapat ay inalam ko at ang background niya in terms of business. Hindi ko naman ineexpect na magiging ganito ang sitwasyon sa pagitan namin.

Ang mas malala pa dyan, baka ako lang ang nakakaramdam nito. Baka wala naman talaga siyang pakialam. Baka sadyang ganun lang siya sa ibang tao. Or baka dahil lang kina Phoenix at Lennox kaya ganun niya ako ituring.

"Then when I met his two son. Nalaman kong Ford-Frazier ang middle name at apelyido nila. Tapos Mommy pa ang tawag saakin ng dalawang bata. What was that, Kian?" Tanong ko.

"I think you need to get some rest." Inalalayan niya ako patayo. Nagpatangay na lang ako dahil sa pagod ko at sa dami ng iniisip ko, gusto ko na lang muna magpahinga. After nito, si Mommy at Daddy na ang tatanungin ko. Alam ko ayaw lang makialam ni Kian kaya hindi niya masabi saakin. At kapag wala akong nakuhang sagot sa mga magulang ko, didiretso na ako kay Zander.

dark past // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon