Chapter 57: kape

1.1K 26 1
                                    

J U N E      1 0     2 0 1 7
----------------------- 👑 ----------------------

Ianthe's Point of View

Papunta ako ng office ko ngayon. Nagdesisyon akong papasok na ako sa trabaho dahil nabanggit kahapon ni JB saakin ay hinahanap na ako ni Alec at galit na galit ito dahil ang tagal ko ng hindi nagtatrabaho.

Sa sobrang dami kong ginagawa at nalaman, nakalimutan ko na ang mga priorities ko. Mabuti na lang at naiintindihan ako ng mga teammates ko.

"Good morning Engr. Ford!" Bati saakin ni Teal. Naupo naman ako sa swivel chair ko saka hinarap ang napakaraming papel.

"Good morning Teal. Kamusta?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"So far so good. Pwera na lang kay Sir Hottie na parating mainit ang ulo." Sagot niya. Napangisi na lang ako. Lalo akong kinakabahan kausapin siya kapag nalalaman kong panay mainit ang ulo niya ngayon.

"Nasaan si Remi?" Tanong ko sa kanya. Kadalasan kasi ay magkasama silang dalawa. Himala at wala ang isa.

"Hayy naku hindi ko na pinapasok. Nilalagnat dahil sa dami ng ginagawa. Ayun, nag-iisa nga dun sa apartment namin." Sumimangot siya. Nakonsensya naman ako bigla. Sila lahat ang kumikilos sa proyektong ito tapos ako kung anu-anong iniisip ko.

"Sorry Teal. This past few days, ang dami kong ginagawa. Ngayon lang tuloy ako nakapasok dito." Paghingi ko ng tawad. I am really sorry. "Promise babawi ako!" Pagpapatuloy ko naman. Nginitian niya ako saka umiling.

"Naiintindihan namin! May isang napakalaking eskwelahan kang hinahawakan, cafe na pinapatakbo, tapos anak na inaasikaso, tapos ito pa. No need to say sorry. Napagusapan nga namin nina Remi na kailangan mo ring magpahinga kaya nagtataka ako kung bakit nandito ka." Sabi niya saka ngumiti. What did I do to deserve the people around me? Napaka-understanding nilang lahat.

"Thanks Teal. I am so blessed to have you." Ipinatong ko ang baba ko sa mga folder na nasa tapat ko.

"Nako tama na ang drama. Kung dito ang sched mo ngayon, aalis tayo. Punta tayo dun sa site. Get ready na. Byeee!" Tumayo na siya saka nagflying kiss saakin bago lumabas. Natatawa na lang ako habang napapailing.

May iilang folder akong binuksan, binasa at inaprobahan bago ako tinawag ni Teal dahil aalis na kami. Nandoon na daw si Zander at hinihintay kami. May mabilisang meeting daw kami doon.

Ito na. Makikita ko nanaman siya! Biglang namuo ang kaba sa dibdib ko. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kanya. Ang sabi ni Flynt kung mahal daw ako ni Zander, maiintindihan niya ako kahit paano ko pa umpisahan ang paliwanag ko.

Pero kasi hindi ganun kadali yun eh. Una sa lahat hindi porket mahal niya ako kailangan niyang intindihin yung ginawa ko noon. Syempre hindi maiiwasan yung magagalit siya saakin dahil sa ginawa ko. Hindi naman porket mahal niya ako ay isasawalang bahala niya yung kasalanang nagawa ko. Pangalawa, ni hindi nga ako sigurado kung mahal pa ako nun.

"Engr. Ford, nandito na tayo." Nilingon ko ang paligid nang marinig kong magsalita si Gabriel. Nandito na nga kami.

Inalalayan akong bumaba ni Noel. Pagbaba namin, kaagad kong natanaw ang kinatatayuan ni Zander. Nakatingin siya saamin habang nakakunot ang noo. I bet, malamig nanaman ang kanyang mga mata. Napapailing na lang ako saka bumaling kay Noel na tumulong saakin. "Salamat, Noel." Nakangiting sabi ko. Tinanguan at nginitian naman niya ako saka sabay na kaming naglakad.

Habang papalapit kami kay Zander ay palala naman ng palala ang kabang nararamdaman ko. Bakit ganitoooo? Grabe nagpapalpitate na yata ako.

"Good morning, Sir Zander." Binati siya lahat ng mga kasama. Nang matapos sila, bumaling siya saakin. Siniko ako ni Teal kaya lumapit na ako saka bumati.

dark past // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon