Chapter 60: tired ianthe

1K 25 0
                                    

J U N E      1 3     2 0 1 7
------------------------ 👑 -----------------------

Ianthe's Point of View

Nandito na kami sa Cebu ngayon. Gabi na at kababalik lang namin sa hotel kung saan kami magstay hanggang bukas ng umaga. Tapos na rin akong kumain at maligo kaya nagpeprepare na ako matulog.

Naalala ko naman na kailangan ko pala tawagan si Zander ngayon dahil iyon ang pinasabi ko kay Sacha at iyon ang sinabi ko sa mga bata.

Kinuha ko ang cellphone ko saka hinanap ang pangalan niya sa contacts ko. Nang makita ko na, alanganin ko pa kung pipindutin ko ba o hindi. Pero tila ba may sarili isip ang daliri ko at pinindot ko bigla ang call.

Saglit akong naghintay na may sumagot sa kabilang linya kaso nadismaya ako nang wala akong natanggap na sagot.

Dinial ko ulit kaso wala nanamang sumagot. Dimidiretso lang kaagad sa voicemail niya.

Nakailang ulit ako kaso wala pa ring sumasagot. Tinignan ko ang oras at pasado alas diyes na pala. Baka nagpapahinga na siya dahil sa pagod sa trabaho. Nagpasya akong bukas ko na lang siya tatawagan para siguradong masasagot niya.

OoooOoooOooo

Bagot na bagot ako habang nakikinig sa mga taong nagsasalita sa paligid. Katabi ko si Prime Minister Dohan saka ang iba pa naming kasama. Nagsasalita sa harapan ngayon ay ang pangulo.

Nakatitig ako sa cellphone ko habang naghihintay na itext o tawagan man lang ako ni Zander. Nakabenteng missed calls ako sa kanya kagabi at kahit isang text man lang wala akong natanggap mula sa kanya.

Galit pa kaya siya saakin? Kung ganun, bakit hinahanap niya ako sa KFIS noong minsan?

Sa inis ko, nagpunta nanaman ako sa contacts saka hinanap ang pangalan niya. Kaso nagdalawang isip ako dahil nandito nga pala ako sa conference room.

"Aish!" Ipinatong ko na lang sa lamesa ang cellphone ko saka nakinig kahit nakakabagot naman ang sinasabi nila.

Ang sabi ni Sacha saakin ay hinahanap daw ako ni Alec sa kanya parati. Eh bakit hindi man lang niya masagot ang mga tawag at text ko sa kanya?

Bwiset na lalaking yun talaga!

OoooOoooOooo

Natapos ang business namin dito sa Cebu kaya papunta na kami ng Palawan ngayon. Sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko nga ay magkakasakit ako once na napahinga ako sa bahay.

Nang makarating kami sa Palawan ay nagtour lang ang mga kasama ko. Hindi na ako sumama dahil pagod na talaga ako. Gigive-up na ang buong katawan ko dahil sa biyahe.

Nagpaiwan na lang ako dito sa hotel kung saan kami magstay hanggang bukas. Nagsabi din ako kay Sacha na tawagan si Dr. Lee para pagdating ko sa Manila ay magpapacheck up ako.

Masyado ko nanaman yata pinapagod ang sarili ko sa trabaho. Kailan lang ako naging okay, tapos inaabuso ko na ang katawan ko.

Nang marinig kong magring ang cellphone ko ay pikit mata ko itong sinagot.

"Hello?" Nanghihinang tanong ko sa kabilang linya.

"Ianthe? Are you okay?" Napamulat ako ng mga mata saka tinignan ang caller's ID. Si Chastity pala.

"Hmm.. I'm a bit tired." Sagot ko naman sa kanya saka pumikit ulit. Gustong-gusto ko talaga matulog buong araw ngayon. Kung pupwede lang talaga.

"Why? Where are you?" Tanong niya saakin. Nag-alangan pa ako kung sasabihin ko pero naisip ko na wala din namang sense kung hindi ko pa sasabihin.

dark past // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon